Gwynn?

1.4K 69 0
                                    

Ecka's POV

"Tara na hoy."

"Teka 'te."

"Lang, yung mga gamit lagay mo na sa Van. Gabbo, bat hindi ka pa nakilos?" umupo ako sa kama kung san nakahiga si Gago este Gabbo.

"Sasama ba si Ella at Ate Gia?" mahinang tanong nya kaya naman napaisip ako.

"Malamang, wag mo muna isipin 'yan. Uuwi tayo dapat masaya ka! Nakakamiss din naman pala talaga ang Encarnasion." masayang sabi ko pero hindi manlang sya gumalaw sa pwesto nya.

"Masama pakiramdam ko 'te pwede pakisabi kay Da—

"Ayoko. Masama pakiramdam mo?Eto ipagmamagic kita ng paracetamol." biro ko at lumapit naman samin si Lara.

"Hindi paracetamol kailangan nyan. Yakapsule ng mga Fogi katapat nyan." kahit nakabihis na dali-dali naman naming nilundagan si Gabb at niyakap.

"Wag ka masyado mag-isip. Yung sa inyo ni Abby, nagiging protective lang 'yon sa pinsan nya di ka itatakwil non." saad ko ay hinila naman sya ni Lara patayo.

"Dili ka na gwapa Gabbo. Pano na tayo manchichix nyan, magready ka na naghihintay mga babae mo sa Encarnasion!" natatawa naman akong nakipag-apir kay Lara dahil sa sinabi nya.

"Aabangan ko mga babae ni Abby." medyo demonyo pero kasi si Abby maraming manliligaw don eh.

Mapa-babae man o lalaki.

"Same 'te. Antayin ko world war 3 nila ni Ate Sela." sagot ni Lara at nakipag apir naman ako.

"Tara na. Naghihintay ang prinsesa kong si Belle."

"Saktong-sakto 'te muka kang halim—

"Ano 'yon LaraMae?" dali dali ko namang inabot yung arnis sa gilid ng kama at napatayo naman sya.

"Sabi ko tara na. Naghihintay din si madam Breiby ko haha." mabilis naman syang lumayo kaya naman tiningnan ko ulit si Gabb.

"Gabb. Basta tandaan mo, kahit gaano pang kalaki ang kasalanang magawa mo o kahit sino satin nina Abby, walang pogi ang nagtatakwil ng kapwa fogi. Kaya tumayo ka na dyan! Susunduin pa natin sina Sheki. Madami pa tayong dadaanan." tumingin naman sya sakin at ngumiti saka tumayo.

"Tara na nga. Gusto nyo na bang magwalwal-

"Hoy!Sabi ko maghanda ka na, ikaw isa ka pa babardagulin na kita!" hinabol ko naman sya at mabilis naman syang pumasok ng CR.


Mga babaerong 'to.

Marsela's POV

Me and the girls are waiting for Ecka and her friends. Kanina pa nag-iinarte 'tong si Belle.

"Mars, pano kung umalis na pala sila di naman pala nila tayo talaga isasama tapos di na sila babalik?" she keep on repeating the same words kanina pa.

Pati si Ella nakatakip na ng tenga si Bonita naman lumalayo na at nakafocus sa phone nya.


"Isang ulit mo pa nyan Belle mauuna ka sa probinsya kasi sisipain na kita." I rolled my eyes and she pout then stamped her feet.


"You can't be too attached to Ecka, Belle. Look at you, wala pang 24 hours na di kayo nagkikita napapraning ka na." said Ella and I nodded.

"Sige pagtulungan nyo 'kong dalawa." she hissed and I scoffed.

"Ella is right tho." I mumbled then a car stops in front of us.

Sheki hurriedly run to us and hide herself behind us saying,

'Manila Girls'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon