Chapter 32

261 12 2
                                    

Kate's P.O.V

"Nngh..."

Sobrang sakit ng ulo ko. Feeling ko mabibiyak na ata.

Bumangon ako.

Wala akong maalala. Bakit ba ganito kasakit ang ulo ko?

"So, gising na pala ang lasenggerong minor kong kapatid na nagpaalam lang na pupunta sa bahay ng bestfriend niya. Musta tulog?"

Hinilot ko ang sentido ko. Ang sakit talaga ng ulo ko. Nasaan ba ako?

Pinagmasdan ko ang paligid. Ah. Nasa kwarto ko ako at n'andito si Kuya.

O_O

Si Kuya?

"K-kuya...."

Nakapameywang siyang inilapit ang mukha sa 'kin, "Anong lasa ng beer?"

Anla. Naalala ko na. Nag-inuman nga pala kami kagabi kasi birthday ni Franc.

Pero hindi ko matandaan kung bakit na'ndito ako.

"Kuya, pa 'no ako nakauwi?"

Umiling si Kuya, "Ayan. Ayan ang mga nangyayari sa mga lasing. Wala silang matandaan,"

"Kuya naman, tinatanong kita nang maayos eh. Wala akong maalala kagabi,"

"Umuwi ka rito nang mag-isa,"

"Umuwi nang mag-isa?"

"Hindi na mahalaga yun. Ang ipinupunto ko rito, sino 'ng pumayag sa 'yo na uminom? Umamin ka nga sa 'kin. Nag-bar ba kayo kagabi kasama ng ate ng bestfriend mo?"

Paano ako nakauwi nang mag-isa?

"Kate, sagot."

Nang marinig ko ang seryosong boses na yun ni Kuya, napatingin ako sa kanya.

Ayan na. Lumalabas na ang nakakatakot na aura niya. Ano 'ng sasabihin ko?

Alangan namang sabihin ko yung totoo.

"Uhm...ano kasi, Kuya..."

Ding dong!

Bumaba ako ng kama, "Kuya! Sasagutin ko muna yung nagdo-doorbell!"

"Hoy Kate!"

Mabuti na lang at naligtas ako dun.

Binuksan ko ang pinto ng bahay namin at bumungad sa 'kin ang nag-aalalang mukha ni Ate Sab.

"Ate Sab?"

"Kate!"

Niyakap niya ako.

Bakit siya na'ndito?

"Hoy Kate! 'Di pa tayo ta---"

Kumalas sa pagkakayakap sa 'kin si Ate Sab nang marinig ko ang boses ni Kuya sa likod ko.

"IKAW?! / IKAW?!"

Sofie's P.O.V

Grabe. Ang sakit ng ulo ko.

Idinilat ko ang mata ko.

Oh. Tulog si Phil sa tabi ko.

*turns*

O____O

"AAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!!!"

Napabalikwas si Phil mula sa pagkakatulog niya, "ANO 'YON?! ANO 'YON?!"

No. This is not happening.

Nananaginip lang ako. Tama. Nananaginip lang ako.

Sinampal ko ang sarili ko.

My 3 Identity BoyfriendWhere stories live. Discover now