Chapter 9

402 13 1
                                    

Kate's P.O.V

"Sabrina!"

Sinalubong agad ni Tita si Ate Sab ng isang napakahigpit na yakap pagkarating na pagkarating namin kila Sofie.

Kinalas ni Tita ang yakap at binalingan kami ni Sofie, "Sobra akong nag-alala sa inyo. Ano ba 'ng nangyari? Bakit natagalan ata kayo?"

Si Ate Sab na ang sumagot, "We're very sorry Mom. It's just that...something happened. But, we are okay naman, 'di ba? Wala kayong dapat ipag-alala,"

"Sino bang hindi mag-aalala kung ang alam lang namin ay sinundo ka tapos ginabi na agad kayo? Hindi pa kayo tumatawag. Sino bang hindi mag-aalala roon, anak?" sabat naman ni Tito.

Niyakap ni Ate Sab si Tito, "Aw, Dad. Tumawag na naman po ako bago kami pumunta rito, hindi ba? And...hindi kami nakatawag kanina dahil sa sobrang pagpa-panic namin because yeah, like I said, something happened. I'll talk to you later about that but first,"

Kumalas siya sa pagkakayakap kay Tito at ngumiti, "Let us just enjoy my welcoming party? Sayang naman ang foods na inihanda ninyo para sa akin, Mom and Pop,"

Pilit na ngumiti si Tito at Tita kahit bakas pa rin sa kanila ang pag-aalala.

"Alam mo bang dapat ay sosorpresahin ka namin kaso lang natagalan kayo kaya napalitan ang excitement namin ng Mommy mo sa surprise ng pag-aalala?" baling ni Tito kay Ate Sab.

"Oh well, that's okay. Ikuwento mo na lang sa 'min mamaya kung ano ang nangyari Sab. I'm sure, gutom na kayo kaya kumain muna tayo. Marami akong inihandang pagkain. Niluto ko rin ang paborito mong carbonara, Sabrina," dagdag ni Tita.

Biglang na-excite si Ate Sab, "Really? Uwaaah! Thank You Mom! I missed your carbonara!"

Sumunod na rin kami ni Besh sa hapag-kainan. Gaya nga ng inaasahan, ang daming handa na niluto ni Tita. Ang sasarap pa kaya busog na busog kaming lahat pagkatapos. Pero hindi pa ako nakaka-burp, hinila na agad ako ni Besh.

"Uh, excuse me Mommy and Daddy. Pupunta lang po kami ni Kate sa room ko," explain ni Besh kila Tita at Tito.

"Ah. Oo nga pala Kate, hindi ka ba hahanapin sa inyo? Gabi na rin o," tanong ni Tita.

"Ah. Bukas pa po ako uuwi. Nagpaalam na po ako kay Kuya kahapon since nalaman kong dadating si Ate Sab ngayon. Pinayagan niya naman po ako dahil tradisyunal ko nang ginagawa na kapag dadating si Ate Sab, sa susunod na araw na po ako uuwi,"

"Ah. Oo nga pala. I forgot. Sige. Pumunta na kayo sa kwarto ni Sofie. Pasusunurin ko na lang doon si Sabrina after she explained what happened kanina,"

Sasagot pa lang sana si Ate Sab sa sinabi ni Tita, hinila agad ako ni Besh papunta sa kwarto niya.

Pagkapasok na pagkapasok namin ng kwarto niya, ni-lock agad niya ang pinto.

"Hey Besh. Easy lang. Wala namang makakarinig sa 'tin kundi tayong dalawa lang,"

Umupo ako sa kama niya. Umupo naman siya sa tabi ko, "Besh, ikukuwento ko na sa 'yo yung very bad bad guy na nakilala ko habang nawawala ako,"

Bigla akong na-interesado sa sinabi ni Besh, "Sige. Sige. Ikuwento mo na,"

Huminga siya nang malalim bago magkwento, "Mahabang kwento ito actually pero paiikliin ko na lang. Baka kasi mamaya ay kumatok na rito si Ate Sab,"

"O sige na. Ikuwento mo na."

"Okay. Noong time na nag-walk out ako. I bumped on a man. Nagalit siya sa 'kin at sasampalin na sana niya ako kung hindi lang dumating yung bad guy. He saved me from that man. Pinakiusapan niya yung man tapos naging okay na,"

My 3 Identity BoyfriendWhere stories live. Discover now