Kabanata 31

949 46 9
                                    

|Kabanata 31|

Nobyembre 22, 1889

Hindi ko batid kung bakit ang mga pagkakataon ay hindi mo maintindihan. Iyong may nais ka ngunit iyon ay hindi mo makuhakuha kahit nasa harapan mo lamang. Mayroon ding iyong kahit hindi mo iyon nais ay ito pa ang kusang lumalapit at iyong natatanggap. Increíble.

— Martina

At sino naman ang tinutukoy mo, aber?

Kung si Joaquin ang tinutukoy mo, walang duda siya ay darating dahil siya ay kasintahan ni Clara. Pwede ba namang hindi dadalo ang kasintahan ng may kaarawan? Isa pa, ano naman ang pakialam mo?

Napailing nalang ako at inilabas ang bara sa aking dibdib.

Bakit ko ba iniisip ang bagay na iyon? Nahihibang ka na, Chestinell.

“Masdan mo ang Binibining Clara, Kuya,” biglang komento ni kuya Marco kay kuya Lucio.

Sabay-sabay naman na napalingon si kuya at Carolino sa tinutukoy ni kuya Marco. Kung kaya naman ay pati ako nakisali na rin.

Wala namang bago sa itsura niya. Kanina pa iyan ngisi ng ngisi sa mga panauhin niya.

“Bakit? Ano ang iyong ibig ipahiwatig?” kunot-noong tugon ni kuya Lucio at nakatitig pa rin silang tatlo roon.

Ang magkasintahan naman rito sa aming mesa ay nag-uusap pa rin at mayroong sariling mundo.

“Siya ay kanina pa nakatuon ang atensiyon sa may hagdan. Tila ba'y may inaasahan at hinihintay na panauhin,” natatawang aniya.

Napairap naman ako at iniwas na ang tingin saka itinuon ang atensiyon sa labas ng bintana. Sino pa nga ba, edi ang kasintahan niya.

“Batid mo naman kung sino ang kaniyang hinihintay, hindi ba?” sagot ni Kuya Lucio.

Ibig sabihin, alam talaga nilang may relasyon silang dalawa.

“O, hayan na pala sila,” maya-mayang wika ni Carolino.

Kung kaya naman ay atumatikong napalingon ang aking ulo sa direksiyon na iyon, at kasabay ko ang dalawa.

Doon ko nasilayan ang pamilya Varteliego. Nauna ng nakapasok at naglakad papalapit ang mag-asawa kay Clara, at naroon naman sa hagdan ang magkakapatid at inaanunsiyo ng lalaki roon.

“Senyorito Luis at Senyorito Joaquin Varteliego,” wika nito.

Nakangiti ng bahagya ang dalawa na mas napakakisig sa kanilang lalo, at dagdag pa ang kani-kanilang ang mga suot na nagmukhang mga anak ng maharlika.

Hindi ko batid kung bakit ang aking mga mata ay mistulang nakadikit na kay Joaquin sapagkat nakatitig lamang ako sa kaniya.

Nagdahan-dahan ang ikot ng buong paligid at tanging ang kaniyang pigura lamang ang aking nakikita. Ang kaniyang maaura at kahalihalinang paglalakad na tila ba ay nang-aakit sa akin na siyang ikinaurong ng aking paghinga.

Ang kaniyang ngiti na unti-unting sumilay at pinakislap ng mga lamparang nakasindi sa buong paligid ang humigop sa lahat ng hangin na narito sa buong silid.

Napakunot ang aking noo habang nanatili akong nakatitig sa kaniya. Tila ba ay mayroon siyang hinahanap. Syempre, hindi na maipagkakaila kung sino iyon. Si Clara. Ang babaeng nakangising nakatitig din sa kaniya kagaya ng ibang mga babae sa buong palapag.

Napaismid na lamang ako at iniwas na ang aking tingin sa lalaking iyon. Ngunit, iyon ay hindi na natuloy sapagkat ako ay napahawak sa aking dibdib nang biglang bumilis ang tibok nitong aking puso. At sa ganoong pagkakataon din ay nagtama ang dalawang pares ng kayumangging kulay ng mga mata.

Sa Taong 1890Where stories live. Discover now