Kabanata 54

444 18 2
                                    

|Kabanata 54|

“Nakababagot naman dito. Ano ba ang ginagawa mo para malibang?” tanong ni Agustin habang patingin-tingin sa mga libro sa likod ng tukador.

“May mga pinagkakaabalahan naman ako, pero nasa labas kasi iyon. Hindi ko pa naman naranasang makulong dito kaya hindi ko alam. Marahil ay matulog na lang.”

“Sana ay makalabas ka na rito. Nais pa naman kitang yayain—kayo na lumabas at mamasyal,” aniya na tila pa'y nadulas sa kaniyang sinabi at mabilis na itinama iyon.

"Makalalabas din ako rito. Gagawa ako ng paraan," wika ko. "Kaya may utang ka sa akin na sisingilin ko kapag nagawa ko iyon."

"Sige, gagawin natin iyan. Kapag nakalabas ka na."

Hindi na nagtagal si Agustin at ilang minuto ang lumipas ay umalis na rin siya. May gagawin pa raw kasi siya at binisita niya lamang ako upang alamin ang kalagayan ko kaya hindi siya nagplano na magtagal. Baka raw ay maabutan pa siya ni Dueña Hilda at ni ama na bumibisita at baka mas lalo pa raw akong parusahan.

Nang makaalis na si Agustin ay siya namang mabilis na paglapit ni Isay sa akin na hindi matanggal ang malaking ngisi sa kaniyang mukha. Tila ba ang mapupunit na nga ang kaniyang labi.

"Bakit? Anong ginawa mo at tila ikaw ay tuwang-tuwa pa. Halos mapunit na iyang labi mo ah," tanong ko pa sa kaniya.

Matapos kong sabihin iyon ay ganoon na lamang ang paglaki ng aking mga mata nang bigla siyang tumili at nagtatalon sa aking harapan habang hawak ang aking mga braso.

"Senyorita! Wooh, hindi ko labis akalaing masasaksihan ko mismo sa aking harapan ang aking mga hinahangaang pares! Nakakatuwa talaga kayong dalawa," puno ng panggigigil na aniya at nagpaypay pa sa kaniyang sarili.

"Ano ka ba? Kaibigan ko lamang 'yong tao noh. Ikaw talaga nilalagyan mo ng kahulugan ang mga bagay na hindi naman dapat," saway ko.

Ngumuso naman siya paismid saka siya bumitaw sa akin. "Sows, eh yumakap ka nga agad noong dumating siya," bulong na aniya saka lakad papunta sa bintana.

"Narinig kita, Isay," paalala ko sa kaniya.

"Aba'y dapat lang. Nang malaman mo kung ano ang mga ginagawa mo, Senyorita."

"Ikaw talaga, Isay. Andito pa nga ako nakakulong dahil sa kasunduan at para sa aking kasintahan ikaw naman tinutukso mo pa ako sa natitira kong kaibigan."

Bumuntong-hininga naman siya saka ngumiti ng kaunti. "Pasensya ka na, Senyorita. Natuwa lamang ako."

Umiling ako saka nginitian siya, "Kalimutan mo na iyon. Sabihan mo na lamang si Mang Pedring na magpapadala ako ng sulat."

Kaagad naman siyang tumango saka naglakad na papunta sa pinto at palabas. Kumuha na lamang ako ng papel at pluma at umupo na.

Joaquin,

Magandang umaga!

Hiling ko sana ay maayos lamang ang iyong araw at ikaw ay nasa maayos na kalagayan din. Sumusulat ako sa iyo ngayon sapagkat nababagot ako at nais ko sanang makausap ka.

Habang sinusulat ko ang mga katagang iyon ay hindi ko maiwasang maalala ang naging usapan namin ni Joaquin nang magkita kami.

"Alam mo ba, noong inanunsiyo ang inyong kasunduan ay labis akong nagulat at hindi ko maintindihan kung anong naramdaman ko kaya mabilis na lamang akong umalis doon."

"Pasensya ka na, Joaquin. Pati na nga rin ako ay nagulat sa kanilang sinabi. Hindi ko inaasahan ang bagay na iyon, sobra."

"Kumirot ng labis ang puso ko nang marinig kong ika'y ipapakasal sa iba."

Sa Taong 1890Where stories live. Discover now