Guess who

1.1K 93 13
                                    

Lara's POV

Pucha. Talaga po ba lord? Hawak ko ang enveloped ng case na hahawakan ko ngayon at sa gulat at pag-aalala ko tinawagan ko agad si Ate Abby.

Kaso hindi sya sumasagot. 10am ng umaga na, dapat gising na 'yon gawa nina Avi. Pero di bale na pupunta na lang siguro ako sa kanila mamaya.


Palabas na 'ko ng office ng bigla namang nag-ring ang phone ko sa bulsa, inakala kong si Ate Abby 'yon kaya mabilis kong sinagot.


"Hello?" bati ko.


"Nakita mo na kung anong kaso yung hahawakan mo?" hindi pala si Ate Abby.



"Hindi pa Obriii. Nadelay eh, nasa building ka ba?" mahirap na. Alam kong mabilis syang mag-alala pagdating sakin kaya sa susunod ko na lang siguro sasabihin.



"Hmn. Kasama ko si Rans magla-lunch na kami, kita tayo?" napangiti ako, hanggang phone call kasi ang cute ng boses nya para akong may kausap na bata.



"Sige. Punta ako sa building nyo." tinago ko sa loob ng coat ko yung enveloped bago ako magpaalam kay Brei.



"Chief, san punta?" napatingin ako sa isang officer na nasa likod ng counter saka sya binigyan ng saludo.



"Kakain lang ng tanghalian, Guevarra." sagot ko at tumango naman sya bago kumaway.



Pasakay na 'ko sa big bike ko na nabili ko lang last year ng bigla naman ulit mag-ring ang cellphone ko. Ano bang meron, miss yata ako ng lahat.



"Sino 'to." agad na tanong ko nang makita kong hindi naka register ang number nya sakin.



"Tulong." kumunot ang noo ko sa boses at sa sinabi nya.


"Bakit kita tutulungan, sino ka ba?" narinig ko naman ang mahinang tawa nya sa kabilang linya kaya mas lalo akong naguluhan. Baliw ba 'to?



Siguro kung kani-kanino na naman ni Ecka pinamigay number ko, napaka-hayop talaga.



"Gusto ko sana magpa-konsulta." natawa ako ng mahina bago ko tingnan ang suot ko sa side mirror ng motor ko.



"Pwes, hindi ako doctor. Pulis ako gusto mo pasabugin ko bungo mo?Kung nantitrip ka tigilan mo 'ko babarilin kita pag nakita kita." kaasar. Mukha ba 'kong nakasuot ng white lab gown at nasa hospital?



Literal na nakatayo kaya ako sa tapat ng police station habang nakasuot ng uniporme ko. Siraulo.



"Ang brutal mo naman parang di kaibigan. Barilin mo na lang ako ng pagmamahal, alam ko namang crush mo 'ko." depot— dun pa lang nakilala ko na kung sino yung kausap ko kaya naman napatuwid ako ng tayo.


"Tangina mo gago. Asan ka, sunduin kita."


Bago ako sumakay sa motor minessage ko muna si Brei na hindi ako makakasama sa tanghalian saka ko pinaandar ang sasakyan ko at umalis.



Kasama ko ngayon ang babaeng naka cap at mask habang nakatayo dito sa tapat ng clinic ni Ella.



"Sigurado ka bang effective dito?" tanong nya at natawa naman ako.



"Gusto mo barilin muna kita bago tayo pumasok sa loob, pag napagaling ka nya ibig sabihin effective pero pag namatay ka edi rest in peace." biro ko at binigyan nya naman ako ng tingin na kunwari natatakot sya.



'Manila Girls'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon