Kabanata 26

1K 53 23
                                    


|Kabanata 26|

Disyembre 4, 1889

Kahit ano pa man ang kaniyang gagawin sa akin, hindi ako makakapayag na siya ay magtagumpay. Hindi ang kadahilanang siya ang aking Ama ang magiging rason na siya ay hahayaan ko na lamang sa kaniyang mga planong sirain ang aking buhay. Hinding-hindi mangyayari iyon.

Tandaan mo iyan Agaton Del Veriel.

Martina




Ilang sandali rin akong nakaupo doon at pinagmasdan ang buong paligid. Pinagmasdan ko rin ang mga litratong nakasabit sa harapan na bahagi ng kanilang sala mayor. Isa na roon ang litrato na kung saan naroon ang kanilang buong pamilya.

Nakaupo ang mag-asawa sa harapan at ang apat ay nasa likuran nila. Lahat sila ay nakangiti, pero tipid lang ang ibinigay ng Don, ni Leon at ni Joaquin at ang iba ay malalapad na ang ngiti nila.

Seryoso nga talaga ang tatlong ito sa mga buhay nila.

Napako naman ang tingin ko kay Joaquin. May ngiti sa kaniyang labi na kahit matipid ay napakasensiro. Hindi ko pa siya nakitang nakangiti ng malapad at iyong sobrang nakatawa talaga.

Nais kong makita siyang ganoon. Habang nakatitig ako sa kaniya ay bigla akong kinabahan at hindi inaasahang nagtawag ang kalikasan.

Goodness, naiihi ako. Nasaan ba ang banyo rito? Hindi pa naman bumabalik si Donya Victorina. Sana bumalik na siya, gusto ko ng magbanyo.

Naglakadlakad na lang muna ako para kahit papaano ay mawala iyon. Panay rin ang silip ko sa pinto ng kanilang sala mayor nagbabakasakaling makita ang Donya.

Chestinell, huwag mong isipin. Mas lalo lang iyang titindi. Hingang malalim. Wooh! Huwag mong isipin. Huwag na huwag. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko.

“Arrgh! Hindi ko na talaga kaya!” pagtitimping daing ko at mabilis na nagmartsa papalabas ng kanilang sala mayor.

Gusto ko ng magbanyo!

Nagmamadali akong naghanap ng tagasilbi sa buong palapag pero kahit isa ay wala akong nakita.

Nasaan na ba ang mga tao rito? Bakit napakatahimik? Wala ba silang mga tagasilbi?

Napadpad naman ako sa dulo ng palapag na ito, doon sa hagdan papaakyat. Dalawa ang kanilang hagdan na magkatapat at magkarugtong na sila pababa. At ang kanilang hagdan ay diretso lang papunta sa kanilang pinto palabas at pababa ng mansiyon.

Laking tuwa ko nang may nakita akong isang tagasilbi na papababa mula rito na may dalang dalawang magkapatong na kahon.

Mabilis ko siyang sinalubong paakyat na siyang ikinahinto niya at umusog sa gilid na parte ng hagdan para bigyan ako ng daan.

Nginitian ko agad siya, "Ah, maaari bang magtanong? Nasaan dito ang inyong palikuran?" tanong ko rito.

Napatitig naman siya sandali sa akin, "Uh, kayo po ba ay bisita ng Donya?" alinlangan tanong niya.

Kaagad akong napatango, "Oo, tama ka. Ako si Martina Del Veriel," sagot ko habang pinipigilan ang loob ko.

Kagyat namang namilog ang kaniyang mga mata, "MartiD-del Veriel, S-senyorita Martina Del Veriel," gulat na bulalas niya na para bang hindi inaasahang makita ang bisitang kaniyang kaharap.

Sa Taong 1890Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ