Kabanata 40

856 42 50
                                    

|Kabanata 40|


Hulyo 29, 1888

      Anong silbi ng mga taong ito na ni simpleng utos ay hindi man lang magampanan at magawa ng maayos? ¿Y por qué Ama se enojaría sólo porque los despidí? Hindi ba't ang turan ko dati ay aalisin ko't tatanggalin ang mga taong naninilbihan sa kaniya, kaya at hayan na Ama. Hindi ka naman pala masaya kapag may nangingialam sa iyong nais at desisyon sa buhay.

Espero que sepas que siento lo mismo. ¡Te odio, Ama!

— Martina





Hindi ko alam. Mababaliw na yata ako.

"Nababatid kong ika'y hindi pa handang sagutin ang aking tanong ngunit aking hihilingin, pakiusap Binibini, sana'y hindi magbago ang iyong pakikitungo sa akin."

Sa kabila ng pagkikiusap na bakas sa kaniyang boses at kaniyang mga mata'y nagmamakaawa ay muli kong binawi ang aking pulsuhan mula sa kaniyang pagkahawak.

"Iyon lamang ba ang iyong sasabihin, Ginoo?" kasabay niyon ang pagtaas ko ng kilay sa kaniya na ikinalaki ng mga mata niya. Hindi siya nakapagsalita.

"Kung iyon lamang ay magpapaalam na kami." Hinawakan ko na si Isay saka bahagyang yumukod kay Joaquin. "Magandang araw sa iyo, Ginoo."

Nanatili akong nakayuko at sa kabila ng bigat sa puso na aking naramdaman ay pilit kong ginalaw ang mga paa ko't nilagpasan siya.

Pasensya ka na, Joaquin, at kahit pa man ay magkaaway kami at hindi magkasundo ay hindi ko hahayaang masaktan si Clara ng dahil sa akin. Isa pa, hindi kabilang sa misyon ko ang umibig sa sinuman na nagmula sa kapanahunang ito.

Hindi ko na siya nilingon pa at patuloy lang sa paglalakad habang hawak si Isay. Mabilis akong napatingin sa paligid nang maalala kong may isa pang boses na tumawag sa akin. Sino kaya iyon? Sina kuya kaya?

Huminga na lang ako ng malalim saka umiling. Kahit saang sulok ako tumingin sa buong plasa ay wala akong nakitang pamilyar na pigura. Marahil ay imahinasyon ko lamang iyon.

"Binibini, ayos lamang ba kayo?" usisa ni Isay nang makasakay kami sa karwahe.

Tipid ko siyang nginitian saka tumango, "Oo, ayos lang."

Napansin ko naman na natahimik siya at bahagyang nakatingin sa akin na nakangiwi kaya kinunutan ko siya ng noo.

"Bakit? Mayroon ka pa bang nakalimutan?"

"Ah, wala, wala na, Binibini," mabilis siyang umiling. "Ngunit, kung hindi ninyo mamasamain ay ma–maaari ko bang itanong...ku–kung ano ang tinutukoy ni Ginoong Joaquin?"

Inipit ko naman ang mga labi ko at napahinga ng malalim.

"Umamin kasi siyang...mayroon siyang nararamdaman para sa akin," matamlay na sagot ko.

"Ha?!"

Bakas sa mukha niya ang pagkagulat nang manlaki ang kaniyang mga mata dahil sa narinig. Kaagad siyang napatakip ng bibig, "Paumanhin, Binibini. Ngu–ngunit ang aking akala'y si Ginoong Agustino lang ang umamin sa iyo?"

Awtomatikong nagdugtong ang mga kilay ko dahil sa narinig, "Paano mo nalaman ang tungkol diyan?"

Mas lalo tuloy na nanlaki ang mga mata niya saka napayuko, "Eh, kasi hi–hindi ko sinasadyang marinig ang usapan ninyong dalawa noong akin na kayong tatawagin," paliwanag niya. "Paumanhin, Binibini."

Sa Taong 1890Where stories live. Discover now