Kabanata 46

710 23 17
                                    

|Kabanata 46|

Enero 14, 1888

Kung maaari lang sana ay aaminin ko na sa kaniya ang aking nararamdaman. Nang sa gayon ay kung hindi pareho ang nararamdaman namin sa isa't-isa ay ako'y aalis na rito sapagkat batid kong wala namang patutunguhan ang lahat ng ito.

- Martina

Isang linggo na ang nakalipas at naging maganda naman ang daloy ng panahon. Sa loob ng linggong iyon ay lumalabas kami ni Joaquin at nagpapaalam ako kina Kuya o kay Ina. Medyo bumabait na rin sa akin si Ama at pinapansin niya rin ako ng madalas. Napakasaya ko sa nakikitang pagbabago sa pamilyang ito. Sana naman ay magtuloy-tuloy na.

Alas sais na akong nagising dahil sa mga huni ng ibon at tilaok ng mga manok. Nakakapagtaka rin sapagkat noong binuksan ko na ang mga bintana ay lahat ng mga taong nasa hardin at labas ng mansiyon ay napalingon sa akin. At nakangiti pa.

Masyado pa silang masigla at tila ba'y napakaraming enerhiya sa paggawa ng mga bagay-bagay. Hindi ko rin alam kung bakit parang nagkakagulo sila roon.

Napailing na lang ako saka naligo na. Nagpalit na rin ako kaagad ng simpleng baro't saya at syempre ang hindi mawala-walang laket ko. Patuloy pa rin naman ang pag-andar ng roman analog clock dahil medyo malayo pa naman sa Hunyo uno.

Nagkasalubong ang mga kilay ko nang mapansing napakatahimik ng buong ikatlong palapag at sa baba ay medyo maingay dahil maririnig ko na ang boses nina Lola Illuminada at Dueña Hilda. Anong nangyayari?

Isinara ko na lamang ang pinto ng aking silid at kibit-balikat na naglakad pababa upang kumain.

Dahan-dahan na humina ang mga boses nila nang mapansin yata nilang parating ako dahil sa tunog ng sapatos ko. Okay, napaka-creepy na talaga nila. Ano ba ang nangyayari?

"Ayan na pala siya."

Narinig ko pang sabi ni Lola Illuminada nang makarating ako sa baba ng hagdan. Nakangiti silang lahat sa akin na ikinakabog ng dibdib ko. Nananaginip ba ako? Bakit ganiyan sila makatingin sa akin?

Maya-maya pa ay lumabas naman sina Ina mula sa kainan, pati ang tatlong magkapatid at pinakahuli ay si Ama. Pawang nakangiti sila ng malalapad pwera na lang kay Ama na nakatingin lang sa akin.

"Maligayang kaarawan, Martina!"

Halos mabingi ako dahil sa gulat sa sinabi nina Kuya at Ina. Sumunod naman na bumati nang mga taga-silbi at si Dueña Hilda.

"Maligayang kaarawan, Senyorita Martina!"

Whuut?! Kaarawan ni Kristina ngayon? Anong petsa ba ngayon?

Nagkasalubong ang mga kilay ko at hindi ko na ata maipaliwanag kung anong kunot na ang inabot ng noo ko. Nakakagulat naman ang mga ito.

"Ano pa't tila'y ikaw ay hindi masaya, anak?"

Lumapit sa akin si Ina na nababahala at magkarugtong pa ang mga kilay. Kaagad akong napangiti nang makita ang reaksiyon niya.

"Hindi po," ngiti ko. "Nagulat lang po ako sa mga pagbati ninyo. At hindi ko talaga alam na kaarawan ko na pala ngayon," pag-amin ko.

Bigla naman niyang pinisil ang pisngi ko, "Ikaw talagang bata ka. Nakatutuwa ka."

Humagikhik na lang ako at yumakap kay Ina. "Salamat po, Ina, sa pagbati."

"Walang anuman, anak," yakap niya pabalik.

Lumapit naman sina kuya sa amin at natatawang nakiyakap din. Sobrang higpit ng yakap nila sa akin at tumagal pa iyon ng ilang sandali. Umanghang na nga 'yong mga mata ko dahil sa mga luha na nagsipagtipon at malapit ng tumulo. Abot langit ang tuwa ko dahil sa mga pagbati nila at mga yakap. Tila ba'y parang ako talaga ang kanilang binabati at hindi si Kristina.

Sa Taong 1890Where stories live. Discover now