Chapter 30

246 10 4
                                    

Kate's P.O.V

"Why're you fucking flirting with somebody elses's girlfriend?!"

Anze?!

"Anze? Anong---"

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil hinila niya ako.

---

"Anze! Ano ba? Bitawan mo nga ako!"

Hinigit ko ang kamay ko mula sa mahigpit na pagkakahawak niya.

Huminto kami sa isang portion ng building kung saan walang tao.

"Anze! Ano bang problema mo? Bakit mo sinapak si---"

Napahinto ako nang sinuntok niya ang pader na katabi niya.

"Anze...ano bang meron..."

Nanggagalaiti siyang humarap sa'kin, "Anong meron?! Nakikita mo naman hindi ba?! Naglalandian kayo ng lalaking iyon even you have a boyfriend!"

Alam niyang may boyfriend ako?

"Teka nga...pa'no mo naman nalamang may boyfriend ako? At bakit ikaw yung nagagalit?"

Sandali siyang natahimik.

Hindi ko na talaga maatim pa ang mga nangyayari ah. Masyado na akong nagtataka.

"Anze, umamin ka nga sa'kin..."

Tiningnan niya ako.

"Ka-ano ano mo si Kleifford? Magkapatid ba kayo?"

Imbis na makakuha ako ng sagot ay tinitigan niya lang ako.

"Anze, bakit ayaw mong sumagot?"

Anze...

Ano ba talagang nangyayari?

Bakit ganyan siya kung umasta?

Hinawakan niya ako sa parehong balikat.

"Kate, listen. I'm doing this for you,"

"Doing this for me? Hindi kita maintindihan. Sa tingin mo ba, tama na ganunin mo si Josh? Wala namang ginagawa sa 'yong masama yung tao ah. Bakit mo siya sinuntok na lang bigla?"

"May ginawa siya. He made a move on you. Tama ba na gawin niya iyon sa babaeng taken na?"

"No. He doesn't do anything. He's just teasing me. He didn't made a move to me. Nagkamali ka lang ng hinala mo, Anze. At saka, nasabi ko na sa kanya na may boyfriend na ako bago pa niya gawin iyon. Tsaka sa tingin mo ba, papatulan ko siya gayong si Kleifford lang ang mahal ko?"

Napatigil si Anze at unti-unti akong binitawan.

"I'm sorry,"

Sorry?

Yumuko siya, "Hayaan mo. Magso-sorry ako kay Josh. I'm really sorry that all of this happened. Nabigla lang ako,"

"Anze? Ano ba? Ano ba iyang inaasta mo? Bakit ang weird mo? Hindi naman ganyan ang inaasta ng Anze na kilala ko, hindi ba? Ano ba 'ng nangyayari sa 'yo?"

Tiningnan ako ni Anze. Nakikita ko sa mukha niya na parang may na-realize siya.

Napahapo siya ng noo niya at pilit akong nginitian.

"Haha. I'm sorry Kate. It's just that, yeah. Kilala ko si Kleifford kaya alam kong girlfriend ka niya. Hindi ko siya kapatid. Actually, he's my close friend kaya nga no'ng nakita ko kayo ni Josh kanina, akala ko itinatakwil mo na si Kleifford kaya ginawa ko iyong bagay na 'yon. It seems like, nabigla lang ako sa mga pangyayari kanina. Hahaha. Alam mo naman, ayokong maging malungkot ang close friend ko. Hahaha,"

My 3 Identity BoyfriendOnde as histórias ganham vida. Descobre agora