Chapter 37

220 9 2
                                    

Kleifford / Sean / Lei's P.O.V

"Oo, Phil. That's Kate..."

Susugod na sana ako but I hesitated.

I knew it.

She's crying too much.

She's been hurt.

And I knew that it's all because of me.

"O ano pang hinihintay natin? Sugod na!"

Pinigilan ko si Phil.

Napayuko ako, "No. Let them be,"

Tumalikod na ako na siyang ipinagtaka nila.

"Ha? Akala ko ba gusto mo siyang puntahan Lei? Hindi ba ipapaliwanag mo sa kanya ang lahat?"

There's no use.

She's already with someone better.

Kapag pumunta lang ako do'n, mas lalo ko lang siyang sasaktan.

Her face.

It's already pale because of too much crying.

Ayoko nang dagdagan pa ang pasakit niya.

"Pabayaan na lang muna natin sila. The thing is, Kate's safe."

I love her too much.

Seeing her like that...

I don't think I can hurt her more.

I can't handle it. I'd rather die.

Even I'm slowly dying inside. Seeing her hugging someone like that. Seeing her being comforted by someone who's not me.

It's way better than hurting her. Than making her cry more.

Nagpamulsa akong nauna sa kanila.

Hanggang sa hinarangan ako ni Phil at kinwelyuhan, "Gago ka ba Lei?! Inaagaw na yung syota mo sa 'yo oh! Bakit hindi ka kumikilos?! Tsaka akala ko ba gusto mong bumalik kayo sa dati? Bakit parang mas pinapalala mo pa ata yung sitwasyon?!"

Hinawakan ko ang braso niyang ipinapangkwelyo sa 'kin, "Hindi mo ako naiintindihan. Kapag pumunta ako do'n, mas lalo ko lang siyang sasaktan."

Hanggang sa hindi na napigilan ni Phil ang sarili niya at naramdaman kong sinuntok niya ako sa pisngi na siyang nagpahiga sa 'kin.

"Eh sa gago ka pala! Edi dapat sinabi mo na lang sa 'min na nagpaparaya ka na! Na sinusukuan mo na siya! Na tinatanggap mo na ang pagkatalo mo! Hindi mo na sana kami pinahirapan pa Lei,"

Inawat siya ni Matt at Franc nang sasapakin niya pa sana ako ulit.

"Ganun na lang ba iyon, Lei? Akala ko ba mahal mo siya? Akala ko ba gagawin mo ang lahat para sa kanya? Sino ba ang mas masasaktan kapag pinabayaan mo siya? Hindi ba ikaw?! Palibhasa, hindi mo iniintindi iyang nararamdaman mo,"

"Ayoko nang maging makasarili, Phil. After what happened, natuto na ako."

"Natuto ka na ibigay ang lahat sa kanya at walang itira sa sarili mo? Ako ang hindi mo naiintindihan, Lei. Ang ibig kong sabihin, magtira ka sa sarili mo at sa kanya. Gawin mong tama ang lahat. Isipin mo ang nararamdaman niya at ang nararamdaman mo. Hindi lang sa nararamdaman ng bawat isa sa inyo. Kasi, pagsisisihan mo ang lahat sa huli kapag may nakaligtaan ka..."

Napahapo ako ng noo ko.

Pati ako, hindi ko na alam ang dapat gawin.

Ayoko na siyang masaktan kapag nakita niya ako ulit.

My 3 Identity BoyfriendWhere stories live. Discover now