Agoi

1K 84 42
                                    

Abelaine's POV

"Pasok na agad Yve bilis!" pagmamadali ko sa anak ko kasi baka mamaya abutan pa kami nina Sela.

Tinulungan pa ko ni Yve na ibaba yung mga gamit namin bago kami nag unahang tumakbo papasok ng gate pero laking gulat namin ng bumukas ang malaking front door ng bahay.

"Saang bansa kayo galing?" agoi.

"M-Mommy?" rinig ko ang mahina at nanginginig na boses ni Yve habang ako nakatingin sa mga maletang bitbit ko dahil hindi ko magawang iangat ang tingin ko sa kanya o sa kanila.

'Naunahan pa nga.' umiiling na lang ako sa isip ko bago ko kagatin ang labi ko at naglakas loob na magsalita.

"Nauna na pala kayo hehe" medyo awkward na sabi ko pero saglit lang akong tiningnan ni Sela. Nakita ko ang kumikinang na luha sa mga mata nya bago nya ituon ang pansin nya kay Yve at ngumiti.

"Hi Mari..." saad nya sa pinakamalambot at malambing nyang boses.

Mabilis na tumakbo si Yve sa kanya at yumapos habang ako naman nakatitig sa napakagwapong lalaki na nakasilip sa likod ni Sela. Matangkad, maputi at kitang-kita ko ang muka ko sa kanya.

"Avi?" nabitawan ko ang mga maletang hawak ko ng dahan-dahan syang lumabas at lumapit sakin.

"Mama." parang rumupok yata ang mga buto ko sa tuhod at muntik na kong mapaluhod ng tawagin nya ko kaya bago ba mangyari yon mabilis kong nilagay ang dalawang braso ko sa mataas na balikat nya at niyapos sya.

Alam kong alam ni Avi ang mga nangyari samin ng Mommy nya pero masaya akong marinig ang binatang boses nya na tinatawag pa din akong Mama. Parang bumalik na naman yung mga panahon na kinukwestyon ko yung sarili ko kung bakit ko ba nagawa yung kasalanang yon

Bakit ko sinira ang maganda at masayang pamilyang meron ako at si Marsela.. Bakit.

"A-Avi, ang... ang laki-laki mo na." nakangiti pero nagluluhang sabi ko bago ako kumalas sa pagkakayakap naming dalawa.

Ngiti lang ang sinukli nya sakin, maliit at mailap na ngiti.

"Kuya!" sigaw ni Yve na sya namang mabilis na nilingon ni Avi.

Dun sya ngumiti ng sobrang laki sabay takbo kay Yvaine. At dahil nalakihan nya na si Yve ngayon, walang kahirap-hirap na binuhat nya pa ang kapatid nya.

Mabilis akong tumalikod sa senaryong nasa harapan ko sabay mahigpit na napahawak sa mga maleta namin ni Yve habang pigil-pigil ko ang humagulgol ng malakas. I can only cry in silence kadi as I remember, itong pamilyang 'to malapit ng masira ng tuluyan dahil ayos na ayos na ang annulment papers namin ni Marsela.

"Bakit kayo naghihiwa ng sibuyas sa  katanghaliang tapat? Mga diablo talaga kayo." ngayon ko lang napansin ang mga taong nasa loob ng bahay.

At oo, kay Brei ang boses na yon.

"Grouppp huggggg para sa La Familia Trinidadddd!" sigaw ni Sheki kaya isa-isa na silang naglabasan mula sa likod ni Sela.

"Ha? Eh diba maghi—jdhskshsjsh" buti na lang at palihim na kinurot ni Rans si Lara para mapigilan ang anumang kawalanghiyan na muntik ng lumabas sa bibig nya.

"Hiiii mga btchessss—holy st. Peter! Ayan na ba si Avi at ang ina nyang itlog?Ayyyy ang gwapoooo naman ng inaanak koooo!" sumisigaw na pasok ni Belle at ng kaibigan kong matagal ko na ding di nakita.

Nagkatitigan kami bago ko sya ngitian at ganon din ang ginawa nya sakin saka sya lumapit at hinila ako para sa isang yakap. Bago pa kami ni Sela makapag-usap tungkol sa pag-uwi nila ni Avi, nauna na kaming mag-usap ni Ecka tungkol sa mga nangyari samin nung mga nakaraang taon.

'Manila Girls'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon