Magic

1.5K 93 1
                                    

Natapos ang tatlong oras na discussion at tumunog na ang bell na nagsasabing lunchbreak na. Di ako makagalaw sa pwesto ko kasi pakiramdam ko konting galaw lang maiistorbo ko si Marsela na ngayon ay nagsusulat pa ng ilang lesson sa notebook nya.

"I know this words is already kupas na but staring is rude." mahinang sabi nya at napaiwas naman ako.

"Abby, una na kami ni Belle sa cafeteria para imeet sina Gabbo sunod ka ah?" nakangiting sabi ni Ecka at napakunot naman ang noo ko at pinanood silang lumabas ng room.

"Tatlong oras pa lang magkasama, close na." mahinang sabi ko na narinig pala ni Marsela.

"Friendly si Belle, and she seems to like your friend din. When i said 'like' i mean she has a thing for your friend." sabi nya ng may mahinang tawa na di naman umaabot sa mata nya.

"Maharot lang din talaga si Ecka kaya siguro ganon." sagot ko sa mahinang boses at natawa naman sya.

"Flirting is not a big deal." tiningnan ko sya. Tapos na syang magsulat at inaayos nya na yung bag nya.

"So okay lang kung makipagflirt ako sayo?" hindi ko alam kung san nanggaling 'yon pero dali-dali kong tinakluban yung bibig ko.

Napatigil sya pero wala sakin ang atensyon nya kundi nasa pinto ng room. Titingnan ko sana kung san sya nakatingin pero bigla nyang hinawakan ang pisngi ko at pilit na iniharap ang muka ko sa kanya.

"Sumabay ka na sakin Abelaine." napakunot naman ang noo ko.

Narinig ba nya yung sinabi ko kanina?Oh baka naman tibo din talaga. Hindi eh, ang ganda nya masyado saka ang lambot nya kumilos kaya impossible.

"Abelaine." tawag nya at napatingin naman ulit ako sa kanya. Nakatayo na sya sakbit ang bag nya pero nakaupo pa din ako.

"Marsela—

"I'm giving you the permission to flirt with me." bulong nya sakin.

Sobrang lapit ng muka nya sa muka ko konting galaw lang magdidikit ang pisngi naming dalawa. Pinilit ko namang matauhan at ngumiti.

"Tara." tumayo ako at kinuha yung bag ko nung palabas na kami ng room saka ko lang napansin ang apat na lalaking naghihintay sa tapat ng pinto.

"Babe—

"I don't have a time for your shit, Justin." mabilis na sabi ni Sela at nilagpasan yung mga lalaki pero yung Justin biglang hinawakan yung kaliwang kamay nya at hihilahin sana sya pero napahawak ako sa kanang kamay nya.

"Who are you?" loh gague anong gagawin ko? Nakatayo lang ako nakatingin sa kanila na parang handa akong sugudin kahit anong oras.

"She's a chic. Should i gave up to Belle and get this one instead?" sabi nung isa habang may nakakalokong ngiti.

"You're unfamiliar. Bago ka?" dahan dahan namang lumapit sakin yung isa. Sinubukan syang pigilan ni Marsela at hinawakan ang braso nito.

"Not her. Wag na kayong mandamay ng iba." hinigpitan ko ang kapit kay Marsela pero dahan-dahan syang bumibitaw.

"Okay babe. You new girl, go at iwan mo na samin si Sela." sabi nung Justin habang hinahaplos ang muka ni Sela.

Nagdadalawang isip akong tumingin kay Sela pero tiningnan nya lang ako ng walang emosyon kaya tuluyan na kong napabitaw sa kanya. Napaatras ako saka tumalikod at naglakad palayo.

Alam ko naman kung saan yung cafeteria kasi nung nag enroll kami nilibot naming apat 'tong school. Pagpasok ko ang daming estudyante, nakita ko naman si Ecka na kumakaway kasama nya yung mga kaibigan ni Marsela.

'Manila Girls'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon