Kabanata 1

5K 167 36
                                    

| Kabanata 1 |


"Kailan kaya ako magiging masaya? Iyon bang mamahalin ako ng mga tao sa loob ng pamilya ko. Lalo na ni mama."


Pinagmasdan ko ang kisame ng kwarto ko habang nagmumuni-muni ng nakahilata sa kama. Gusto kong sanang sumigaw at ilabas ang saloobin ko ngunit huwag nalang. Gusto ko nga ang buong paligid dahil walang istorbo at tahimi—.


"Hoy, Ate! Aalis na tayo! Natutulog ka na naman diyan?!" rinig kong sigaw ni Yana mula sa labas ng pintuan.

Siya ang pangalawa sa aming magkakapatid at siya rin ang primary enemy ko sa bahay. Nakakainis kasi ang ugali. Parang kagaya lang ngayon, panira ng moment.

Inis akong napaupo sa kama. Istorbo talaga!


"Ate! Aalis na! Gusto mong maiwan?!" sigaw niya ulit.


Kaya bago pa siya mag talumpati sa labas ng kwarto ko ay inunahan ko na siya.


"Narinig ko! Hindi ako bingi! Palabas na!" ganti ko.


Kakairita talaga 'to!

Napairap nalang akong tumayo at nag-ayos ng sarili.

Hindi naman siya uli nag-salita pa, siguro ay umalis na. Agad na akong nagsapatos at isinukbit ang travel bag at lumabas na ng kwarto. Andito na sa loob ng bag ang lahat ng gamit na kakailanganin ko para sa out-of-town namin.

Papunta kami sa San Luisiano, ang hometown ni Mama. Birthday kasi ng Lolo ko bukas at reunion na rin ng pamilya Del Veriel, ang pamilya nina Mama. Del Veriel is my middle name. Chestinell Del Veriel Cavillian is my name.

Sa reunion na iyon, pupunta ang mga relatives namin, kung hindi man sila a-absent. Pati na rin ang mga kapatid ni Lolo. Syempre, reunion.


But hindi ko alam kung hanggang kailan kami doon, dahil ayaw nina Mama na pangunahan ang panahon. Hindi rin naman kami magtatagal doon dahil next week ay balik na naman sa school. But I'm hoping, sana naman ay mag-enjoy ako sa sem-break na ito.

Dumiretso na ako sa van at nadatnan ang tatlo kong kapatid na naglalaro sa may pinto nito. Abala sa kakapindot ng cellphone ang dalawa, sina Yana at Kiann ang nag-iisang lalaki, at si Yanesha, ang bunso, ay kinakausap naman ang teddy bear niya.

Ang weird talaga ng mga bata.

Napangiwi nalang ako at inilagay ang bag sa pinakalikod na upuan at tumambay muna sa likod nito at nagpahangin.


"Let's go, sige na. Magsipasok na kayo. Wala na bang nakalimutan?"


Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Mama na papalapit sa van. Nagsipagsakay naman ang tatlo, kaya sumunod na ako, pagkatapos kong sinara ang pinto sa likod.

"Wala na po, Ma," sagot ni Yana.


Doon ako pumwesto sa bandang likuran para mapayapa ang buhay ko. Maya-maya ay dumating na rin si Papa at pinaandar na ang van at umalis na kami. Limang oras ang byahe mula sa amin papunta sa San Luisiano. Medyo matagal 'yon tsaka boring.

Kumusta na kaya ang San Luisiano? Huli kong punta doon ay nine years old pa ako. Ngayon nineteen na ako, kaya sobrang tagal na n'on. Ano na kaya ang itsura doon?

"By the way, pagdating natin doon ibigay niyo sa akin ang mga gadgets niyo," biglang baling ni Mama sa amin sa kalagitnaan ng byahe, kaya agad kaming nagsipaglingunan sa kanya.

Sa Taong 1890Where stories live. Discover now