Confession

1.4K 90 0
                                    

Abby's POV

Panibagong araw na namannn. May one week break na binigay ang MISE dahil yung Foundation Celebration dapat daw talaga One week sinecelebrate kaya binigyan kami ng isang linggo para mag-enjoy. Pupunta daw dito sa bahay yung iba kaya naman maaga kaming gumising ni Coleen.

Pagkatapos naming maghanda ni Coleen naupo kami sa sala. Nasanay na ko na kapag ganito sinasamahan kong manood ng disney movie si Coco kaya habang naghihintay nanonood kami ng frozen.

Nakasuot ako ng blue jeans, white shirt at saka denim Jacket dahil si Coco ang pumili ng suot ko ulit.

Tahimik lang kaming nanonood ng magsalita si Coleen.

"Bisexual ba si Gabb?" hindi ko sya tiningnan at nakafocus lang sa tv bago ko sumagot.

"Hindi ba obvious? Balita ko nga nagkakamabutihan kayo." nakita ko naman ang pamumula nya kaya napangisi ako.

"Well, she's a gentlewoman. I felt safe kapag nasa tabi ko sya, Ate." paliwanag nya at napatango naman ako.

"About dun kala Justin. Matagal na ba kayong ginugulo ng mga 'yon?"

"Mga bago lang din yung mga 'yon. Nagtransfer sila sa MISE last year then ayon nga boys being boys nagustuhan kami ng sobra that even how many times we've rejected them andyan pa din then the rest is history." kibit balikat nya.

"Sana pala mas napaaga kami ng pagluwas no." biro ko at tumawa naman sya.

"Okay na 'yon atleast nanjan na kayo. Kamusta pala kayo ni ate Sela?" napangiti naman ako sa pagbanggit pa lang nya ng pangalan ni Marsela.

Nitong mga nakakaraang araw sobrang okay namin. Napapangiti ko sya at napapalapit din sya sa mga kaibigan ko na sobrang nakakatuwa. Lalo na sila ni Ecka ang lakas nila lagi mag-asaran.


EjMadriaga

Liked by Shekinah,GabbS,Cocoleen and 317 others

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Liked by Shekinah,GabbS,Cocoleen and 317 others

EjMadriaga Eckla daw. HAHAHAHA ang baho. Mas gusto ko pa din Becka at Seby para sayo. Yieee mars;))

View all comments

BeautyandBelle
Headlockkkk na 'yannn!

Ms.Guinevere
Sa wakas nakawala din ako kay Marsela.

Marsela replied to Ms.Guinevere
Kailan ba kita kinulong?

Cocoleen
Seby daw. Kinikilig si Ate Abby tama na Mami Ecka.🤭

Ransoy48
Seby lubog.

Napakunot naman ang noo ko sa nabasa ko. Lagi 'tong nagcocomment sa mga post ko eh, sino ba 'to?

'Manila Girls'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon