Chapter 6

461 13 2
                                    

Kate's P.O.V

"ATE SAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAB! OMG! I MISSED YOU SO SO MUCH!"

"KATE! YOU TOO! I MISSED YOU!"

OMG! OMG TALAGA! :') ATE SAB IS HERE! SOBRANG SAYA KO!

"Ugh. Yeah right. She's here. So what, Besh? Bumalik na tayo ng bahay kasama si Ate, hinihintay na siya nila Mommy."

Kinalas ni Ate Sab ang pagkakayakap niya sa 'kin. Lumapit siya kay Besh at ito naman ang niyakap niya, "Bakit? Nagseselos ba ang little sis ko?"

Nakita kong umirap lang si Besh sa sinabi ni Ate Sab.

Natawa naman ako.

As you see, Sabrina Genevive Alejandro is the fashionable and elegant big sis of Besh. Kagagaling lang niya ng States dahil nag-aaral siya roon. I don't know, vacation ata nila ngayon kaya napabisita siya ng Pilipinas.

Pero nakikita niyo naman, mas close sa 'kin si Ate Sab kaysa kay Besh na own sister niya. Hindi kasi sila magkasundo sa halos lahat ng bagay. For example, mas gusto ni Besh na nasa bahay lang palagi at si Ate Sab naman, gusto na palaging lumalabas. Ayaw ni Besh maligo sa spring, kabaligtaran naman si Ate Sab. Ganun silang magkapatid.

Pero kami ni Ate Sab, magkasundong-magkasundo sa napakaraming bagay. We love to shop, we love parties, we love donuts and etc.

I met Ate Sab when I went to Besh's house for the first time. Tingin ko pa sa kanya noon ay masungit dahil mukha naman talaga siyang masungit, pero nagbago rin agad yun when she introduced herself to me in a friendly way. Naalala ko pa nga ang sabi niya noon sa 'kin, "You can treat me as your real sister if you want. All Sofie's friends are my friends too," After that, I cursed myself because I thought that Sofie's sis is masungit but hindi pala.

So lagi na akong pumupunta kila Besh after that and guess what? Ate Sab is very kind to me! She treats me very well just like Besh.

Ito namang si Besh, dati pa niya ayaw sa sis niya. Bago pa ako dumating, talagang ayaw na niya kay Ate Sab. Gaya nga ng sinabi ko, hindi sila magkasundo sa maraming bagay. Isa pang dahilan nitong si Besh, maarte raw si Ate Sab kaya ayaw niya rito.

Naging close kami ni Ate Sab. Lagi kaming gumigimik. Minsan, ayaw sumama ni Besh kaya nag se-set up na lang kami ng gimik na kaming dalawa lang minsan. Minsan din nag sho-shopping kami ng magagandang damit. Tapos may times din na nagpupunta kami ng parlor. Nagsasabihan din kami ng problems sa isa't isa. Ganoon kami ka-close ni Ate Sab. Kami pa ata ang magkapatid kaysa sa kanila ni Besh.

Pero nalungkot ako nang malaman kong mag-aaral siya sa States. Dati pa niyang pinapangarap na makapag-aral dun eh, kaya yan. She met it. Mabuti na lang talaga at vacation nila ngayon dahil sobra ko siyang na-miss.

Si Besh na ang nagtanggal ng pagkakayakap nila ni Ate Sab, "Let's go. Hinihintay ka na ng lahat, Ate. Naghanda raw sila ng Welcoming Party para sa'yo,"

"Welcoming Party? Oh! That's great! I'm so excited to see Mom and Pop too. I hope they're okay!"

"Huwag kang mag-alala Ate. They're alright. Masyado ka lang demanding,"

Ate Sab pinched Besh's cheek, "Ikaw talaga! You are a bad sis to me!"

Sumabat naman ako, "Mabuti na lang at good sis ako kay Ate Sab kaysa sa iba diyan,"

Sinamaan ako ng tingin ni Besh, "Die. Besh,"

"Oo nga. Mas good girl si Kate kaysa sa isa diyan," dagdag pa ni Ate Sab.

I smiled kasi alam ko na yung mangyayari.

"Magsama kayong dalawa! Tutal, magkapatid naman kayo!"

My 3 Identity BoyfriendWhere stories live. Discover now