Chapter 1

2.3K 25 11
                                    

Kate's P.O.V

"Besh, ano bang nakita mo kay Kleifford at sobrang patay na patay ka sa kanya?"

"Hindi mo ba napapansin? Nasa kanya na ang lahat! The looks, the brain and even the attitude! He's so perfect. Wala ka nang makikitang ibang lalaki bukod sa kanya!"

"No. I don't think so. He's like a nerd for me,"

Napahinto ako sa paglalakad na siyang nagpahinto rin kay Besh.

"Nerd? Is it because of his eyeglasses? He looks handsome kaya with those," I said then we continued on walking.

"Hay naku, Besh. Palibhasa kasi, mahilig ka sa mga lalaking may salamin."

"FYI Besh, four-eyed boys are cool for me. Ikaw lang nagsasabi na nerd ang tawag sa kanila."

"Why? Totoo naman, ah. They are called NERDS."

Haaay, heto na naman kami. Nagtatalo nang dahil sa Nerd thingy na yan. Boys with glasses are so freakin' awesome for me. They look more handsome kapag nakasuot n'on. Ewan ko ba rito kay Besh. Tingin niya sa mga yun ay Nerd. Okay. I admit that they are called Nerds or whatever but isn't it cool? Nagagwapuhan talaga ako sa mga lalaking may salamin. Pero isa lang ang nakapukaw ng atensyon ko at iyon ay si Kleifford Seane Zuther! Pangalan pa lang, ang cool na 'no?

Like I said, Kleifford is the synonym of the word PERFECT. He's smart. He's handsome. He's talented. And he is totally cool. No wonder, he is our SSG PRESIDENT. Bagay naman sa kanya yung position na yun eh. He is so responsible pa. Saan ka pa? Wala ka nang ibang lalaking makikita na kasing-perfect niya. <3

Katatapos lang naming mag-lunch ni Besh at pabalik na kami sa classroom namin.

Oh, I didn't mention it yet. I am Kate Mitchell Tagbanua. 17. 1st Year College Student ng Bluelake Academy. Business Management ang course. Yung babae naman na kausap ko kanina is my bestfriend, Sofie Grace Alejandro. 'Besh' yung tawagan naming dalawa. Bestfriend ko since elementary magpahanggang college kaya no wonder na super close kami. Bale, napag-alaman niyang Business ang course na ite-take ko sa college kaya Business na rin ang kinuha niya. Gaya-gaya 'no? De jk. Ang totoo n'yan, ayaw lang talaga naming mahiwalay sa isa't isa kaya nga  parehas din kami ng college na pinasukan. Para kaming magkapatid sa sobrang close. Kulang na nga lang, pagdikitin kami ng glue para lang hindi kami magkahiwalay. 

Tsaka nga pala, I'm in the same class with him. Business din ang kinuha niya. Yes, HIM. Kyaaah! Yun nga lang, magkalayo ang seats namin. As in sobrang layo. I think you call it 'Long Distance Relationship' in terms of seating arrangement. Nasa pinakaunahan siya nakaupo tapos ako, pinakalikod. T^T

Nagklase na kami after and sa totoo lang, na-bored ako buong maghapon kasi wala si inspiration eh. In-excuse para sa isang meeting. Dinismiss na rin kami pagkatapos pero nagpaiwan muna kami ni Besh pati yung iba pang ayaw umuwi.

"Uy Besh, ano 'yang sinusulat mo? FLAMES?"

Bigla kong tinakpan ang bibig ni Besh. Oo, katabi ko siya.

Bumulong ako kay Besh, "Deep your voice down Besh. May mga tao pa dito o,"

Nang tumango siya, tinanggal ko na yung pagkakatakip sa bibig niya.

"Eh ano ba kasi 'yang sinusulat mo Besh?"

"Nakita ko lang 'to na ginagawa ni Kuya and guess what Besh, parang totoo yung result niya. Kleifford and I are..." Nilapitan ko ang tenga niya at binulong sa kanya ang next word, "...lovers."

Tiningnan niya nga ang result then she says, "Kalokohan,"

"Hey! Anong kalokohan dito?"

Tumayo siya at hinila ang kamay ko, "Mamaya mo na lang gawin 'yan Besh. Samahan mo muna ako sa Mall,"

My 3 Identity BoyfriendWhere stories live. Discover now