Chapter 22

261 8 0
                                    

Kate's P.O.V

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. I mean, is this an illusion? Imagination ko lang ba 'to? Nananaginip ba ako?

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. I freezed. Hinihintay ko na lang na lamunin ako ng sahig na kinatatayuan ko para matapos na ang eksenang halos makapanlumo sa'kin.

Hindi na dapat pala ako kailangang lamunin ng sahig na kinatatayuan ko para lang huminto sila sa ginagawa nila dahil sila na mismo ang huminto. Siguro, narinig nila ang pagbagsak ng mga gamit kong hawak-hawak ko lang kanina.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko nang gulat na tiningnan nila akong dalawa. Sasabihin ko bang, "Sige lang. Ituloy niyo lang iyang ginagawa niyo," o magseselos ba ako kahit wala akong karapatang magselos? Ewan ko. Ang gulo eh.

Ang gulong mag-isip lalong-lalo na at halos papalabas na ang luha ko.

Pero bago ko pa tuluyang mailabas ang luha ko, yumuko ako at tumalikod sa kanila. Hindi nila pwedeng makita kung anong itsura ko. Wala naman akong karapatang umiyak di'ba? Wala naman akong karapatang masaktan.

Eh sa ano naman kung naghahalikan sila? Sa ano naman kung may something sa kanilang dalawa? Wala akong dapat ikaselos dahil hindi naman kami ni Kleifford.

Walang 'something' sa'min ni Kleifford kaya wala akong karapatang pigilan sila sa kung anumang ginagawa nila.

Tumakbo ako kahit nanlalambot ang tuhod ko. Tumakbo ako kahit nanginginig ang mga braso ko. Tumakbo ako kahit hindi ko na halos makita ang dinadaanan dahil sa luhang namumuo sa mga mata ko.

Tumakbo ako kahit naririnig kong tinatawag ako ni Kleifford. Tumakbo ako kahit alam kong hinahabol niya ako.

Kailan pa? Kailan pa naging sila? Bakit hindi ko alam?

Kung alam ko, sana hindi ko na lang siya niligtas nun sa SSG Room. Kung alam ko, sana hindi na ako halos magkandamatay kakaalala sa kanya sa tuwing may sugat siya. Kung alam ko, sana hindi ko na siya inalagaan pa habang may sakit siya. Kung alam ko, sana hindi na ako nagpahatid at nagpagabi kasama siya.

Kung alam ko lang, sana pinigilan ko na ang sarili kong mahulog sa kanya.

Napahinto ako nang maramdaman kong hinawakan niya ako sa braso ko.

Ang bobo mo Kate. Hindi mo alam ang mga consequences ng mga ginagawa mo. Hindi mo man lang naisip na may feelings din si Kleifford at hindi lang ikaw ang babaeng nakakaimpluwensiya sa kanya.

Ayan tuloy. Ikaw ang nasasaktan. Ikaw ang nanakit, sa huli ay ikaw rin ang nasaktan.

"Kate, stop..."

Mas lalong tumulo ang mga luha ko. Paano ba naman, hinabol ako ni Kleifford. Hindi ko rin alam kung anong tumatakbo sa isip niya e. Ang gulo niya. Masyado niyang pinapagulo ang isip ko.

Tinry kong alisin ang pagkakahawak niya pero masyado siyang malakas.

"Kate, lumingon ka. Tingnan mo ako..."

Tingnan? Alam niya ba ang sinasabi niya? Sa tingin niya ba, kaya ko siyang tingnan nang ganito ang itsura ko?

Alam ko, oo. Wala akong karapatang mag-emote. Walang kami kaya hindi ako dapat mag-act nang ganito pero kasi...

...masisisi ko ba ang puso ko kung kay Kleifford siya nagtiwala at nahulog? Masisisi ko ba ang puso ko kung nasasaktan siya nang ganito?

Kung kaya lang pigilan ng isip ko yung puso ko, ginawa niya na pero kasi, masyadong malakas yung puso ko. Na yung tipong ipinapamukha niya sa akin ang lahat ng effort niya para mapansin lang siya ng taong mahal niya na sinasaktan siya ngayon.

My 3 Identity BoyfriendWhere stories live. Discover now