Chapter 29

265 11 4
                                    

Kate's P.O.V

"Hm...I see, then Congrats."

Eh...

Eh...?

Parang may mali ata.

Nagkatinginan kami ni Kleifford. Nagkibit-balikat lang siya.

Nilapitan ko si Kuya, "Kuya Kent?"

"O bakit?"

Huh?

"Hindi ba dapat magagalit ka since may boyfriend na ako?"

Nag-cross arms si Kuya at magkatapat ang kilay na sinabing, "Magagalit? Bakit naman?"

"Kasi..."

Natatawang lumapit sa'min si Yaya Manang, "Bakit naman magagalit ang Kuya mo Kate? Malaki ka na naman kaya alam mo na ang tama at mali para sa edad mo. Tsaka, alam naman naming magrerebelde ka kung hindi kami pumayag sa gusto mo,"

Nagkatinginan si Yaya Manang at Kuya Kent at pareho silang tumawa.

Wow. Hindi ito ang inaasahan ko ah.

Ginulo ni Kuya ang buhok ko, "College ka na. Hindi ka na bata para pigilan kita sa pakikipagrelasyon. Dumaan na rin ako diyan. Basta ang tatandaan mo lang, andito lang palagi ang Kuya para suportahan ka. Okay?"

Kuya...

Niyakap ko nang mahigpit si Kuya, "Uwaaah! Ikaw ang the best Kuya na nakilala ko! I love you!"

"O bakit walang yakap ang Yaya Manang?"

Kumalas ako kay Kuya at si Yaya Manang naman ang niyakap ko, "Love you too Yaya Manang!"

Ang swerte ko talaga sa kanila. Mabuti na lang at sila ang pamilya ko.

"O Kleifford iho, maki-group hug ka na rin sa'min. Tutal, kasapi ka na rin naman ng pamilya namin,"

Lumapit si Kleifford at nakiyakap na rin.

Ito na ata ang pinakadabest na araw para sa'kin.

Natanggap nila si Kleifford at hindi lang yun, inaccept pa nila siya bilang isang family member namin.

I'm really lucky.

---

"Pasensya na kung medyo magulo ang kwarto ko," sabi ko kay Kleifford habang inaayos ang mga unan sa kama ko.

Sabi ni Yaya Manang, dito na lang daw kami gumawa para hindi kami maistorbo sa paggawa ng thesis.

Umupo si Kleifford sa upuang katapat ng desktop ko, "Okay lang. Pero hindi ko aakalaing mahilig ka sa blue,"

"Haha. Hindi ba halata na ang kwarto ko ay blue na blue?"

"Hindi,"

Pareho kaming nag-chuckle.

Napahinto si Kleifford nang may mapansin siya, "Hey. Coat ko yun ah,"

Tiningnan ko ang tinuturo niya.

"Yun ba? Ah. Yan yung time na first time mo akong hinatid ng bahay after nating gumawa ng thesis. Alam ko, nung time na yun ay nakatulog ako tapos nung hinatid mo ako sa bahay namin, nalaman ko na lang na suot ko yung coat na iyan..."

Napangiti si Kleifford, "So you kept it all this time, huh?"

"Eh? Sa'yo yun?"

"Sino ba ang huling kasama mo nang araw na yun?"

Syet. Akala ko prediction ko lang na kay Kleifford ang coat na yun...

Hindi ko alam na...

"I remembered it that time. You are sleeping so I put a coat on you. Hindi ko alam na ngayon mo lang ma-ge-gets after how many days had passed..."

My 3 Identity BoyfriendDove le storie prendono vita. Scoprilo ora