Kabanata 36

894 40 11
                                    

|Kabanata 36|

Pebrero 17, 1887

Kung bibigyan ako ng isang kahilingan aking hihilinging maging masaya ako bago pa ako lumisan sa mundong ito.

Por favor haz realidad mi deseo.

- Martina





"Bitiwan niyo iyan kung hindi ay sasabog ang inyong mga sintido!"

Isang malalim at mauturidad na boses ang aking narinig nagmula sa pasukan ang eskinita na ito.

Napahinga ako ng malalim nang marinig ang boses na iyon dahil kahit na iyon ay taong tutulong sa akin nakaramdam din ako ng takot sa boses nito. Ni hindi ko na nga magawa pang tumingin doon dahil tila ba nanigas na ang aking leeg.

Pati na rin ang mga lalaki sa aking harapan ay naestatwa na rin at hindi na nakalingon pa dahil sa narinig na sigaw mula sa lalaking kanilang tinalikuran.

"Lumayo kayo sa binibini! Magbibilang ako hanggang tatlo-" muli na sigaw nito na kahit hindi pa natapos magsalita ay nabilang na.

"ISA!"

Kaagad akong napapikit na hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Pati na rin ang aking likod at balikat ay nanlalamig na rin.

"DALAWA!"

Napadilat ako nang nagsipag-ingit ang lima at nagpasahan pa sa bolso de cabestrillo saka itinapon sa tabi at wala ni limang segundo ay kumaripas na sila ng takbo papunta sa aking likuran.

Kaagad ko silang sinundan ng tingin at doon nasilayan kung paano nila akyatin ang mataas na pader ng wala pang dalawang minuto.

Sunod-sunod ang paghinga ko ng malalim matapos kong diinan ang aking dibdib dahil sa takot at kaba. Ni hindi ko na rin nakayanan pa at natumba at napaupo na ako sa lupa dahil na panginginig at naging haleya na ang aking mga tuhod.

Ito na yata ang pinakanakakatakot na nangyari sa akin sa taon na ito. Tila nga ang aking puso ay kinukuryente at nanlalamig din ito na hindi ko alam kung anong nangyayari.

Nasilayan ko naman ang tao sa di kalayuan na may hawak na katamtaman ang haba ng dospordos na magkabilang kamay ang nakahawak na tila ginawa pa itong baril. Sa kabila ng panginginig at takot ko ay nagawa ko pang matawa ng kaunti dahil sa nakita.

Kaagad naman itong naitapon ng lalaki sa kaniyang tabi saka mabilis akong dinaluhan sa lupa at lumuhod sa aking harapan.

"Martina, ayos ka lamang ba?" natataranta at gulat na aniya na bakas sa kaniyang boses ang labis na pag-alala.

Ang boses na iyon. Ang kalmado at mabait na boses na iyon. Malayong-malayo sa mauturidad at galit na boses kanina. Isang ngiti ang naukit sa aking labi nang makilala ko ang taong iyon.

Naginginig at nanlalamig ang buo kong katawan at buong lakas ko siyang niyakap, "Agustin."

Kasabay niyon ang sunod-sunod kong paghinga at pilit na pagkalma sa aking puso. Nanginginig ang mga kamay ko nang higpitan ko ang pagyakap ko sa kaniya. Naramdaman ko na lamang uminit ang mga mata ko at tila ba ay tinutusok ng mga maliliit na karayom.

Ilang segundo rin ay naramdaman ko ang pagtugon niya sa aking yakap. Inihilig niya ang kaniyang ulo sa aking ulo na nakasiksik sa kaniyang leeg. Sa sandaling iyon naramdaman ko ang pagkapanatag at malayo sa peligro. Sa sandaling iyon naramdaman kong ligtas ako sa kaniyang mga bisig.

Sa Taong 1890Where stories live. Discover now