Fogi4

4.8K 137 11
                                    

"Samahan mo na ko dun sa palayan kasi!"

"Teka lang nga Abby magdahan-dahan ka muna sandale."


"Ecka, tanghalian na baka gutom na sina Inang don!"

"Oo eto na teka lang. Napagalitan ka na naman no? Sino na naman inaway mo ha?"

"Wala ah. Sina JL lang mga nantitrip na naman dun sa Toda."


"Nako Abby, bat naman di mo kami sinama." umiiling na sabi ni Ecka kaya naman napairap lang ako.

"Sina Gabbo ba? Magbubuhat pa tayo nung mga palay na itatanim nila." napahinga na lang ng malalim ang mas matangkad at may katabaan na babae.


"Parating na. Kakagaling lang kasi nya sa school nya. Nagdrop out na si gago."


"Loh talaga?Sayang naman bakit daw?"



"Ewan ko din. Oh si Lara, hoy langlang dito!" nakita naman sila agad ng babaeng tinawag nila kaya naman agad itong tumakbo papunta sa kanila.


"Mga bro."


"Bro mo mukha mo. Eto oh ikaw bumuhat." agad namang inabot ni Abby ang isang sako kay Lara.


"Aguy. Dahan-dahan ate Abby."

"Pagpasensyahan mo na. Nakipagbanatan na naman ng buto 'yan kaya naparusahan e." sabat ni Ecka.

"Tara na, tara dun na natin antayin si Gabbo."

~

Kinahapunan, Sama-sama namang umupo sa lilim ng puno ang apat para magpahinga. Dumating na din ang inaantay nilang si Gabbo kanina para tulungan ang mga tao sa palayan.

"Ano kayang feeling ng mayaman. Isipin nyo nakaupo tayo sa malambot na upuan sa isang magandang bahay yung di tayo nakaupo dito at pagod na pagod." biglang salita ni Ecka.

"Kaya naman natin maranasan 'yon. Pag tumigil na yung mga basag ulo dito para wala na kong papatulan edi di na ko paparusahan at di ko na kayo madadamay." napatango naman si Lara sa sinaad ni Abby.


"Guys, eto sure ako alam nyo na na nagdrop out ako sa school." biglang singit ni Gabbo.


"Oo nga daw nabalita ni Ecka. Matalas dila nito e." natatawang sagot ni Abby.


"Ganto kasi 'yan. Isang tanong, isang sagot."


"One question, one answer." singit ni Ecka kaya naman nabatukan sya ni Abby kasabay ng tawa ni Lara.


"Seryoso nga mga ate. Kayo ba wala na ba kayong plano ituloy pag-aaral nyo? Sayang din ah Senior highschool pa naman kayo." paliwanag ni Gabbo.


"Depende."


"Depende saan, Ecka?"


"Depende pag maganda na mga teacher dito sa Encarnasion."


Bahagya namang napatawa ulit si Lara at Abby.


"Taenamo lagi na lang teacher target mo." pabirong hampas ni Abby sa kanya.


"Aba. Nakakawalang gana kaya mag-aral pag puro matatandang suplada ang teacher. Pagod ka na ngang papasok galing dito sa palayan tas sermon pa nila sasalubong sayo sa eskwelahan." irap ni Ecka kaya naman nagtawanan silang lahat.


"Gabbo, ano bang kinalaman ng pag-aaral namin dyan sa sasabihin mo?" tanong ni Lara.


"Kaya kasi ako nagdrop out sa school kasi luluwas ako ng Manila..Dun ko na ipagpapatuloy yung pag-aaral ko, gusto ko sana kasama ko kayo." paliwanag nya at napapalakpak naman si Ecka.


"Iba ka talaga Gabbo. Iloveyou na!" natulak naman sya ni Gabbo dahil dito.


"Lalo ka na ate Abby, eh diba may pinsan ka naman don sa Manila? Saka di ba kayo napapagod tumulong ng tumulong dito sa palayan. Di nyo naman kailangan gawin 'yang mga yan e, di naman kayo mahirap, di din mayaman. Neutral lang pero may kakayahan. Ayaw nyo bang magfocus sa future nyo?" pagpipilit nito.



"Oo nga Abby. Subukan natin?Maraming chix sa Maynila." gatong ni Ecka ng may ngisi.



"Layo mo nga sakin 'yang muka mo." tinulak naman sya nito saka tumingin sa malayo. "Baka mamiss ko bigla tong probinsya e. Saka baka mahirapan lang tayo don di naman tayo sanay makipagsapalaran don."


"Kaya nga susubukan e." Napailing na sabi ni Lara.


"Langlang, pati ba naman ikaw?" kunot noong tumingin si Abby sa kanya.


"Eh sawa na din ako dito ate eh. Gusto ko ng new environment."



"Oy gago. Big wooordddd!" asar ni Ecka saka nakipag apir kay Gabbo.



"Osya, pag-isipan nyo okay? Next week yung alis ko sana makasama ko kayo." tumayo si Gabbo at pinagpagan ang sarili sabay ngiti sa tatlo.


"Oo sige. Sapat na panahon na 'yang isang linggo para mapilit 'tong si Abby." sagot ni Ecka.



"Gabrielle! Tara na!" sigaw ng malaking lalaki di kalayuan sa kanila.



"Anjan na si Daddy. Babye mga ate bukas ulet." pagpapaalam nito saka tumakbo palayo.



"Nanggigigil ako kay Gabbo ang gwapo hmp!" gigil na yumapos si Ecka kay Lara.


"Pogi din naman tayo." sagot ni Lara at nakipag apir dito.



"Yaaannn. Osya baka hinahanap na din ako ni Daddy." tumayo si Ecka pero hinila sya ni Abby paupo ulit.


"Sinong niloko mo, Ecka? Daddy mo muka mo. Sabay na tayo umuwi."



"Ay wala ba kong Daddy?" tanong ni Ecka.


"Wala. Tatay lang!" sagot ni Lara at napangisi naman si Ecka.


"Sorry nacarried away lang ako kay Gabbo. Tara na baka hinahanap na ko ni mareng Josielyn." nagsimula na silang tatlo tumayo at umalis ng tumatawa.


The name is Abelaine Trinidad, hindi kami magsasaka ha. Gusto lang namin tinutulungan yung matatandang manggagawa dito sa Barangay Encarnation. Ayaw kasi naming magkakaibigan na nakaupo lang lagi sa bahay o siguro ako lang talaga may ayaw kasi si Ecka pinipilit ko lang talaga sumama.


Ecka, hindi naman sya yung tipong gusto pahiga higa lang sa bahay. Takot masyado, kala mo lang napakatapang pero kahit tapakan mo paa nan di magrereklamo o gaganti yan. Masipag yan pero ayaw lang talaga nya pag niyayaya ko sya sa palayan kasi masyado daw mainit.


Madalas kasi ako masangkot sa maliliit na gulo kaya napaparusahan ako minsan na tulungan mga magsasaka dito na matatanda na rin naman para magtrabaho.


Gabbo, sya ang pinaka may kaya saming lahat. Pwede na syang mapabilang sa mga mayaman dito sa lugar namin. Magulang nya kasi ang may ari nitong palayan at marami pang malalawak na lupain dito sa Encarnasion, pero hindi naman sya katulad ng ibang mayayaman na spoiled brat. Bata pa lang magkakasama na kami nan nina Ecka e.


Lara, Ewan ko pano napunta yan dito sa Encarnasion eh taga Gensan yan. Masipag din 'yan mabilis mapasunod sa kahit anong iutos mo.


Kami ang f4 ng Encarnasion. Fogi4 oh dibaaa. Kbye.


Iniisip ko kung papayag ba ko sa gusto nina Gabbo na sama-samang mag-aral sa Maynila.

•       •        •

Belateeeddd Happy Seby dayyy! This is my first Seby fanfiction.

The pictures that'll be used in the story is not mine. Credits for those owner;))

Every places and scenarios is made by the writer's imagination so if there's any  familiarity then that's a total  coincidence.


Enjoyyyy!

'Manila Girls'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon