It's you

1.1K 120 55
                                    

Abby's POV

Dati sinasabi ko pag umaarte ng ganon si Sela, 'Praning ka talaga.' pero ngayon hindi ko na magawa, hindi ko naman sya masisisi dahil sa katangahang ginawa ko.


"Abe!" mabilis na nagpanting ang tenga ko sa boses na narinig ko kaya mabilis akong lumingon.


"Sheldon!" napansin ko ang paglaki ng ngiti nya ng makita nya yung mga kasama ko.

"Woah, may kasama kang prisesa't, prinsipe ah. Nasan ang reyna—


"Wag mo na hanapin, baka mabalibag tayong dalawa." biro ko kahit na ang totoo n'yan muntik na naman akong lumuhod kanina kay Marsela habang pinapanood yung mga mata nya na nagluluha.


"So anong meron? Wala naman tayong biyahe ngayon." tanong ni Sheldon habang nakikipaglaro kala Avi.


"Andyan ba si Cherprang?" marahan kong binaling ang atensyon ko sa paligid habang hinahanap ang babaeng naging mitya ng pagkakasira ng pamilya ko pero mabilis ko ding napansin ang dahan-dahang pang tingala sakin ni Sheldon habang nakangisi.


"Miss mo agad si Cap? Ngayon lang 'yan Abby—


"Seryosong bagay yung pinunta ko dito Sheldon. Dalhin mo 'ko sa kanya." seryosong tinitigan ko sya kaya napahinga sya ng malalim bago tumayo sa pagkakaluhod.

Pinagpagan nya yung sarili nya bago sya tumango bilang sign na sundan ko sya.

"Tara."

Hinayaan ko muna si Sheldon na humawak sa kambal habang binabaybay ko yung daan papunta sa isang cargo ship or freighter kung tawagin na mukhang bibiyahe ngayon dahil may mga Cadet akong nakikita na nagkakarga ng mga goods saka materials.

Pagdating ko sa deck nakita ko agad si Cherprang na tinitingnan at nililista yung mga cargo na laman nitong ship kaya kaagad ko na din syang nilapitan.


"Cherprang." dahan-dahan syang lumingon habang bitbit yung isang notebook bago sya tuluyang humarap sakin saka ngumiti.


"Abby, my lovely Chief. Miss me?" malanding tanong nya saka dahan-dahang lumapit sakin.


Saglit na pinisil ko yung ilong ko bago ako humakbang palapit din sa kanya habang nakalagay yung isang kamay ko sa bulsa ng jeans ko.



"Wala akong panahon makipag harutan sayo." seryosong sagot ko bago ko sya titigan.


"Sweetie, hindi ka naman dito pupunta ng walang dahilan—


"Pumunta ako dito para sabihin na magre-resign na 'ko bilang seaman." pagputol ko sa kanya saglit syang napaseryoso pero tumawa din agad sya ng mahina.


"Oh baby. Where's your papers? Hindi ako basta-basta pumapayag ng walang papel lalo na Chief ka pa naman." kibit-balikat nya bago sya tumalikod at ituloy yung pag susulat sa notebook na hawak nya.


Tahimik ko syang pinagmasdan ng bigla syang sumigaw dahil kamuntikan nang mabagsak nung isang Cadet yung cargo.


"Don't be so careless stupid!" sa narinig ko kusa na lang kumunot ang noo ko.


Kahit kailan hindi ko narinig na magsalita ng ganon si Cherprang, napaka mahinhin at sweet nyang magsalita sa tuwing kasama namin sya ni Stell. Akmang kakausapin ko na sya ulit ng bigla naman syang lumayo dahil may nakita sya.


"How's everything?" yung boses na 'yon.


Masyadong pamilyar para hindi ko makilala.

'Manila Girls'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon