Falcon Ring

8.5K 334 16
                                    


"The Falcon Ring is on my grasp"

Sabi ng isang babae habang nakahawak sa kaliwang tenga nya at nagtatago sa likod ng pader.

"Good, umalis ka na dyan Flame"

Lumabas ang babae mula sa pagkakatago sa likod ng pader at iniangat ang kanang kamay na may hawak na baril bago paulanan ng bala ang tatlong lalaki na nakaharang sa exit.

"Lead me the way" sabi ng babae sa kausap sa earpierce bago sya magpaputok muli sa tatlong lalaki, mabilis naman nagtago ang mga ito sa mga nakataob na furniture para maiwasan ang balang tatama sa kanila.

"Dumeretso ka dyan sa hallway kung nasaan ka, may sampung lalaki ang nagaabang sayo, pero inaasikaso na iyon ni Lily, may balcony dun. Kapag nakarating nakayo dun may speed boat na pi-pick up sa inyo"

Mahabang sabi ng lalaki mabilis naman sya sinunod ng babae at tumakbo papunta sa hallway na sinabi nito. Napangisi ang babae ng makita nya ang kaibigan na hindi magkamayaw sa patay sa mga lalaking kalaban nito. Marahas na sinipa ng babae ang mukha ng isang lalaki bago nya ito barilin sa ulo, na hindi nya na napansin ang isang maskuladong lalaki na may hawak na katana ang sa-sasaksak sa kanya. Pero nagulat sya ng bigla itong bumagsak sa sahig at mula sa likuran nito ay nakita nya ang isang babae na kulay pula ang buhok na may emerald na mga mata ang nakangisi sa kanya.

"Flame" usal nya.

"Lily" sabi naman sa kanya ni Flame bago sya nito bigyan ng isang ngisi. Napairap naman si Lily dahil sa inasal sa kanya ni Flame.

"Alam mo na ang gagawin" sabi sa kanya ni Flame ng makita nya na may mga bagong bisita silang dumating. Ningisihan lamang sya ng babae bago sya nito irapan. "Wag mo ko haharangan Flame" mayabang nyang sabi, nakinairap naman ni Flame.

"Tsk" usal ni Flame bago sumugod sa mga lalaki na papunta sa kanila malakas nyang sinipa sa mukha ang lalaking may ginto sa ngipin, sa tindi ng pagkakasipa nya ay natanggal ang apat na ngipin nito. Kinuha ni Flame ang mga Kurenai na nakalagay sa maliit na bag na nakasabit sa kanyang beywang bago nya ito ibato sa mga tuhod ng mga lalaking tumatakbo palapit sa kanya, nabitawan ni Flame ang kurenai na ibabato sana ng biglang may mga bisig mula sa likuran nya ang sumakal sa kanya nagpupumiglas sya upang makawala pero masyadong mahigpit ang pagkakapit ng mga bisig nito sa leeg nya. Rinig na rinig naman ng lalaking may hawak kay Flame ang mga daing ng kasamahan na natatalo ng isang babaeng may berdeng buhok, dahil nakuha ni Lily ang atensyon ng lalaking nakahawak kay Flame ay kinuha ni Flame ang pagkakataon para hawakan ang kamay nitong nakahawak sa kanyang leeg at malakas na tumalon at sinipa ang likod ng tuhod nito para mapalihod ito. "Hah" nakangising usal ni Flame bago marahas na hinatak ang kamay ng lalaki palikod kaya napadaing ito.

"P-pa-pakiusap w-wag n-nyo---" naputol ang sinasabi ng lalaki ng ilapit ni Flame ang mga labi nito sa kanyang tenga bago ito bumulong. "Oh...don't worry big man...I'm not going to kill you" sambit ni Flame kaya nakahinga naman ng maluwag ang lalaki pero laking gulat nya may mga pares ng puting sapatos na may pahid ng dugo ang huminto sa kanyang harapan, dahan dahan nyang iniagat ang ulo at sumalubong sa kanya ang nakangising babaeng may berdeng buhok bago itapat sa kanyang ulo ang isang baril.

"She's not but I will" sabi ni Lily bago nya iputok ito sa ulo ng lalaki. Napailing naman si Flame bago bitiwan ang braso ng lalaki.

"Ang Ring?" tanong ni Lily habang pinupunasan ang puting sapatos nyang may bahid ng dugo gamit ang damit ng lalaking pinatay. Napairap naman si Flame bago kunin sa maliit na bag ang Ring at ipinakita kay Lily, napangisi naman si Lily.

Naglakad ang dalawa papunta sa sa balcony, napatingin si Flame kay Lily ng bigla itong huminto ng makarating sila sa balcony. "Flame, natutuwa ako na nakasama kita bago ka magretiro sa samahan pero...." sambit ni Lily nagulat si Flame ng bigla syang tapatan ng baril ni Lily, balak nya sanang kunin ang baril nya ng bigla itong ipinakita sa kanya ni Lily. Ni hindi man lang nya naramdaman ang pagkuha nito mula sa kanya!

"Anong sa tingin mo ang ginagawa mo Lily" matapang nasabi ni Flame kay Lily habang dahan dahan nyang kinukuha ang patalim na nasa binti nya. Pero napansin ito ni Lily kaya walang takot syang binaril ni Lily sa tagiliran nya. In her fatal point,

Lily are really going to kill me!

Sigaw nya sa kanyang isipan. Inilahad ni Lily ang kanang kamay nya. "Ang Singsing Flame" walang emosyong sabi ni Lily kay Flame at doon lamang napagtanto ni Flame na si Lily ang traydor sa kanilang samahan.

"Ikaw yun...." napapailing at natatawang sabi ni Flame rito. Dahan dahang umatras si Flame at sumandal sa railing.

"Bakit? He loves you so much" nanlulumong sambit ni Flame, parang kapatid nya na si Lily at malapit na sanang mangyari iyon kung hindi lamang namatay ang kapatid nyadahil sa pagpigil nya sa traydor sa kanilang samahan na si Lily pala, ang babaeng iniibig ng yumao nyang kapatid ang sya ding mismo ang pumatay sa kanyang kapatid at ngayon sa kanya naman.

"Love.....I don't believe in such thing... Flame."sabi ni Lily at biglang nagbalik kay Flame ang nakangiting mukha ng kapatid na kitang kita sa mga mata nito ang labis na pagmamahal sa babaeng nasa harapan nya ngayon.

Naiintindihan ko na....

"Flame...ibigay mo na kay Lily ang Singsing"

Hindi maiwasang matawa ni Flame, kasabwat rin pala ang lalaking pinaka-pinagkakatiwalaan nyang si Argus. (ang lalaking kausap ni Flame sa earpierce)

"Ang singsing Flame" paguulit ni Lily na may blankong mga tingin kay Flame. Dahan dahan kinuha ni Flame sa maliit na bag kung saan nakalagay ang singsing na gusto makuha nina Lily at Argus. Tinignan nya si Lily na may sumilay na ngisi ng matanaw ang singsing na hawak nya.

Napakunot ang noo ni Lily ng makita nya ang pagngisi ni Flame. "Sa...tingin mo...makukuha nyo ang singsing? Pwes....nagkakamali kayo!" hirap na sabi ni Flame bago sya magpati-hulog sa balcony.

"Flame!!!"

******

To (........)

I've been dreaming of a girl who has a beautiful crimsom red hair...

She was fearless...

She was merciless..

Yet she's nice...

And she'd been betrayed...

Like me...

I somehow....feel like we are one...

That she was me, and me is her..

If it is somehow true...

I would like to meet her...

I'm sure she is me and I'am her..

Like they do...

Like he do...

I would like to meet you crimson red headed girl...

Samantha

EDITED

The 10th PrincessWhere stories live. Discover now