Chapter 21

232 10 1
                                    

Sofie's P.O.V

"Mommy, bakit ginising niyo naman po ako nang maaga?"

"Sofie, ano sa tingin mo? Bakit kita ginising nang maaga? Gad! Three days ka nang hindi pumapasok! Three days na inakala kong habang tulog kami ay ikaw na ang naghahandang pumasok by yourself, iyon pala, nagkukulong ka lang sa kwarto mo for three days?! Kung hindi siguro tumawag sa akin ang dean niyo, hindi ka pa rin papasok!"

Mahabang sermon na naman ni Mommy ang natanggap ko.

Oo. Nakaabot ng three days ang pagdadrama ko. E sa hindi ko pa rin kasi tanggap yung mga sinabi ni Sean. Iniisip kong panaginip pa rin ang lahat nang yun.

Tsaka, hindi pa ako handang harapin si Besh. Ewan ko. Actually, wala naman siyang kasalanan sa nangyari. All that she did is to make me happy pero kasi, nagseselos pa rin ako sa kanya. Mas pinapahalagahan kasi siya ni Sean kaysa sa'kin.

Hindi pa rin ako makaget-over sa nangyari. Wow. 2 years akong naging stay strong na fan girl ni Sean ah tapos ganun lang? Ang matagal na paghihintay ko ay napunta lang sa wala? Na ang mismong bestfriend ko pa ang mas mapapansin niya na walang ka-effort effort hindi tulad ko? Siyempre, masakit talaga para sa'kin yung nangyari.

Pero ano nga ba ang magagawa ko? Sila ang unang nagkakilala eh. Sino ba ako para hadlangan ang kung anong mayroon sa kanila? Hindi ko naman pwedeng kontrolin ang feelings nila.

So I'll somehow let them be kahit na ako ang nasasaktan.

At least I'll make my love be happy and my friend, too.

Pero hindi pa rin talaga ako ready ngayon na makipag-ayos. Sariwa pa rin ang sugat e. Maybe, soon but now? Nah. Actually, nagsisimula na nga akong pagtatanggalin ang poster ni Sean sa kwarto ko.

But really, makikipag-ayos naman talaga ako. Alam kong matatanggap ko rin ang nangyari. Siguro, hindi na ako magiging masyadong patay na patay kay Sean but who knows. Baka ang purpose ng nangyari ay yun naman talaga.

Kailangan ko lang ng sapat na panahon para maiayos 'to. After that, we'll be back with our normal lives. Kapag nawala na ang selos na nararamdaman ko kay Besh at humupa na ang galit ko kay Anze, matatanggap ko rin ang lahat.

"What's with you ba anak? Hindi ka naman ganyan ah. Did something happened na dapat kong ikabahala?"

Umupo na ako sa dining table at nagsimula nang kumain ng hotdog, "Something happened pero wala kang dapat ikabahala."

"Something happened?"

"Mom, problema ko 'to. Huwag na kayong makisawsaw pa. If you only want me to go to school, I'll go. Just don't intrude to other people problems. Please?"

Bumuntung-hininga si Mommy, "Lumalaki ka na talagang independent katulad ng ate mo,"

Here we go again. Comparing me with Ate Sab.

Kate's P.O.V

Wala pa rin si Besh. Absent na naman siya ngayon. Nandiyan na ang first class prof namin o.

Napayuko ako sa desk ko.

Kailan ko kaya siya makakausap?

Naaalala ko na naman tuloy yung sinabi ni Lei sa'kin about precious thingy.

After niya kasing sinabi yung precious thingy, tumawa siya at sinabi niyang kahit itinuturing niya akong friend, itinuturing niya pa rin akong kaaway. Kumbaga, frenemies. Magiging mabait lang daw siya sa'kin kung kailan niya gusto pero kung susumahin, naiinis pa rin daw siya sa'kin.

Kaya nga inis na inis ako nang gabing yun. Nag-walk out ako at umuwi nang mag-isa. Hindi ko na kasi maatim ang mukha niya. Baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya after what he said.

My 3 Identity BoyfriendWo Geschichten leben. Entdecke jetzt