44

1.2K 80 15
                                    

"Sa tingin mo nasaan na kaya sina Samantha at Dark" Tanong ni Top habang nakatingin sa kisame ng kwarto nila ni Aris. Tinignan lang sya ni Aris bago ito umupo sa kama.

Hindi ko rin alam Top...

Natapos na ang ikalawang round ng exam at nanalo ang kupunan nila nina Xerna at Top ang maghaharap sa ikatlong round. Buong araw nilang hindi nakita ni anino nina Samantha at Dark, na lubhang nagpapa-alala sa kanilang dalawa, ni hindi nila alam kung ano ang nangyayari sa dalawa o kung may nangyari man ay hindi rin naman sasabihin sa kanila ng dalawa.

Sabay na napabuntong hininga ang dalawa dahilan ng pagtingin nila sa isa't isa bago tumawa ng mahina. "Ang lakas pala ng team na nabuo ni Xerna...sa tingin ko mahihirapan tayo bukas" wala sa sariling sabi ni Top habang nakahiga sa kaba ng bigla itong umalog kaya napatingin sya sa direkyon ni Aris kanina na ngayon ay wala na roon kundi nakahiga na rin sa tabi nya.

"Hmm tama ka dyan. Sana...walang nangyayari ngayon, habang nakahinga tayo rito" Bulong ni Aris tahimik lang na sumang-ayon si Top ng bigla silang nakarinig ng pagkalabog kaya mabilis silang napatayo mula sa pagkakahinga nila.

Nanggaling ang tunog sa maliit na kusina ng dorm nila, mabilis na kinuha ni Aris ang espada nya at binunot ito, handa sa ano man o sino mang nilalang ang pumasok ngayon sa loob ng dorm nila.

Mula sa likod ni Aris ay si Top na hawak ang light arrow na gawa sa pure mana at dahan dahang kumikilos sa likuran ni Aris, inihahanda ang sarili sa pag-atake.

Mabilis na tinapatan ni Aris ng espada ang nasabing nilalang na mabilis din naman nyang ibinaba ng makita ang pamilyar na mukha ni Dark.

"Dark!" Alalang sabi ni Aris bago ito alalayan ng muntik na itong matumba, ni hindi nila napansin ang malalaking sugat nito sa katawan dahil sa madilim na kusina.

"Ayos ka lang ba? Dark" alalang tanong ni Aris pero hindi sya sinagot ni Dark.

"Ikaw lang pala, akala namin kung sino na" nakahinga ng maluwag na sabi ni Top bago maglaho ang light arrow.

Pero nagulat sila ng seryoso silang tinignan ni Dark, wala ang lagi nitong nakangiting mukha na humihingi ng tawad sa mga kalokohang ginagawa nito o ang nakakatakot nitong ngiti na laging nagpapakilabot sa kanilang dalawa, napalitan ito ng mas nakakatakot na seryosong mukha na nagpapakaba sa kanilang dalawa.

"Madali...kumapit kayo sa akin" walang paligoy ligoy na sabi ni Dark bago hawakan ang dalawa na mukhang nagdadalawang isip pa, sa isang iglap ay nasa labas na sila ng Akademya at may isang daang metro na ang layo nila mula roon.

Nilingon ni Top si Dark na ngayon ay inaalis ang tali ng tatlong kabayo na hindi nila alam kung saan nanggaling.

Nagkatinginan sina Top at Aris naguguluhan at kinakabahan sa kakaibang kinikilos ni Dark. Kaya nauna ng magtanong si Top dahil hindi naman ugali ni Aris ang magtanong lalo kung ganitong mga sitwasyon.

"Uy Dark...bakit tayo aalis? Anong bang nangyayari at nasaan si Samantha?" Tanong ni Top na nagpahinto kay Dark ng ilang segundo bago bumilis ng kilos nito, na amino'y nagmamadali.

"Sakay na" walang paliwanag na sagot ni Dark bago ito sumakay sa kabayo nya. Asar na napabuntong hininga si Top ng kalabitin sya ni Aris.

"Sa ngayon ay sumunod na muna tayo sa gusto nya, sigurado akong may dahilan ang mga ginagawa nya" suhesyon ni Aris na lalong kinakaba at kinaasar ni Top ngunit pinanatili ang pagtikom ng kanyang bibig.

Sinipa ni Dark ang tagiliran ng kabayo kaya mabilis itong tumakbo, nag-aaling-langan man ay sumunod ang dalawa sa ginawa ni Dark at tumakbo kasabay nito.

The 10th PrincessWhere stories live. Discover now