Chapter 35

270 11 1
                                    

Kleifford / Sean / Lei's P.O.V

Dumiretso agad ako sa bahay ng 5 Ciga after ng nangyari sa 'min ni Kate.

Tama si Kate. Gulung-gulo na ang isip ko. Hindi ko na alam kung ano bang tama o ano bang mali.

Ngayon ko lang napagtanto ang lahat. Dati, wala sa isip ko kung ano ang gagawin ko kung sakaling malaman nila ang sikreto ko. All I knew was walang makakaalam nito. Hindi man lang sumagi sa isip ko na may possibility na ang mga sikreto ko ay ma-expose.

Kaya wala lang sa 'kin ang lahat nang ito...

Noon iyon. Ngayon, napakalaking bagay na nito sa 'kin.

Pagbukas ko ng pinto, pumunta ako ng kwarto ko at kumuha ng towel.

Pagkatapos, dumiretso ako sa restroom sa 1st floor.

Binuksan ko ang shower at binasa ang ulo ko.

Ayokong mag-isip pero kailangan. Ang hirap kapag na-stuck ka sa isang desisyon. Isang decision na involved hindi lang ikaw kundi ang mga taong nasa paligid mo.

Hindi ko hinubad ang polo ko kaya basang-basa na ito.

Ewan ko ba. Parang wala na akong pakialam. Gusto ko na lang mawala. Gusto ko na lang na mag-disappear sa mundong ginagalawan ko.

Ayokong malaman nila pero gusto ko.

Mas lalo ko pang nilakasan ang shower.

May dalawa akong choice pero bawat isang choice na gagawin ko ay may consequence. Pero ano bang magagawa ko? Pareho rin naman ang resulta. May masasaktan at may masasaktan sa huli.

Nagawa ko na. Wala na akong magagawa para baguhin pa kung ano ang nangyari na. Kung ibabalik ko lang sana ang oras. Sana noon ko pa binago ang lahat.

Sana noon ko pa naisip na mas may masasaktan. Sana noon ko pa inisip na mas marami akong maloloko. Sana noon ko pa inisip na mali ang gagawin kong desisyon.

Even if it means that it's for my own good and for the others.

Siguro, binabawi na ang lahat sa 'kin ngayon. Noon, napakalaki ng benefit ko dahil sa pagpapanggap kong ito. Mukhang binabawi na nila ang mga benefit kong iyon.

Pero gaya nga ng sinabi ko, I can't do anything to adjust everything from the start.

The only thing I can do is decide.

Papatagalin ko pa ba at hihintayin na lang na malaman nila o sasabihin ko na ba para hindi sila mas lalong masaktan?

Pero I think, batay iyan sa tao. Iba si Josh, iba sila. Iba't iba ang mga taong niloko ko. Hindi ko alam kung anong tamang desisyon na dapat kong gawin para sa kanila.

Hindi ko alam kung mapapatawad ba nila ako o hindi. Hindi ko alam kung tatanggapin ba nila ako o hindi.

Oh God. I'd just made a biggest mistake in my life. Fuck it.

I need to have a choice as soon as possible.

What if nalaman nila? I don't know what to do. Ganun din ba ang magiging reaction nila katulad ng kay Josh?

What if si Kate? The one who I treasured the most? I wonder how she'll react.

I'm still not ready to hurt her.

Pinatay ko na ang shower at pinunasan ang buhok ko. Basang-basa na ako.

Lumabas ako ng restroom at umakyat na sa kwarto.

Binuksan ko ang pinto and I was shocked by what I saw.

"K-kate?"

Kate...

My 3 Identity BoyfriendOnde as histórias ganham vida. Descobre agora