New York

1.5K 124 57
                                    

Marsela's POV

So, me and Avi is now a thousand miles away from home now.. Okay.


15 hours din ang naging biyahe namin sa plane from Manila to here so pinagpahinga ko din agad si Avi while Kuya Miguel and Ate Iya directly go to our company to meet Dad and maybe tell him everything.


Hindi ko mapigilang isipin si Mari, totoo bang iniwan ko sya kay Abby? I should've fight for her pero sa bagay I think Kuya Ugi is right. Kapag okay na si Avi babalikan ko si Mari.



"Sela? Here, nag-shopping saka nag-grocery kami ni Iya para sa inyo ni Avi Kane." Kuya Miguel entered our condominium na sila din ang bumili para samin.



Pumasok na din ako since malamig na din sa balcony.


"That's a lot Kuya." I said nung nakita ko yung mahigit eleven bags na isa-isa nyang pinasok.


"Tama lang 'yan, baka nga kulang pa eh who knows kung gaano katagal ba kayong mag-stay ni Avi dito." said Ate Iya.



I sigh then walked to our room kung nasan si Avi. May nakakabit pa din sa kanyang dextrose since almost 20hrs din syang na-coma at wala pa syang maayos na kain since then. Hindi pa sya nagsasalita simula nung nagising sya 4 days ago, he's just staring at me and sometimes he's even shivering na parang takot na takot sya and I blame not just Justin for this kung hindi pati si Abby.



I look at him and started to stroke his hair gently then I started humming.



"Sleepwell baby, dito lang si Mommy until you feel better." I softly smiled then kissed him.



Sa sobrang focus ko sa maputla nyang muka hindi ko manlang namalayang I'm already tearing up.


'We'll be okay, I promise.'




Belle's POV

Marselang 'yon, tinakasan kami. Bukod sa sumasakit na yung ulo ko dahil kanina ko pa sya sinusubukang ma-contact, hilong-hilo na din ako dahil kanina pa paikot-ikot si Rans at Sheki sa harap ko.


"Hoy para kayong munggo." simula ko at sabay naman silang tumigil.



"Ha? Bakit munggo?" di ko ba alam dito kay Rans. Napakagaling na business woman pero napaka-stupida.



"Munggago. Itigil nyo nga kakalakad nyo, masusuka na 'ko kakasunod sa inyong dalawa." I hissed saka binato yung phone ko sa sofa dahil wala din namang silbi at di ko mahagilap si Marsela kahit sa IG.


"Ano ba naman kasing klase ng palabas 'tong sinimulan nina Sela. Cheating tapos ghosting." umiiling na sabi ni Sheki.



"Naks, talino mo na ah." I joked at inirapan nya naman ako.



"Kinabahan ako bigla para samin ni Aly, tingnan nyo nga. Even our strongest ship, sink." said Rans with so much nervousness.



"Feeling ko tama lang yung pagpaparinig ni Gia kanina sa hospital. Siguro nga dapat di na lang ako umuwi." sadgorl muna ako ngayon papansin kasi si Gia pinag-overthink ako eh, feeling ko tuloy ako yung nagdala ng malas sa pagkakaibigang 'to.



"Wag mo ngang isipin 'yan. Oo alam naman namin nina Ella na may balat ka talaga sa pwet pero wag mong sisihin yung sarili mo." hm. Isunod ko na kaya kay Gabb 'tong si Sheki.



"Wow, ang galing mo talaga Chokinah. Nakaka-inspired kang patayin." I smiled sarcastically then rolled my eyes on her.



"Totoo naman kasi Madam Belle. You shouldn't take the blame about sa mga nangyari, wag mong pakinggan si Gia. Lawyer 'yon magaling talaga manggulo ng isip, bakit ikaw ba yung nagsabi kay Gabb that day na may flight sya? Ikaw ba yung chairman of board nya? Ikaw ba yung nanloko kay Sela? Hindi naman eh. Sarili nilang tadhana 'yon." Rans said while seating next to me and tapping on her phone.



'Manila Girls'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon