Chapter 14

396 9 1
                                    

Kate's P.O.V

Nandito kami ngayon sa bahay nila Lei at naglilinis. Dumiretso kami dito pag-uwi namin.

"Say, wala ba kayong thesis ngayon Kate?"

Napalingon ako kay Sofie na naghuhugas ng plato, "Hindi naman niya ako kinausap ngayong araw"

"Ha?! Paano na lang kayo matatapos sa project ninyo kung hindi kayo magco-communicate with each other?"

Napatigil ako sa paglilinis ng agiw dahil sa sinabi niya, "Naiintindihan ko naman siya. Busy siya these past few days. Tsaka, kakausapin ko rin naman s'ya sa mga susunod na araw about sa thesis namin. Kayo? Nagsimula na?"

"Yep. Sinabi ko kay Britney na makipag-chat na lang siya sa'kin mamaya about sa topic namin. Naku Kate. Nag-aalala ako sa'yo eh. Hindi ka mabubuhay nang wala ang tulong ko. Baka mamaya n'yan, layuan ka ni Kleifford dahil sa katamaran mo"

"Aba. Hindi na ako ang dating Kate na nakilala mo Besh noh. Magsisipag na ako ngayon. Kung si Kleifford ba naman ang partner ko?"

"Haha. Ang lakas talaga ng tama mo d'yan kay Kleifford. Nagpapasalamat talaga ako at siya ang partner mo. Hindi nakukumbinsi iyang katamaran mo"

Itinuloy ko na ang ginagawa ko, "Yeah, right. Inspiration eh"

Tamad akong estudyante, inaamin ko. Actually, wala naman akong masyadong pakialam sa grades kaya ganun ako katamad. Dumedepende nga lang ako kay Besh eh. Minsan, nangongopya na lang ako ng assignments n'yan. Palagi pala. Masipag kasi iyan. Sa sobrang sipag, tapos na agad ang projects before deadline. Hindi na ako magtataka kung mas magiging maganda ang future niya kaysa sa'kin. Pero kahit tamad ako, gumagawa rin naman ako ng projects kahit papaano. Yun nga lang, sa mismong deadline ko ginagawa kaya ayun, medyo pangit ang naipapasa.

Pero iba na ngayon, sinisigurado kong ako pa ang mismong mag-aalok kay Kleifford na magpasa ng thesis namin before deadline! Ang saya pala kapag partner si crush, hihi.

Nang natapos na kami, pinuntahan na namin ang apat na ngayon, hindi na nanonood ng tv kundi naglalaro naman ng board game.

Sinilip ko kung anong nilalaro nila.

"Marunong din pala kayong mag-chess?"

Napalingon silang apat sa akin. Actually, si Lei at si Franc lang ang naglalaro at tumitingin lang si Phil at Matt sa kanila.

Hindi nila ako pinansin at nagpatuloy na lamang sa laro nila.

Psh. Snobbers.

Mukhang seryosong-seryoso sila. Makatingin na nga lang.

Bale ang natitira na lang kay Lei ay ang King niya habang si Franc naman ay ang King, Queen at Bishop. Min-ove ni Lei ang King niya para makain ang King ni Franc pero pagka-move niya, na-checkpoint siya nang di niya namamalayan.

"Argh! Bwiset! Ayoko na!" naiinis na sabi ni Lei sabay tayo.

Sinimulan nang magligpit si Franc, "Easy, Lei. May next time pa naman. Hahaha"

"Next time, next time, sus. Tanggapin mo na kasing talo ka, Boss Lei" pang-aasar ni Phil.

"Hoy! Huwag mo nga akong matawag-tawag na Boss Lei!"

"Edi Bossing Lei na lang"

"Tss. Gusto mong masapak?!"

Tsk. Tsk. Itong dalawang 'to talaga oh.

Pinutol ko ang pag-aasaran ng dalawa, "Oo nga pala, nagtataka lang ako. Iyon nga, mukhang mayayaman kayo at mukhang mga edukadong tao. Bakit gangster nga pala kayo?"

My 3 Identity BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon