~OH~

721 50 25
                                    

Abelaine's POV

"Engaged na si Mommy?"

Mabilis kaming napatayo ni Gia, as in mabilis talaga muntik ng matapon yung kape.

"Mari." me and Gia said in unison.

"K-Kanino?" nanginginig ang boses na tanong nya.

Napatingin na lang ako sa lapag, kaya si Gia na ang lakas-loob na lumapit sa kanya.

"Mari, you listen to Tita Ninang. You heard it wrong—

"Alin po dun yung mali? I heard everything. Siguro nga masyado pa kong bata dati para maintindihan lahat ng nangyari, yung pagiging distant ni Mommy kay Mama, yung pag-alis nila,   is this the reason kung bakit nila kami iniwan? Iniwan ba kami ni Mommy to marry another man?—

"No, no Mari that's not true. Mali ka ng pagkakaintindi." this time pinahid ko ang mga luha ko para lapitan si Mari.

Ayokong ma-misunderstand nya na si Sela ang mali samin.

"Mari, Mari tingnan mo si Mama." hinawakan ko ang magpabilang pisngi nya saka ko sya tiningnan ng malalim sa mata. "Kung ano mang iniisip mo tungkol sa Mommy mo, hindi totoo yon, hindi ganon yon."

"Pero narinig ko si Tita Gia, engaged na si Mommy. Kanino engaged si Mommy?! Ano bang nangyari sa inyo? Bakit parang galit sayo si Kuya?! Bakit sila nawala ng matagal?!May iba na ba si Mommy? Pinagpalit na ba nya tayo sa bago nya—

"Yvaine No!" ayos, ayos 'to mukang malalaman na ni Mari ang totoo pagkatapos ng maraming taon na pagtatago namin ni Gia.

"Avi, ako nang bahala sa kapatid mo." awat ko ng makita ko ang namumulang muka nya habang nakatingin sya sa kapatid nya.

"No! I don't want her to think that Mom is the one na may kasalanan sa lahat ng nangyari dito, hindi ako papayag!" sabi nya sa mataas na boses.

Kunot-noo namang humarap si Mari sa kanya habang mangiyak-ngiyak na.

"Bakit Kuya? Ano ba yung totoo na ilang taon ko ng hindi nalalaman?"

"Mari wait, please—

"KANINO ENGAGED SI MOMMY?!" sa sobrang lakas ng sigaw ni Mari, halos sabay kaming napa-flinch ni Gia.

"Kids, stop raising your voice we don't do that here." awat ni Gia saka nilapitan si Mari para hilahin palayo kay Avi.

"Avi, i'm sorry. Bumalik ka na sa kwarto nyo ni Mommy, please?" pagmamakaawa ko.

"You didn't told her Mama, didn't you? Now look, she's just about to suffer to that thing that WE have been suffering for years now." ito na naman, mga maaanghang na salita galing sa sarili kong anak.

"Avi 'nak—

"You're selfish Ma. Now my sister was about to suffer for the truth." mariing sabi nya.

"Avi, please." pagmamakaawa ko. Di ako makapaniwalang nagmamakaawa ako, sa anak ko.

"Yvaine, Mom didn't leave you just to find another guy to marry. She, I mean WE left kasi masyadong selfish si Mama!—

"Avi Kane Trinidad!" jusko, jusko kunin nyo na koooo!

"Mommy, you won't believe this. Yvaine doesn't have any idea that you and Mama Abby and this so called perfect family is about to be bro—

"Ako ang nagsabi sa Mama mo na wag ipaalam sa kapatid mo. So you should watch your mouth Avi, that's not how I taught you to speak with your Mom!"

Ano bang gagawin ko, lagi na lang ba kong tatayo at papanooring mag-away ang mag-iina ko. Isip, isip!

"Kailan nyo po ipapaalam sakin? K-Kapag kasal na kayo ng bago mong magiging asawa?" umiiyak na tanong ni Mari.

Nakita ko naman ang pagka-guilty sa muka ni Marsela kaya panahon naman na siguro para panindigan ko yung mga kasalanan ko sa harap mismo ng mga anak ko.

"Mari." tawag ko. Saka ako dahan-dahang lumakad palapit sa kanya at nginitian sya ng mapait.

"Wala silang kasalanan." mahinang sabi ko. "Kung may dahilan man kung bakit umalis sila.. Anak kasalanan ko 'yon. Si Mama yung may mali, kasi nasaktan ko si Mommy at Kuya." sapilitan kong pinigilan ang humikbi pero hindi ko nagawa ng muli na namang bumuhos yung mga luha ko. Ito yung iyak na katulad na katulad nung araw na sobra kong nasaktan si Sela.

At ngayon pati na rin yung mga anak ko, sasaktan ko.

"Abby enough, Mars just go get Avi and calm him down tapos ako ng bahala kay Yvain-

"Gia please... Ibigay mo na sakin 'to. Ayoko ng maglihim sa anak ko. Ayoko ng mas masaktan sila, please" umiiyak na bilin ko.

"So a-ano pong dahilan?" ipit ang boses na tanong ni Mari.

Ibinaba ko ang tingin ko sa sahig habang pinipilit na patigilin saglit ang pagtulo ng mga luha ko para maipaliwanag ko sa kanya ng maayos ang lahat at buti na lang may kaunting tapang pang natitira sa katawan ko kaya nagawa kong patahanin saglit ang sarili ko.

"Mari, kapag sinabi ko sayo..." kinagat ko ang labi ko saka ko sya tiningnan, "tatanggapin ko kung magagalit ka sakin. Kung gusto mong sumama kay Mommy na tumira sa ibang bansa, okay lang. Kasi sa totoo lang 'nak, i'm not really the mother that you should be proud to have."

Tinanggal ko ang dalawang kamay kong nasa balikat nya at bahagyang lumayo dahil natatakot ako na baka kapag nalaman nya na yung totoo, pandirian nya ko. Baka isumpa nya pa 'ko sa ginawa ko, alam kong magagalit sya kapag nalaman nyang ako ang sumira sa pamilya nya.

"Natatandaan mo ba nung seafarer pa si Mama? 3 years old lang kayo ng Kuya mo non eh." nahihirapang umpisa ko.

"Mama-" gusto nyang hawakan yung kamay ko pero iniwas ko hindi dahil sa ayaw ko, kundi dahil hiyang-hiya akong maging ina nya.

"Yve, niloko ko si Mommy Sela. I slept with other woman nung nasa barko pa 'ko, I c-cheated to your Mom. Hindi ka nya iniwan, gustong-gusto ka nya isama pero ako yung ayaw mong maiwan mag-isa kaya walang choice yung Mommy mo kahit anong pilit nya sayo. Ako lang naman yung dapat maiiwan, hindi tayo, hindi ikaw, ako lang." malakas na ngalngal ko sabay napaluhod sa harap nya.

"Sorry kasi nadamay ka sa parusa ni Mama, sorry kasi akala mo iniwan ka din nila, sorry kasi tinago ko 'to ng maraming taon." ito na nga siguro 'yon, hindi na nga siguro mabubuo ulit yung pamilya namin.

"S-Sela, i'm sorry. Alam kong sobrang nasaktan kita at nasaktan ko din si Avi, pero I hope na alam mo that those years has been the worst happenings and days in my life! I know how I've been so careless and shit that I ruin our own family! Yve anak, living with you was the only remedy that keeps me alive... Thank you kasi nagstay ka kay Mama, kung hindi dahil sayo baka matagal ko na ding kasama si Gabb." parang ubos na lahat ng tubig sa katawan ko pero hindi pa sapat yung mga luha para sa kasalanan ko.

Naramdaman ko ang paglapit at paghaplos ni Gia sa likod ko, hindi ko din matukoy pero ang dami kong naririnig na boses mula sa sala siguro sina Ecka 'yon. Nakakahiya mang makita nila akong lahat na ganito, hindi na ko aangal dahil ang totoo naman ay pinagsisisihan ko talaga ang lahat.

"S-Sorry Avi, alam kong galit na galit ka sakin dahil sinaktan ko si Mommy mo. Sorry, i'm really sorry Sela...Yve." inipon ko pa ang natitira kong lakas bago ako tumayo at tumakbo palabas ng bahay.

Sumakay ako sa sasakyan ko saka ako sumigaw ng malakas habang mahigpit na nakakapit sa manibela. Hinanap ko ang susi ko at nakitang hindi ko pala 'yon natanggal sa ignition, kaya dali-dali kong pinunasan ang luha ko saka sinimulang paandarin yung kotse. Paalis na sana ako ng may biglang kumatok sa bintana ko.

"Open up Abby."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

'Manila Girls'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon