Quality Time

1.1K 98 15
                                    


Abby's POV

Dahil bukas na 'ko aalis nag-decide kaming lumabas ni Sela kasama yung mga bata ngayon.


Tahimik ko lang na pinapanood si Avi at Yve na naglalaro dito sa sala habang hinihintay namin yung Mommy nila nang bigla kong marinig kumanta si Yve ng bahay kubo.


"At saka mewon pang, lovanos, mustasya, sibuyas, tomato—


Jusko, nahahawa yata si Yve sa ka-conyohan ng Tita Coleen nya. Sila kasi lagi yung magkalaro kapag andito si Coleen dahil nga ayaw ni Avi kay Coco. Medyo naiinis kasi sya kapag nagbe-baby talk si Coleen, parang si Sela lang noon.


Pinapakinggan ko lang yung kanta nya bago ko sya sinabayan.


"Sibuyas, kamatis, bawang at toyo—


"Nooo Mama! You're wrong!" saway sakin ni Avi habang hawak ang Dino toy nya.



"Hindi ako mali Avi, iniisa-isa ko kasi yung ingredients ng adobo."


"May tomato sa adoboo, Mama?" tanong ni Yve. Binuka ko naman ang bibig ko pero walang lumabas, bakit?May kamatis nga ba sa adobo?


"Meron, magpapaluto ako kay Ate Nice ng adobo na may kamatis mamaya para maniwala kayo." lumapit ako sa kanila bago ko sila pinisil sa ilong. Pareho kong tiningnan ang mga suot nila saka ako napangiti ng malaki.


Nakasuot kasi si Yve ng damit na pang flight attendant habang nakasuot naman si Avi ng pang-pilotong uniform. Wala lang, gusto lang namin ni Sela na kakaiba sila sa ibang bata sa labas.


"Take pityur Mama?" tumayo si Yve saka pumwesto sa pader dito sa sala kaya naman natawa ako.


"Okay baby. Picture." kinuha ko yung phone ko sa sofa then lumuhod ako saka ko tinapat sa kanya yung camera. Pero hindi ko pa sya nakukuhanan nung biglang sumigaw si Avi.


"Mommy!" syempre lumingon muna ako pero mukhang ikakamatay ko yung paglingon ko nung nakita ko sya.


Literal na napatitig ako kay Marsela na kakababa lang ng hagdan nung nakita ko yung suot nya. Natulala ako habang nakatapat sa kanya yung phone ko di ko namalayang napicturan ko sya.


"Okay lang ba yung suot ko, Abby?" tanong nya pero shit lord anue baaa.


Itlog lang yung hinihingi ko bakit nyo ko binigyan ng sexy na tamago. Literal na tumigil ng 5 seconds yung tibok ng dibdib ko at nabalik lang ako sa ulirat ng itulak ako ni Yve kaya nabitawan ko yung phone ko.


"You're drooling Mama." tumatawang sabi ni Avi kaya naman napahawak ako sa bibig ko. Medyo paepal din 'tong anak ko na 'to, wala naman eh.


"B-Bakit naman ganyan yung suot mo?" dahan-dahan akong tumayo at iniwas yung tingin ko sa kanya para pagpagan yung sarili ko.


"Why?Pangit ba?I knew it, feeling ko talaga tumataba na 'ko. I'll changed." she sigh at akmang pataas na ulit ng hagdan ng pigilan sya ni Avi.


"Mommy no! You look pwetty and bootyful. Look oh Mama is drooling nga po eh." nanlaki pa ang mata ko habang patawa-tawa at pinasalin-salin ang tingin ko sa kanilang mag-ina.



Tapos napatingin ako kay Sela na parang nagtatanong telepathy na, 'Totoo ba?Okay lang ba?' papatayin mo ba 'ko Marsela ha.


"Avi is right. You look...perfect. Although masyadong revealing yung suot mo—


Napalunok naman ako nung ngumisi sya saka dahan-dahang naglakas palapit sakin.


"Is that so?Revealing? Don't worry, sayo lang ako kakalampag." halos maputulan ako ng dila at hininga ng ibulong nya sakin yung huling sentence.


'Manila Girls'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon