Kabanata 42

800 28 14
                                    

|Kabanata 42|

Mayo 22, 1888

      Nakakaakit talaga ang kaniyang mga ngiti. Sa pamamagitan nga niyon, nakakalimutan ko kung gaano kalupit at kabagot ang buhay na ito. Siya lang ang tanging nagpapasaya sa akin.

Kahit na hindi niya alam kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya at kung gaano ko siya kamahal, kuntento na akong pagmasdan siya mula sa malayo. Sana may kakayahan akong piliin ang taong nasa puso ko. Malugod kong pipiliin siya kaysa sa sinuman at sa kung ano man.

— Martina



Habang pinapanood ko ang pagtatanghal ay nagkasalubong ang aking mga kilay. Bakit parang pamilyar ito? Bakit parang alam ko na ang tungkol dito?

"O irog ko, ako'y huwag mong iwan. Atin ng nalampasan ang lahat ng unos ng buhay at pagtutol ng mga tao. Ngunit bakit pati ang kamatayan ay pilit kang inaagaw sa akin?"

Umiiyak ang magtatanghal na lalaki katabi ang kaniyang dalawang anak habang nakahiga naman sa kaniyang mga braso ang babaeng nag-aagaw buhay.

Teka nga, bakit parang kilala ko talaga ang karakter na ginagampanan niya? Sino nga ba iyon? Parang nakita ko na ito o narinig na dati—ah, oo! Naaalala ko na!

Sina Luisa at Santiago Mariano! Ang dahilan kung bakit San Luisiano ang pangalan ng bayan na ito. Sila ito!

Pechay! Kaya pala alam na alam ni kuya Lucio ang tungkol dito dahil paborito niya pala ang kwentong ito. Hays.

Nilingon ko naman siya na seryosong-seryoso ngunit may kaunting ngiti sa kaniyang mga labi habang nanonood. Bahagya na lang akong napailing habang pinagmamasdan siya.

"Kuya, ito iyong kwento tungkol sa mag-asawang Mariano, hindi ba?" Sinubukan kong putulin ang atensiyon niya.

"Oo, mabuti at naalala mo pa," nakahilig na tugon niya sa akin kaya natawa ako.

"Hindi ko naman ito makalimutan kasi ito ang paborito mo," bulong ko pabalik.

Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa habang nakatingin na ako sa entablado. "Hinding-hindi ako magsasawang panoorin o pakinggan ang kwentong ito, Martina. Kahit kailan."

Napangiti ako. "Kung ganoon Kuya, ikwento mo ito sa mga anak at apo mo ha? Sana maabot pa ang kwentong ito sa apo ng iyong apo. Panigurado, magugustuhan niya ito."

Sa likod ng mga salitang iyon, nakatago ang taong tinutukoy niyon, walang iba kung hindi ako. Sa pagbalik ko sa hinaharap, sana makasama pa kita Kuya, kayo nina kuya Lucas at Marco.

Gustong-gusto ko kayong makasama, kasi kayo 'yong mga taong andiyan palagi para sa akin. Ang mga kapatid na nagpoprotekta, nagmamahal at pinapahalagahan ako.

Ngunit, sa tingin ko ay kwento na lang tungkol sa inyo ang malalaman at makakasama ko sa hinaharap. Hindi na kayo. Kung sana lang ay sa hinaharap din ay may mga Kuya akong kagaya ninyo.

Hindi ko napigilan pa ang mga luha kong kaniya-kaniya ng nagsipagtulo mula sa mga mata ko. Kaagad ko na iyong pinahid dahil ayaw ko ng mapansin pa ito ni Kuya. Napasinghot naman ako at nagpaypay sa sarili saka itinuon na lang ang pansin sa entablado.

"Martina, umiiyak ka ba?" biglang bulong na tanong ni kuya kaya nataranta ako.

Pinahiran ko ang mukha ko saka siya nilingon na nakatingin pala sa akin at magkarugtong ang mga kilay. Isang ngiti ang pinakawalan ko.

"Ah, wala ito, Kuya. Nadala lang ako sa kwento dahil sa galing nila," palusot ko.

"Talaga?" Naramdaman ko pa ang saya na bakas sa kaniyang boses kaya napalingon ako sa kaniya. "Natutuwa akong sa wakas ay naantig na ang iyong puso sa kwentong ito," nakangising bulong niya.

Sa Taong 1890Where stories live. Discover now