Kabanata 2

2.6K 132 83
                                    

| Kabanata 2 |

Napatitig ako kay Lolo at tinaasan siya ng kilay.


Grabe naman itong si Lolo. Tawagin ba naman akong Lola, eh mas matanda pa nga sya sa akin. Tch.

Napalingon naman ako sa likod ko, baka naman kasi nag-assume lang ako. I scanned the whole room with my raised brows pero wala naman akong nakita kahit anino ng butiki.

Tsaka isa pa, imposibleng buhay pa ang Lola na tinawag ni Lolo, dahil Lola nga niya diba? So, kung hindi iyon buhay, does that mean then that...

Waaahh! May multo talaga ditooo!


Dahan-dahan akong lumingon kay Lolo at hanggang ngayon nakatitig pa rin siya sa'kin. Goodness.

"Lo-lolo, sino po a-ang tinatawag niyo?" tanong ko.

Kapag sasagot talaga siya na nasa likuran ko ang Lola niya, promise uuwi na talaga ako sa amin, ora mismo.


Tumikhim naman siya at sumeryoso ang mukha, "Ang aking Lola," sagot niya. "Hindi ko siya tinatawag. Sinambit ko lang ang pangalan niya."

Dahil sa sagot niya ay nakahinga ako ng maluwag. Pero bakit naman siya nakatitig sa akin nang sinabi niya 'yon. Gusto ba niyang malaman ko ang pangalan ng Lola niya?

Weird. Pssh.


Magtatanong na sana ako nang maglakad na siya palabas at nilagpasan ako. Aish, napaka-cold talaga nitong si Lolo. Hindi naman malapit lapitan.


Dali-dali nalang akong sumunod sa kanya palabas ng bahay. Nakasunod lang ako sa kanya papunta sa kabilang bahay. Marami pa rin nag mga relatives namin na nando'n pero ang iba ata ay nasa isa ko pang Lolo.

Dalawa nalang kasi sila Lolo na magkapatid na nandito sa San Luisiano. Si Lolo Alejandro at Lolo Sergio. And their houses were just a walking distance.


Nadatnan ko sila doon na nagsasaya. Sobrang dami pang handang pagkain, kaya pagtingin ko palang ay nabusog na ako at ayaw ko na tuloy na kumain.


Sa mga relatives ko ay wala akong ka-close. May mga kaedad at magkalapit na edad sa akin, pero kasi hindi kami close kaya hinahayaan ko lang sila. Nagkakausap naman kami pero hindi talaga gano'n ka lapit sa isa't isa.

Napalinga-linga nalang ako para humanap ng mauupuan dahil halos magiba na ata ang Second House dahil sa dami nila kahit malaki naman ang lugar. Napailing nalang ako.

Kumuha na ako ng pagkain at naglakad papalayo sa kanilang lahat. Marami naman ditong mga puno at kahoy na upuan kaya ayos lang, tsaka may mga ilaw din naman sa paligid ng mansion kaya kitang-kita mo ang mga tao.

Nang paalis na ako matapos kumuha ng pagkain ay agad akong pinaupo sa may dulo ng mesa ng isang babae, siguro ay pinsan ni mama, or tiyahin, I don't know. Ayoko namang tumanggi at magpaka-loner sa malayo kaya nakangiti akong tumango at umupo doon.

Tahimik lang akong kumain matapos ng prayer. Ayoko namang makipagchika sa iba kaya binilisan ko nalang ang pagkain ko.

Nang medyo marami na rin ang natapos at nagkwentuhan na ay pasimple akong umalis at nagpunta sa may manggahan nina Lolo na nasa gilid lang ng Mansion.

Naka-tshirt at pedal lang ako kaya naman gininaw na ako. Malamig pa ang simoy ng hangin. Maliwanag din ang buwan at may mga stars pa. Agad akong naglakad papunta sa ilalim ng isang mangga at umupo sa paanan nito.

Sa Taong 1890Where stories live. Discover now