MISEC-I queens?

1.3K 87 3
                                    

"Ano ba, Abby." kumalas si Ecka sa hawak ko at tiningnan ako.

"Ate Abby, bakit?" tanong ni Lara at napakunot naman ang noo ko.

"Anong bakit?"

"Ate, umiiyak ka." sagot ni Gabb kaya dali-dali ko namang pinunasan ang mga luhang di ko naramdaman.

"Hineadlock ka ba ni Sela?Binugbog ka?" tanong ni Ecka at pinilit ko namang tumawa.

"Gago hindi. Sinisipon lang mata 'ko." sagot ko at agad naman may inabot sabi si Gabb.

"Oh 'te eto vix baka lumala pa 'yan." kinuha ko naman 'yon bago kami nakatanggap ng batok galing kay Ecka.

"Sige pabobohan pa kayong dalawa."

"Bakit nga kasi?" tanong ulit ni Lara. Naglagay muna ako ng vix sa sentido ko bago binalik kay Gabb 'yon at sumagot.

"Umamin ako kay Marsela." sabay sabay at pare-pareho naman ang reaksyon na natanggap ko.

"For the first time in history. Breaking the records of mga babae ni Abelaine. Marsela Mari Guia! Rejected our batas!" biro ni Lara at tinakluban naman ni Gabb ang bibig nya.

"Yung totoo. Basher ka ni Abby no?" saad naman ni Ecka at pabirong sinusuntok si Lang.

"Medyo—

"Hi! Pwede magtanong?" natigil naman ang pag-uusap namin ng may kumalabit sakin sa likod kaya naman lumingon ako.

"Oh. Rans, andito ka." bati ko at mukang nagulat din naman sya.

"Oh thank god Abby! Can you help me?" napatingin naman ako kala Ecka na nakangisi sakin.

"Sure. Ano bang kailangan mo?"

"First time ko kasi dito eh napahiwalay ako sa mga kasama ko."

"Ay kami din first time din namin dito eh. Gusto mo sabay-sabay tayong maligaw?" singit ni Ecka kaya naman natatawa akong sinaway sya.

"Ganon ba?Edi mas mabuti pa lang sumama muna ako sa inyo habang di ko pa nakikita mga kasama ko." nangiting sabi ni Rans.

"Pwede naman po." sagot ni Gabb at nagthumbs up naman si Lara.

"Sino ba mga kasama mo?Parents mo ba or frie—

"Nile!" napairit naman sya at tumingin sa likod ko saka kami may nakitang apat na babae.

"Rans, pagala-gala ka nahiwalay ka tuloy samin." sagot nung babae.

"Sorry na nga. Iniiwan nyo kasi ako. By the way, Abby these are my friends si Nile, Ate Grace and Ash." masayang pagpapakilala nya.

"Uh hello. I'm Abby, eto naman sina Gabb, Ecka at Lara." nakita ko naman ang titig nung Nile kay Lara kaya naman napataas ang kilay ko.

"Hi, nice to meet you guys." sabi nung Grace at isa-isang nakipagkamay samin bago sya tumigil sa tapat ni Gabb. "You're too handsome for a girl."

Nahihiya namang nagpasalamat si Gabb bago nagsalita ulit si Rans.

"So Abby! Baka gusto nyo muna sumama samin tapos hanapin na din natin mga kasama nyo?" offer ni Rans. Napatingin lang naman ako kay Ecka na pataas baba ang kilay.

'May Belle na babaero pa din.'

"O-oh sige!" hindi ko alam kung bakit ako pumayag eh hindi naman kami naliligaw.

Naglakad lakad na kami at pansin ko ang pasimpleng pagdikit dikit nung Nile kay Lara habang nagtatry syang makipag-usap dito. Si Grace din panay ang pacute kay Gabb at si Ecka naman trying hard makipag-usap dun sa Ash na muka namang mabait.

'Manila Girls'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon