48

838 76 16
                                    

I open my eyes, I can feel my magic become more powerful, my mana is leaking. I let my body fall to the hard floor as I stare at the ancient sculptures on the ceilling.

"You should do something in that leaking mana of yours young lady"

I sat down before looking at my familiar 'YUL'. "When you're going to train me" I asked in my serious tone, he just shrugged at me before walking away again. "Oh and please do something in you're mana. Your scaring my meal okay?......I'll train you when you're strong enough." Yul said before walking away.

I sat down before closing my eyes. Focusing my mana to my core.

'One last gate'

Samantha open her eyes before walking without struggling on the heaving gravity on her imaginary realm. As she walks to the empty space the emptiness started to show a huge green gate. She stops before opening the gate, She wss startled when she saw the last place on her imaginary realm.

Ang Hatolian Palace. Napagawi ang paningin nya sa kulay berdeng usok na animo'y may tinuturong deretsyon. Sinundan nya ito at papasok ito sa loob ng palasyo, habang patagal ng patagal ay mukhang alam nya na kung saan patungo ang usok. Sa dati nyang kwarto.

Nasa harapan sya ngayon ng lumang pintuan at walang pag-aalinglangang binukas ito at napahinga ng malalim ng makita ang pigura ng isang babaeng may kulay kapeng maalon na mga buhok, nakasuot ito ng isang kulay berdeng gown habang nakadungaw sa bintana.

"Isabella......" Rinig nyang sabi ng babae bago ito humarap sa kanya na may ngiti sa mga labi. Napakaamo ng mukhang ito at kilalang kilala nya ang mukhang ito, dahil ito ang mukhang nakikita nya sa tuwing gumigising sya sa umaga.

"Ikaw ang totoong Samantha...." Usal ni Isabella na kinatango ng babae, humarap muli ang babae sa bintana, lumapit si Isabella kay Samantha, sa kung ano mang dahilan ay magaan ang loob nya sa babaeng ito. Siguro dahil nakita nya at naramdaman nya ang lahat ng masasaya at malungkot na alaala ni Samantha.

"Alam mo Isabella pakiramdam ko kilalang kilala na kita....kahit na *giggles* ngayon lang tayo nagkita" usal ni Samantha habang nakatingin sa bintana kung saan tanaw na tanaw ang buong kaharian ng Hatolian Kingdom.

"Alam kong gustong gusto mong makalabas sa loob ng palasyo hindi ba..." Tanong ni Isabella bago tignan si Samantha na ngayon ay may malungkot na expression, napakaganda ng babaeng ito kahit na malungkot sya. Tanging naiisip ni Isabella ngayong nakaharap ng totoong Samantha.

"Hmmm......kaso kapag umalis ako.....mapapahamak ang buong mundo" bulong ni Samantha na kinatingin ni Isabella sa kanya.

"Samantha.....nakikita mo ba ang lahat ng ginagawa ko" tanong nya at tumango si Samantha bago humarap sa kanya. "Nakikita ko lahat Isabella....nakita ko kung anong ginawa at balak mo kay Claire ng araw na iyon" sabi ni Samantha na may pagaalinglangan.

Bahagyang natawa si Isabella. "Ikaw ba ang pimipigil sa akin na patayin sya" tanong ni Isabella na kinatango si Samantha. Naiintindihan nya na ngayon....kung bakit may pumigil sa kanya ng araw na iyon si Samantha pala....tinignan nya ito at nakadungaw na ito muli sa bintana.

Oo nga't mabait si Samantha kagaya ng kanyang ina ngunit.......matalino syang babae hindi sya basta basta mauuto o mahuhulog sa isang patibong lalo na ang gawa ng maginang iyon. Kaya bakit? Bakit sya namatay? At may mali sa memorya nya....may kulang at may butas.

"Samantha...."

"Ano iyon"

"Ano ang nangyari ng gabing nasawi ka" tanong ni Isabella na kita nyang kinahinto ng hininga ng katabi. "H-hindi mo ba ito nakita?" Tanong ng dalaga bago ito tumingin sa kanya umiling lang si Isabella bilang sagot.

The 10th PrincessWhere stories live. Discover now