Kabanata 47

567 20 17
                                    

|Kabanata 47|

Abril 2, 1887

Te amo, aking Ginoo.

— Martina


Tuluyan na akong nakatapak sa ikalawang palapag at lumapit kina Ina na nasa may paanan ng hagdan. Nakangiti sila sa akin lalo na ang tatlong magkakapatid.

“Maligayang kaarawan, Martina.”

Naunang bumati uli si kuya Lucio at lumapit nang bahagya sa akin. Nginitian ko siya ng napakalapad.

“Maraming salamat, Kuya.”

“Maligayang kaarawan, Martina. Mas lalo kang gumanda,” nakangiting wika naman ni kuya Lucas.

“Ay, tama ka, Kuya. Alam ko naman na maganda ako kahit kailan ngunit mas gumanda lang ngayon,” sabay kong biro  saka tumawa na ikinatawa rin nina Kuya. “Pero, maraming salamat din, Kuya.” Tumango naman siya at ngumiti.

“Alam mo, Martina, kay bagal mo naman na bumaba. Nagugutom na kaya ang mga bisita,” umiiling na reklamo ni kuya Marco.

“Maraming salamat din ha, Kuya,” sarkastiko kong tugon.

“Oo, walang anuman,” nakangiti pa niyang usal saka umirap. Naku, ito talagang si kuya Marco napagti-tripan na talaga ako.

“Pamangkin!”

Agad akong napalingon nang marinig ang nanggigigil na boses ni Tiya. Lumapit siya sa akin mula sa pagkakatabi niya kay Tiyo Costavio na nasa may likuran ni Ina. Ngumiti si Tiyo kaya mabilis ko rin siyang tinugunan.

“Napakaganda mo talaga kahit kailan,” wika pa ni Tiya saka ako mabilis na niyakap. Napayakap naman ako sa kaniya habang natatawa sa kaniyang inasal.

“Salamat po, Tiya. Kayo rin naman ay laging napakaganda kaya nga po ay labis na nahulog ang loob ni Tiyo sa inyo eh,” tukso ko pa sa kaniya na ikinatawa niya saka bumitaw sa yakap.

“Hay ikaw ha,” tumatawang saway niya. “Ang mabuti pa ay simulan na lang natin ang iyong pagdiriwang,” pag-iiba niya saka tumango kay Ama.

Tipid naman siyang nginitian ni Ama saka ito naglakad papunta sa may hagdan at tumabi sa piyano. Hinawakan naman ako ni Ina sa braso at mahinang hinila nang sumunod siya kay Ama. Nakangiti naman akong lumingon kina kuya na nakasunod din sa amin pati sina Tiya.

Tumingin si Ama sa mga bisita nang may ngiti sa labi. “Malugod ko kayong opisyal na inanyayahan sa pagdiriwang na ito sa aming tahanan,” pagsisimula ni Ama. “Sapagkat ngayon ay ang ika-dalawapung kaarawan ng aming nag-iisang anak na babae, si Kristina.”

Lumingon pa siya sa akin kaya nginitian ko siya ng malapad. Yiee, Ama, tila ba’y ipinagmamalaki mo akong ipinapakilala sa kanila.

“Nawa’y mabusog kayo at masiyahan sa inihandang salu-salo at mga pagtatanghal.”

Nagdugtong naman ang mga kilay ko sa narinig. Ano? May pagtatanghal? Ang akala ko ay kainan lang? Aba, Ama napaka-sosyalin mo talaga. 

Nagpalakpakan naman ang mga tao at maya-maya pa ay isa-isa na silang naglakad papalapit sa amin. Sa akin. Pechay na.

Naunang lumapit ang magiging in-laws ni kuya Lucas kaya naman todo ang ngiti ni kuya nang lingunin ko lalo pa’t kasama ng mag-asawa ang kanilang dalawang anak. Nakita ko pa kung paano ngumiti ng malapad si kuya nang magkatinginan sila ni ate Guada. Namula naman ang pinsgi ni ate dahil sa nangyari.

Eeii, itong mag kasintahan na ito kahit kailan talaga.

“Magandang gabi, amigo, Donya Floren,” pagbati ni Gobyernadorcillo Timoteo.

Sa Taong 1890Where stories live. Discover now