Kabanata 3

2.1K 106 49
                                    

| Kabanata 3 |


Dahil sa nakita ko ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nanlamig ang buo kong katawan at nagsitayuan ang mga balahibo ko.

Bakit ako nandyan?! 'Yong babaeng nasa painting kamukha ko siya. Goodness! Ipina-painting ba 'to ni Lolo?

Sino 'yang mga kasama ko? Ni hindi ko nga kilala kahit isa sa kanila. Pero paanong nalaman nila ang itsura ko ngayong malaki na ako? Huling punta ko dito that was ten years ago. Siguro nagsend si Mama ng picture ko. But why?

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Sobrang bilis pa ng tibok ng puso ko kahit hindi ko alam kung bakit. Parang matatawa ako na magugulat o ano. Nakatitig lang ako sa painting, nag-iisip kung paano ako napunta riyan at sino ang mga kasama ko.

Tsaka hustisya naman, sino ba ang nag-painting niyan at bakit hindi ako nakangiti? Goodness!

"Ngayon nakita mo na siya."


Bigla naman may nagsalita sa likuran ko kaya dahil sa gulat ay napatili ako. Agad akong napalingon at lalong akong nanlamig at parang naubusan ako ng dugo nang makita ko si Lolo Alejandro na nakatingin sa akin. Napatakip ako ng bibig.


Naku, patay ako.



"Ah eh, aalis na p-po ako, Lo. So-sorry po kung nagpunta ako dito," mabilis kong sabi at dahan-dahan na naglakad, pero huminto agad ako, "Happy Birthday po pala, L-lolo," nakangisi kong dagdag.


Nakatitig lang siya sakin na parang kakainin na niya ako ng buhay. Parang mabubutas na ata ang mukha ko dahil sa talim ng titig niya.

Lagot na.

Ang sama talaga tingin niya sa akin. Nginitian ko siya ng pilit at tumalikod na para umalis. Goodness! Kinakabahan ako. Baka ihambalos niya sa akin ang tungkod niya.

Ano ba 'yan? Kahit kailan talaga!

"Huwag kang umalis," malamig na sambit niya.

"P-po?" gulat kong tanong kaya naman pinukulan niya ako ng matalim na titig.

"Ano, bingi ka na ngayon? Kailangan ko pa bang ulitin ang sinabi ko?"

Dahil sa sagot niya ay napalinya ng manipis ang labi ko. Goodness! Ang sungit mo talaga Lolo.


Umiling nalang ako at napaiwas ng tingin. Lagot na talaga! Dahil hindi niya ako papaalisin ibig sabihin paparusahan niya ako. Naku naman, bakit ko pa kasi hindi ni-lock ang pinto?

Dumadagundong na sa loob ko ang puso ko dahil sa kaba. Nakatitig pa rin sa akin si Lolo. Iniisip niya ata kung paano niya ako paparusahan. Baka ipabitay niya ako?

Hindi na talaga ako makakalabas ng buhay dito. Nanlalamig na ako at nagsimula ng tumulo ang mga malalamig kong pawis sa noo.

"Nakita mo na siya. Anong naramdaman mo?" 

Kaba po.


Napatingin ako kay Lolo nang bigla siyang nagsalita. Medyo nagulat pa ako dahil medyo kalma at mabait na ang boses niya. Nakatitig na siya sa painting na nasa gitna.

Pero ano raw? Nakita ko na siya? Sinong siya?

Dahan-dahan akong naglakad papalapit kanya na nasa likod na ng desk. "Ano po ang ibig niyong sabihin?"

Sa Taong 1890Where stories live. Discover now