Kabanata 61

454 23 32
                                    

|Kabanata 61|


Isang katok ang narinig ko mula sa labas ng silid. Napatayo na lang ako mula sa higaan na kanina pa nakatulala dahil sa nangyari. Binuksan ko ang pinto at nakitang nakasandal doon sa gilid ng pinto si Agustin. Ngumiti naman kaagad siya nang makita ako.


"Halika na. Kumain na tayo," aya niya saka tumayo ng maayos. Tumango naman ako saka nginitian siya pabalik.


"Tamang-tama ang dating mo, dahil gusto ko nang kumain," natatawang tugon ko. Natawa naman siya kaya napailing ako. Isinara ko na ang pinto ng silid saka kami sabay na bumaba roon. Huling tingin ko sa relo kanina ay alas-sais na. Halata rin ang oras dahil sa mga kumain-kain sa baba. Kadalasan doon ay mga nakadamit ng pangbihis, halatang hindi taga-rito. Ang mga taga-rito naman kasi ay may sariling bahay, kusina at kainan kaya roon sila kumakain.


Pumwesto naman kami sa may hagdan nang makitang bakante ang mesang naroon. Magkatapat kaming umupo. Maya-maya pa ay nilapitan kami ng isang binata sabay tanong kung ano ang kakainin namin. Si Agustin na ang nagsalita.


"Bigyan mo kami ng kung anong patok ninyong pagkain dito," aniya pa. Umalis naman ang binata matapos niyon. Bumaling naman siya sa akin ng may kaunting ngiti sa labi. "Mabigat pa rin ba ang nararamdaman mo?"


Umiling kaagad ako at napatingin sa mesa. "Hindi. Ayos na ako. Kailangan ko lang na... kalimutan ang nangyari."


Napatitig lang siya at hindi na ako tinanong pang muli. Galit din ako sa sarili ko dahil sa lahat ng taong kasama ko ngayon ay si Agustin pa. Hindi naman sa ayaw ko sa kaniya, ngunit ang nais ko lang sabihin ay bakit niya pa kailangang masaksihan ang sakit na pinagdadaanan ko. Bakit sa kaniya pang nagugustuhan ako? Bakit sa kaniya pang walang ibang ginawa kung hindi ang pasayahin ako? Mas lalo ko lang siyang sinasaktan. Ayaw kong gawin iyon sa kaniya dahil hindi siya karapat-dapat na masaktan ng gaya ko.


Inalis ko na lang ang lahat ng mga iniisip ko nang dumating na ang pagkain namin. Nagdasal na ako at kumain na kami. Tahimik ko lang siyang pinagmasdan na hinahayaan akong maging tahimik at pinoproseso ang mga nangyayari. Ngumiti na lang ako sa kaniya at kumain na ulit.


"Nakapunta ka na ba rito noon?" tanong ko. Tumingin naman siya sa akin na napatigil pa ang kaniyang kutsara sa ere. Mabilis naman siyang umiling at tinuloy ang pagkain.


"Hindi pa. Unang beses kong makapunta rito ay ngayon."


Hindi nawala sa mukha ko ang ngiti, "Ako rin." Isang katanungan ang kumawala sa aking isipan nang maalala kong itatanong ko pala iyon sa kaniya. "Paano mo nalamang pupunta ako rito?"


Napangiti naman siya pagilid habang kaharap ang mangkok ng ulam nang marinig ang aking tanong. Napailing siya na tila sinasabi niyang hindi niya ibubulgar iyon. "Hindi ko na lamang iyon sasabihin. Ang mahalaga'y nakita kita at nasamahan."


Napanguso ako kaagad nang marinig ko ang kaniyang tugon. Mas lalo pa siyang natawa nang makita iyon at ang mga mata koy naniningkit na habang sinasamaan siya ng tingin. Naging tahimik na ang nalalabi naming minuto sa pag kain.


"Halika, magpahangin muna tayo."


Napatayo na siya matapos uminom kaya mabilis akong sumunod sa kaniya. Lumabas naman siya kaya gumaya na rin ako. Pareho kaming napatingala sa kalangitan habang nakatayo sa labas ng bahay. Malamig ang simoy ng hangin, marami ring mga butuin sa langit, malaki ang bilog na buwan, at tahimik ang buong paligid na sinasamahan ng mga tawa at pag-uusap ng mga tao sa paligid. Nakatitig lamang ako sa kalangitan habang humahanga sa ganda nito.

Sa Taong 1890Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon