Kabanata 38

913 44 13
                                    

|Kabanata 38|

Enero 15, 1887

Hindi ko naman inaasahang magkakaroon ng pagkagusto ang lalaking iyon sa akin na ikinasuklam niya. Ginawa ko nga ang lahat nang sa ganoon ay matulungan siyang maibigan nito ngunit siya lang naman ang gumawa ng dahil upang mawalan ito ng interes sa kaniya.

Eres tan lamentable, Clarita

- Martina





Hilda?

Dueña Hilda?

Iyong babaeng lagi nilang sinasabi na kaibigan at kasundo pa ni Kristina?

Hindi nga?

Napatitig ako sa babaeng nakatayo sa aking harapan at nagpamaywang pang nakatingin sa akin. Buong hitsura niya talaga parang si Nanny McPhee, patpat nga lang ang kapalit ng tungkod.

Seryoso at banayad ang ekspresyon ng mukha niya. Malalim at tulsok ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. Mukhang mas matanda siya ng kaunti kay Ina at magkapareho rin sila ng pigura ni Nanny McPhee. Palagi pang nakataas ang kaniyang kaliwang kilay na parang ganoon nga talaga ito at hindi bumababa.

Kaya pala ay ayaw ni kuya Marco na itukso ko siya rito. Sigurado ba silang kasundo ito ni Kristina?

"Aba, ako lamang ba ay iyong tititigan at hindi mo man lang ako babatiin?" hindi makapaniwalang aniya.

Napakurap ako ng ilang beses at hinanap ang aking boses, "Uh, mag-magandang araw. A-at uhh, maligayang pagbabalik?" hindi ako sigurado kung iyon ba ang sasabihin ko.

Napasinghap ako sa sakit nang muling tumama ang patpat sa aking balat. Nang tumama ang patpat sa aking balat nagdulot ito ng sakit na tumusok na parang karayom ​​na nanatili sa loob ng ilang segundo. Aish, nakakadalawa na ito ha!

Sinipat niya naman ang mga paa kong nakapatong pa rin sa upuan kaya lihim na lang akong umirap at ibinaba iyon. Lumingon ako sa mga bata at natagpuan kong ni isa sa kanila ay wala na mesa pati na rin ang kanilang mga papel at pluma. Umalis na sila?

"Bakit mo kasama ang mga batang iyon?" intriga pa niya. "Ang aking buong akala ay hindi mo nais ang mga paslit? Y una cosa más, hindi ka rin nararapat na makisama sa mga tagasilbi at sa kanilang maruruming anak."

Kaagad na nahila paitaas ang kilay ko dahil sa narinig at dahan-dahan akong napalingon sa kaniya. Nakatingin siya sa akin na para bang tama ang kaniyang sinabi at ganoon nga naman dapat ang ginagawa ko.

Ang tabas rin ng dila nito ah.

Napatingin naman ako sa may imbakan at doon ko nakita ang mga bata na nakasilip sa may pinto nito. Marahil ay takot nga talaga sila kay Hilda na ito. Bumuga na lang ako ng hangin.

"Kaibigan ko sila, tsaka mababait naman sila eh," dahilan ko tsaka napatayo na.

Sinipat ko naman ang bandeha ng mga natirang pagkain sa mesa saka siya tinignan.

"Ah, pakidala naman po nito. Hindi po kasi ako makakabitbit dahil ito oh," sabay pakita sa kaniya ng kamay kong nakasabit sa salungbaba.

Nagdikit naman ang kaniyang mga kilay dahil sa narinig.

"¿Qué dijiste? Hindi ako isang tagasilbi, hija. Isa akong Dueña."

Nginitian ko na lang siya saka naglakad na paalis doon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiirita sa kaniya. Sigurado ba talagang magkasundo silang dalawa ni Kristina, eh ang panget nga ng ugali niya eh. Ang sakit pa ng hita kong pinalo niya, aish.

Sa Taong 1890Where stories live. Discover now