45

1.1K 95 16
                                    

"Ang sabi mo may four and a half days bago tayo tuluyang makarating sa Salt Kingdom. Kaya pano tayo aabot bago maiisipan ng haring Erin na yun na isara ang buong kaharian nya huh?" Tanong ni Top habang nakatingin kay Dark na ngayon ay nakasquat habang nakatingin sa lupa na may nakadrawing na hindi nya maintindihan.

Pinakain ni Aris ang huling mansanan sa kabayo nya bago sya lumapit sa gawi ni Dark. "Dungeon raiding?" Takang bigkas ni Aris na kinatingin ni Dark sa kanya. "Oo" buo ang desisyon na usal ni Dark bago ngitian ang dalawa. Natatawang lumapit si Top kina Aris at Dark.

"Teka ah? Gusto mong mag-Dungeon raiding tayo? Ngayon? Seryoso ka?" Hindi maka-paniwalang tanong ni Top ng biglang may ideyang pumasok sa isip nya, mabilis syang napatingin kay Dark.

"Wag mong sabihin na..." Bakas ang ngising usal nya. Tumango si Dark.

"Tama ka sa iniisip mo, Top. Magdu-dugeon raiding tayo tatalunin ang lahat ng monster sa loob at papatayin ang dungeon guardian na may kakaibang bato na maaring magteleport sa atin kahit saan natin naisin, sa ganitong paraan makakarating tayo sa Salt Kingdom ng hindi makikita ni Heaven o ng mga Demon, makakapasok tayo sa Salt Kingdom ng ligtas at buo....sa mabilis na paraan" nakangising sabi ni Dark habang nakatingin sa dalawa.

Sumilay ang ngisi sa labi ni Top bago tumango tango. "Magandang ideya yan!" sabi ni Top sabay tingin kay Aris. "Saan ang pinaka malapit na Dungeon?" Dahil sa sinabi nya ay mabilis na gumuhit si Aris sa lupa ng mapa kung nasaan sila.

Lumapit sina Dark at Top kay Aris at sabay silang namangha dahil sa napaka-detelyadong mapang ginuguhit ni Aris.

"Wow....talagang kabisado mo ang buong Vanumos Forest ano?" Nakangiting tukso ni Top tumango lamang si Dark bago napangiti. Kundi dahil sa healing magic ni Aris malamang na patay na sya ngayon, nagpapasalamat sya at kasama nila ito ngayon.

Napangiti naman si Aris bago magsalita. "Alam mo kung simula pagkabata mo ay nililibot mo na ang buong kagubatan na ito, makakabisado mo rin ito...isa pa ito lang ang maiitulong ko sa grupo" usal ni Aris bago bahagyang lumayo sa guhit nya bago tumango, itinuro nya ang isang guhit sa mapa bago nya tignan ang dalawa sa likod.

"Nandito tayo ngayon sa border ng dandelion kingdom, malapit tayo ngayon sa bayan ng 'Okta' may dalawang dungeon ang malapit ngayon sa atin. Ang Lihil Dungeon dito sa silangan na may Isang Daan at dalawangpu't isang kilometrong ang layo mula sa kinatatayuan natin. At ang Hinl Dungeon na may tatlo'pung kilometro ang layo mula sa atin. At syempre irerekomenda ko ang Hinl Dungeon dahil mas malapit ito sa atin" paliwanag ni Aris, napaisip naman bigla ang dalawa.

Tumingin si Dark si dalawa bago tumango. "Sa Hinl Dungeon tayo. Aasahan ko na magaling na kayong lumaban at kaya nyo ng tawagin ng hindi nawawalan ng malay ang mga familiar nyo, dahil ang Hinl Dungeon ay punong puno ng monster kaysa sa Lihil. Siguro naman naiintindihan nyo ang gusto kong sabihin" sabi ni Dark tumango ang dalawa.

"Ang spirit weapon ko ay lightning Arrow, hindi ako magaling sa close combat kaya ako ng bahala sa pagbabantay sa inyo sa likod ni Aris....at tungkol naman sa familiar kalimutan nyo na ang ancient sea serpent na yun." Paliwanag ni Top sabay tingin kay Aris kaya napatingin si Dark kay Aris. "Wala man sa itsura ni Aris pero bihasa sya sa art of swordmanship" nakangiting sabi ni Top.

"Oh?" Hindi kapaniwalang usal ni Dark, ang tingin nya kasi kay Aris ay isang lalaking ni hindi marunong pumatay ng langgam.

"Isa akong Water Mage, nasa stage two na ang water magic ko at ang spirit weapon ko ay water sword na ngayon ay nasa second stage na rin. Magaling ako sa paggamit ng espada at ako na ang bahala sa advance si Top ang sa range at ikaw ang aaktong caster Sir Dark" pagbibigay alam ni Aris at hindi na naman umalma pa ang dalawa.

The 10th PrincessWhere stories live. Discover now