Kabanata 65

566 23 6
                                    

|Kabanata 65|


          Nakatitig lamang ako sa kaniya na kung hindi siya muling magsasalita ay hindi ako makababalik sa aking diwa.

          "Ayos lamang ba iyon, Binibini?"

          "Kasi... hindi ako lumalabas sa mga panahong ito. Wala pa akong ganang gawin iyon, huwag ka sanang masaktan ang iyong damdamin."

          Mabilis siyang napangiti at umiling, "Hindi, Binibini. Naiintindihan kita." Napalingon naman siya sa mansiyon saka bumaling uli sa akin. "Kung ayaw mong lumabas ay ayos lamang ba kung sa inyong hardin tayo sa likod ng inyong mansiyon?"

          Tahimik na lang akong bumuga ng hangin saka tumango. "Sige, maaari iyon." Nilingon ko naman si Mang Kardo na nakatayo na ilang metro mula sa akin. Marahil ay lumayo na siya nang dumating si Primitivo. "Mang Kardo, alis muna ako ha."

          Malapad ang kaniyang ngiti na ibinigay. "Sige po, Senyorita. Maraming salamat sa pagbigay ng kaunting oras."

          Tinanguan ko naman siya bago umalis at naglakad na papunta sa likod ng mansiyon. Hindi ko na muli pang sinulyapan si Primitivo na ramdam ko naman na nakasunod sa akin. Tahimik na lang akong naglakad papunta sa upuan doon at kaagad na umupo. Napatayo naman kaagad ako nang umupo siya sa tabi ko kaya naglakad-lakad na lang ako sa tabi ng mesa at pinagmasdan ang buong paligid. Matagal-tagal na rin mula noong nakatambay ako rito. Ito ang pinakatahimik na lugar sa buong Casa Del Veriel. Maingay naman kasi sa silid ko dahil doon ako laging pinapagalitan ni Ama.

          Tipid ko naman na nilingon si Primitivo na natahimik matapos kong iwasan. Kasi naman eh, hihirit pa. Pinagbigyan ko na nga lang na masamahan ko ay gusto pang umupo sa tabi ko.

          "Masaya pala akong sa wakas ay ika'y pumayag na sa ating pag-iisang dibdib," biglang sabi niya kaya mas napatingin ako sa kaniya na hindi maipinta ang mukha. Nakatingin ako sa kaniya na tila ba'y tatlo ang kaniyang mga mata.

          "Ha?"

          "Sinabi ng iyong ama," paglinaw niya. "Kaya walang masidlan ang aking tuwa habang inaantay ang araw na iyon." Muling nabuhay ang kaniyang masiglang mga mata. Nakangiti na rin siya ngayon na tila ba'y walang nangyari kanina.

          "Ah iyon ba? Paulit-ulit na kasi si Ama kaya napilitan na ako."

          Hindi ko na lamang sasabihing pipigilan kong mangyari ang kasal. Dahil kahit anong gawin ko rin naman ay mangyayari't mangyayari pa rin iyon dahil marami sila at ako lang mag-isa. Hindi ko na rin naman alam kung anong gagawin ko. Mananahimik na lamang ako at kikilos ng walang nakakalam sa aking plano. Kung ipagpipilitan ko rin naman kasing sumalungat sa kagustuhan nila ay alam kong mas lalong lalala ang lahat. Maaaring magbago na naman ang takbo ng panahon.

          "Naniniwala rin akong balang araw ay matututunan mo rin akong mahalin at makakalimutan mo ang nakaraan, lahat ng sakit at pagdurusa na naramdaman mo. Pangako kong aalagaan kita at hindi kita sasaktan."

          Kakaawaan ko ba siya o kamumuhian? Hindi ko alam. Lalo na at kabilang rito ang kaniyang damdamin dahil sa sinabi niyang nagugustuhan niya ako. Hindi ko lubos na maisip na masasaktan ko ang mga taong naging totoo sa kanilang mga nararamdaman.

           "Sasabihan lang sana kitang huwag kang umibig sa akin ng husto. Baka hindi ko masusuklian iyon. Ayaw lang kitang masaktan."

          "Hindi ako susuko, Binibini. Tiyak akong mamahalin mo rin ako balang araw," pagtitiyak na aniya habang nakatingin sa akin. hindi ko na tuloy alam kung ang maisasagot ko sa kaniya. Ngunit, bahala nga siya na pinaniniwalaan niya. Basta ako, nakatuon lamang sa layunin ko, ang hindi mamatay sa araw ng aking kasal.

Sa Taong 1890Where stories live. Discover now