Chapter 23

245 6 0
                                    

Kleifford/Sean/Lei's P.O.V

"Hello?"

"This is Sean. Sino 'to?"

"Si Kate. Sorry kung napatawag ako nang biglaan. Busy ka ba?"

Oh. Kate...

"Hello? Anze? Andiyan ka pa ba? Hello?"

"Ah, yeah. Still here. Okay lang. Actually, break namin ngayon. Bakit ka nga pala napatawag?"

"Hm, wala ka bang gagawin any of these days?"

"Bakit?"

"Gusto ko sanang magpatulong sa'yo about something."

"Something?"

"May thesis kami at alam kong famous ka naman kaya matutulungan mo ako."

"In what way?"

"Pilitin ang mga tao na sumagot ng survey. Okay lang ba iyon sa'yo? Hm, sorry Anze ah. Ikaw lang kasi ang alam kong malalapitan ko. Okay lang kung ayaw mo,"

I sighed, "No. Sige, meet me this Saturday. I'll text to you the details later. Okay?"

"Waaah! Talaga? Salamat!"

Mabuti na lang talaga at ang ibinigay kong number sa kanya ay ang number ng cellphone ni Sean.

Yep. May cellphone para kay Kleifford, Sean at Lei. May iba kasing taong naghihingi ng number ng dalawa o tatlo sa kanila tulad ni Kate. Ang weird naman kung ang ibibigay ko ay pare-parehong number.

Aish. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Masyado nang magulo ang buhay ko. Mas lalo pang gumulo nang dumating si Kate.

Sobrang gulo.

Hindi ko maisip na nagustuhan niya si Kleifford. Ewan ko ba. Iniiwasan ko na nga lang siya kasi alam kong awkward din para sa kanya yung nangyari. Sa part ko siyempre, sobrang awkward. Biruin mo yun, magkakagusto siya sa isa sa mga katauhan ko? At si Kate pa mismo yun?

Oo, nagselos siya. Sure ako dun. Nakita ko siyang umiiyak at inamin pa nga niyang may gusto siya sa'kin di'ba after naming maghalikan ni Britney?

Hindi ko naman talaga ginusto na halikan si Britney. Pumunta lang ako sa lockers para ilagay ang mga gamit ko nang may humila sa'kin at ayun, nagulat na lang ako nang halikan ako. Hindi naman ako naka-resist 'cause damn! She's such a good kisser! Pero hindi iyon ang pinoproblema ko ngayon.

Ang pinoproblema ko ay si Kate and her confession that makes me dumber.

Hindi naman sa may gusto rin ako sa kanya pero...Aish! Ang gulo! Bakit ko ba kasi napili pang mag-pretend e! Bakit ko ba kasi siya kinilala pa?! Ayan!

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko tuwing kasama ko siya e. She saved me a lot kaya medyo gumagaan ang pakiramdam ko sa kanya pero hindi niya lang ako nililigtas minsan, naging parte ko siya.

Naging parte siya ng buong katauhan ko. Ni Kleifford, Sean at Lei. Nakita ng mga ito siyang tumawa, umiyak, magalit at matakot. Kumbaga, hindi mabubuo ang tatlo kung wala siya. Parang nakasanayan na ng mga ito na maging kasama siya.

Kaya nga ngayon, hindi na nagdalawang-isip si Sean na samahan si Kate sa kung saan man iyon.

Kate's P.O.V

Saturday.

Hindi ko naman alam na ipagkakatiwala sa'kin ni Kleifford ang survey. I mean, kaya niya naman ah? Gwapo naman s'ya kaya siguradong ubos agad ang mga sheets na ipapamigay niya pero ako? Ano lang ba ako para maubos nang gano'n yung survey forms na ipamimigay ko? Mabuti na lang talaga at naisip ko si Anze. Hay naku.

My 3 Identity BoyfriendWhere stories live. Discover now