Chapter 36

247 10 1
                                    

Kleifford's P.O.V

"Fuck!"

Napapamura na ako. Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko.

I badly wanted to see her. I need to explain everything.

I want her to understand.

Alam kong hindi pa huli ang lahat.

Hindi ko ata kayang mawala siya sa 'kin.

I'll definitely die if that happens.

"O Lei, bakit parang down na down ka ata? Tsaka, ano iyang suot mo?"

"Kararating mo lang?" tanong ko.

"Oo. Parang wala ka ata sa sarili mo ah. Usually, hindi mo ako tinatanong ng ganyan,"

Tumawa nang bahagya si Phil.

"Nandiyan na ba sila Franc at Matt?" dagdag ko pa.

"Ah, sabi nila, susunod na lang daw sila. Parating na ang mga iyon. Teka nga. Ano ba 'ng nangyayari sa 'yo? Parang ibang-iba ka ata ngayon? May nangyari bang kung ano?"

"Wala. Kapag dumating na sila, sabihin mo sa 'kin. May importante akong sasabihin,"

"Importante?" pagtataka ni Phil.

Tinitigan ko siya, "Oo. Importante,"

Hindi ko na 'to kayang palampasin pa.

Ayoko nang may masaktan ulit.

Si Josh. Si Kate...

...ayoko nang mangyari pa ulit ang mga iyon.

Sasabihin ko na at hindi ko na papatagalin pa.

Lalong-lalo na sa kanilang mga matatalik na kaibigan ko.

Hindi na ako magdadalawang-isip.

"Uy! Matt! Franc! Na'ndito na rin kayo sa wakas!"

Pagkasabi no'n ni Phil, napatayo ako.

"Sabi raw ni Lei, may importante siyang sasabihin sa 'tin,"

Nagsilapit ang dalawa.

"Ano 'yon Lei?" tanong ni Franc.

"Tungkol ba 'to sa Gang Wars?" dagdag ni Matt.

Umiling ako, "Hindi. Dahil tungkol 'to sa 'kin."

Napatingin sila sa isa't isa.

"Umupo muna kayo,"

Ginawa nila ang sinabi ko at tumayo ako sa harap nila habang naka-cross arms.

Ngumiti si Franc, "Ano ba 'ng importanteng bagay na yun Lei?"

"Bakla ka Lei?"

Hinagisan ko ng remote si Phil.

"Aray! Grabe naman! Nagpe-predict lang!"

"Seryoso ako, Phil."

Napalunok siya.

Napabuntung-hininga ako.

Tiningnan ko silang tatlo.

Hindi ko man alam ang magiging reaksiyon nila matapos kong sabihin ang mga bagay na iyon...

Hindi ko man alam kung iiwan ba nila ako o hindi matapos 'to...

Wala akong pakialam.

Ayoko nang patagalin pa ang sikreto ko.

If it's already exposed, then let it be.

Kahit ako ang masasaktan sa huli.

Tama. Since it's all my fault.

My 3 Identity BoyfriendWhere stories live. Discover now