Chapter 15

353 8 3
                                    

Kate's P.O.V

Kinagat ko yung unan sa kama ko.

"Thank You sa sapatos, Lei"

Ugh! Bakit Kate? Bakeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeet???

Pwede naman kasing mag-thank you nang hindi hinahalikan ang pisngi niya di'ba?

"Argh!"

Tumigil na ako sa pagkagat ng unan ko at ginulo ko naman ang buhok ko.

Bakit ko ba kasi ginawa 'yun?

Why did I kiss him?

Ano bang umudyok sa'kin para gawin 'yun?

Iniratay ko ang sarili ko sa kama. Pinagmasdan ko ang kisame ng kwarto ko.

Napabuntung-hininga ako.

It's okay, Kate. It's okay.

Yung ginawa mong paghalik sa pisngi niya kanina, it's only a sign of gratitude.

There's no meaning behind it.

Hindi niya iisiping hinalikan ko siya for a purpose. Sinabi ko pa ngang, "Thank You" di'ba?

Ugh! Bakit ko ba iniisip ang mga 'to?

May number naman ako ni Lei. Ite-text ko na lang siya na yung ginawa ko kanina, isang simpleng thank you lang.

Tama. Ite-text ko na lang siya.

But when I was about to reach my phone, may kung anong pumigil sa'kin.

Argh! Huwag na nga!

Baka isipin pa ng tao na iba ang naiisip ko sa nangyari kanina.

Huwag na kasi Kate. Alam naman niya sigurong simpleng thank you lang yung ginawa mo.

Hindi mo na kailangang ulit-ulitin pa sa kanya.

Tumunog ang phone ko.

Inabot ko ito na nasa table lamang sa tabi ng kama ko at sinagot, "Hello?"

"Kate..."

Napabalikwas ako nang marinig ko ang boses sa kabilang linya, "Kuya Kent? Wait. Nasaan ka ngayon? May gagawin na naman ba kayo? Bakit hindi ka pa umuuwi?"

Narinig ko siyang suminok, "Hik! Alam mo...Hik! Pare-pareho lang kayong mga baba- Hik! Manloloko kayo! Hik!"

Ano bang pinagsasabi nito? Bakit ganyan siya kung makapagsalita?

"Kuya? Are you drunk? Nasaan ka ngayon?"

"Drunk?! Hahahaha. Hik! Hindi pa ako lasheeeng! Hik! Malalasing ba ang ex-boyfriend?! Hik!"

OMG. Sabi na eh. Hindi naman 'to iinom nang walang dahilan.

"You broke up with your girlfriend?"

"Hoy! Anong sinabi mo?! Bawiin mo yung sinabi mo! Bad word 'yun! Nagmumura ka ba?! Huwag mo nga sabihin ang pangalan niya! Di ko siya girlfriend! Hik!"

Sheesh. Sabi na eh. Pang-ilang girlfriend niya na ba 'to na nakipag-break sa kanya?

"Alam mo, para kang baboy Kuya. Hay naku. Nasaan ka ba nag-iinom? May kasama ka ba diyan?"

"Matutulog na ako, sweetheart. Hik! Good night. Sweet dreams. Hik!"

Ano raw?! Aba't! Pinagkamalan pa ata akong babae niya.

"Hey Kuya! Wake up! He-"

He hanged up.

Ay naku po. Saan ko ba hahanapin 'yung lalaking 'yun?

My 3 Identity BoyfriendWhere stories live. Discover now