He's back!

1.5K 90 4
                                    

Abby's POV

Lumipas pa yung mga araw at adik na sakin si Sela. Mwehe. Kissing me became her hobby, oohhh panisss talaga. Naglalakad kami ni Ecka papasok sa gate ng MISE ng may tumawag saming dalawa. Sabay naman kaming napalingon at natuwa sa nakita namin.

"Ecka!Abby!"

"Steeellll!" agad-agad kaming tumakbo para lapitan sya. Nakakatuwa lang isipin na naging kaibigan talaga namin sya ni Ecka sa kabila ng mga nangyari.

"How are you guys?!" tanong nya habang may malawak na ngiti.

"Oks na oks na pre. Ikaw?Kamusta? Isa't kalahating buwan ka din nagpagaling para sa sugat mo ah, okay na ba 'yan?" pinigilan ko naman si Ecka na dutdutin yung sugat ni Stell na ngayon ay hilom na.

"Kumalma ka, ano ba." tumawa naman si Stell bago kami tingnan.

"Okay na din ako. I got a few stitches at successful naman ang naging recovery ko." nagsimula kaming maglakad ng magkakasama papasok ng school habang nagkukwentuhan.

"Ayos 'yan. Namiss ko mga libre mo eh." siniko ko naman si Ecka. Nabubuhay na lang talaga 'to sa libre.

"Gago kumalma ka nga. Alam mong galing sa pahinga 'to magpapalibre ka agad." umiling naman si Stell bago tumingin kay Ecka.

"Its fine. Namiss din kitang ilibre, free ba kayo after class?Calm street café?" tanong nya at nakatinginan naman kami ni Ecka.

"Ay hindi pre. Ayoko na magkape ninenerbyos na 'ko masyado, saka di ko na bet yung CSC feeling ko ang daming bangungot don." natawa naman kami sa sinabi ni Ecka.

"Well you're quite right. Edi suggest ka na lang, anywhere treat ko." kitang-kita naman na lumiwanag yung muka ni Ecka sa sinabi ni Stell.

"Talaga?Nako—

"Hindi na Stell. Sa susunod na lang, madami ka pa ding kailangan habulin ang tagal mong nawala." putol ko sa sasabihin ni Ecka kaya naman napairap sya.

"Abby minsan lang eh. Di mo ba gets?Kakabalik lang ni Stell dapat may pa-welcome back party tayo." sus gusto lang makalibre.

"Umayos ka nga Ecka. Yaman-yaman ni Belle bat di ka don magpalibre?"

"Hoy. Baka isipin ni Belle gold digger ako ang pangit ng ugali nito." depensa nya at tinawanan ko naman sya.

"Speaking of. Kamusta na sila?Sina Sela?" nakangiti naman akong tiningnan si Stell bago kami pumasok ng room. May ilang estudyante ang nagulat at nagbulungan ng makita nila si Stell.

"B'at andito pa 'yan?Dapat sinama na 'yan kay Justin sa mental hospital."

"Di na 'ko tatabi dyan, oy tabi tayo mamaya ah lilipat ako ng upuan."

"Why is he here?Di ba kasabwat sya?"

"Lakas naman ng loob. Proud to be manyakis slash kidnapper ba 'yan?" nag-init naman ang dugo ko sa mga narinig ko, hindi lang ako pati si Ecka.

"Hoy anong manyakis?Tingnan mo nga muka mo mas muka ka pa ngang manyakis, muka ka pang adik!" bwelta ni Ecka dun sa lalaking nakaupo sa desk nya.

"Baket?Totoo naman diba?Di ba kasama nga sya na kumidnapped dito kala Ms President?" nakangising sagot nung lalaki at akmang lalapitan ko naman na sya ng hawak ni Stell ang balikat ko.

"Let me clean my name." mahinang sabi nya kaya pinanood lang namin sya ni Ecka.

Nilapitan nya yung lalaki saka nya tinitigan.

'Manila Girls'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon