Chapter 38

242 11 0
                                    

Kleifford / Sean / Lei's P.O.V

"Pasensya na kung pinaghintay kita nang matagal. Gusto lang sana kitang makausap."

Umupo sa tabi ko ang kuya ni Kate.

Although hindi ko alam kung bakit niya ako ipinapunta rito sa bench sa tabi ng isang kalsada, hindi ako nag-atubiling makipagkita sa kanya.

Ang alam niya kasi, ako ang boyfriend ni Kate and by boyfriend, maybe nandito siya para may ibalita sa 'kin tungkol sa kalagayan ni Kate.

"Ano nga palang gusto mong pag-usapan natin?" tanong ko.

Tiningnan niya ako nang mata sa mata, "Didiretsuhin na kita Kleifford. Alam mo ba kung bakit gano'n ang inaasta ni Kate?"

Nabigla ako sa tanong niya, "P-po?"

"She's been acting weird lately. At malakas ang loob kong may alam ka rito. Girlfriend mo siya 'di ba?"

Umiwas ako ng tingin at napayuko ako.

"Not anymore,"

Alalang-alala rin ang Kuya niya sa kanya.

"Not anymore? What do you mean?"

"I'm sorry..."

Iyon ang mga salitang tanging nasambit ko.

"What do you mean by 'sorry'?" he asked.

"It's all my fault kung bakit siya nagkakagano'n. I'm sorry I didn't take care of her much gaya ng ine-expect niyo sa 'kin..."

Sinabi ko na ang totoo sa kanya. There's no need to hide all of these. It's the truth.

"I...see...Sinasabi ko na nga ba. Ito yung nangyari. Nagsimula lang siyang magkagano'n after ng date niyo. Ano ba 'ng nangyari?"

Nilingon ko siya, "Hindi ka galit?"

"Bakit ako magagalit? I knew you had a good reason for hurting her. I can see it in your eyes. Hindi mo ginustong mag-break kayong dalawa,"

Tinapik niya ako sa balikat, "Tol, lalaki rin ako gaya mo. Alam ko ang nararamdaman mo. Napagdaanan ko na rin iyan. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ang babae ang nasasaktan sa isang complicated relationship. We have feelings too, you know. Tell me. What's the reason?"

Hindi ko inaasahan na sasabihin niya ang mga bagay na iyon...

I smiled.

"Yeah. But...she's the one whose been hurt here too much. Not me. I didn't consider her feelings at first..."

"Ano ba kasing nangyari?"

Yumuko ako, "I tricked her. I know you won't believe me but I have 3 identities. I have it for many reasons before I met her. Before the three identities met her at the same time and tricked her that these three people are different."

"I get it. Although hindi ko maintindihan ang buong pangyayari, the fact is, niloko mo siya. Tama ba ako?"

"Yes. You're right..."

"Kaya pala ganun ang ikinikilos niya these days. Aaminin ko, sinaktan mo nga siya ng todo base sa sitwasyon niya ngayon. It's the first time I've seen her being like that..."

"I know..."

"Pero 'tol..."

Napaharap ako sa kanya.

"You loved her, don't you?"

I didn't hesitate.

"Yes. I loved her. Not only I loved her. I love her and will love her more,"

My 3 Identity BoyfriendWhere stories live. Discover now