Chapter 34

222 13 5
                                    

Kleifford / Sean / Lei's P.O.V

"I knew it. You and him are one,"

Nabigla ako nang marinig ko iyon. Tiningnan ko ang repleksiyon ko at nakita siya sa likod ko.

"I always knew it."

My heartbeat stopped. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. The only thing is, he caught me.

Humarap ako sa kanya, "Josh..."

"Sean, kailan mo pa 'to ginagawa?"

Ito na nga ang ikinatatakot ko. Sobra akong kinakabahan. Ang sikreto ko, it's exposed.

It really is exposed. I can't believe it.

"Josh, kanina ka pa ba rito?"

Matamlay niya akong sinagot, "Yeah. May ipinakuha sa akin ang staff sa dressing room mo. Nang dumating ka, I hide and all I knew was, you became that person at once,"

He continued, "I never thought that you would do this, Sean. Noong una, akala ko I'm just seeing things by myself just like you said. Pero ngayon, napatunayan ko na ang lahat ng iyon. It's a good thing that I hide here and investigated you. I know, what I did was wrong but I can't contain myself. Ang dami kong agam-agam na kailangang makakuha ng sagot. But probably, what you did is much wrong. You deceived us. You deceived me, my friend,"

Nakikita ko sa mga mata niya kung gaano siya nasasaktan.

As you see, Josh is my friend. He's right. I deceived him. He's one out of many people that I deceived. Simula noong nag-model agency ako ay naging magkaibigan na kami. He's been my companion ever since. But then, he always sees Kleifford at a wrong time. Pinagkakamalan niyang siya ay ako at ako ay siya. He'd been to our school just to make it sure but like other people, I said to him that these two are different. He believed me. That Sean and Kleifford are two different people.

"Sean, I believed in you."

Hindi pa rin ako sumasagot. Hinahayaan ko lang siyang magpatuloy sa sinasabi niya.

"Sean! Who the fuck I am to you?! Isa ba ako sa mga panira sa buhay mo that you want to get rid of as soon as possible? I treated you as a friend, Sean. Who am I to you? You're deceiving me like hell! I'm not a big deal for you! All this time I thought that you and that person are one pero anong ginawa mo? Ginawa mo akong tanga!"

He grabbed my collar, "Isa kang malaking gago Sean! Pinagkatiwalaan kita. Tinuring na isang kaibigan pero parang hindi ata iyon ang turing mo sa 'kin. Ang sakit lang na all this time, pinaniniwala mo ako na ang taong iyon pati ikaw ay magkaiba! Binigyan kita ng tsansa. Tinanong kita isang beses kung ikaw ba at ang taong iyon ay iisa, pero anong isinagot mo?"

Itinulak niya ako sa pader at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kwelyo ng polo ko, "Gago!"

"Bakit ayaw mong sumagot?! Ni isang beses man lang ba, pinagkatiwalaan mo ako? Hindi, 'di ba? Eh ako? Tinanong mo ba ako kung pinagkatiwalaan kita? Sean, hindi mo alam kung sinong niloko mo. Hindi ako bobo para paniwalain mo sa mga sinasabi mong kasinungalingan."

"Sorry Josh,"

Iyon lang ang mga katagang sinabi ko. Tama siya. Sinaktan ko siya. Niloko ko siya. Hindi ko siya pinagkatiwalaan dahil isa akong malaking gago. Isa akong malaking gago na nagtatago ng sikreto para sa kapakanan ng mga taong niloloko ko. Nagtatago ng isang sikreto dahil alam kong kapag ipinaalam ko sa kanila ito, masasaktan sila at masasaktan din ako.

"Sorry? Hindi sapat ang sorry mo, pre. Pinagmukha mo akong tanga. Alam mo, kung ako sa 'yo, bago pa maulit ang ginawa mo sa 'kin ay sabihin mo na ang totoo sa iba pang taong niloko mo. Huwag mo nang hayaan pang malaman nila na pinagmumukha mo silang tanga all this time dahil dadami ang taong hindi ka na mapapatawad pa 'pag nagkataon."

My 3 Identity BoyfriendWhere stories live. Discover now