Old Friend

1.1K 106 30
                                    

Abby's POV

AbbyTrinidad

Liked by GuinevereMuse, Dc

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Liked by GuinevereMuse, Dc.Margarita and 8,729 others

AbbyTrinidad Ang bilis lumipas ng panahon, happiest 4th Birthday sa nagsisilbing langit at bituin namin. Sana kaya kong ulit-ulitin yung panahon MarselaTrinidad

View all comments

BelleDLR Nahiya ka pa, isama nyo na din yung milky way. Bumuo na kayo ng dose-dosena!

JemC Happy Birthday sa kambaalll!

SSILara Ano na? Hindi na ba sila masusundan? Triplets naman!


Bweiby Bigyan kita ng triplets na suntok Lara? Sa susunod nyo na sundan pag teens na sila ikalma nyo!!

Shekinah Ehem, Alice when?Ehem!

RansRifol Alice wag mo na anakan si Sheki baka mamana nung bata yung height nyong dalawa, tiyanak pa maging kalabasan ng anak nyo.


GuinevereMuse Gusto mong ulitin yung panahon? Panahon, panahon, panahon. Pwede naman ah?

AbbyTrinidad replied to Guinevere
Sana nga halaman ka na lang, sarap mong ibaon sa lupa eh.



"Mama!Let's go!" sigaw ni Avi habang bitbit ang sariling back pack nya.


"Si Tita Coleen?" tanong ko at saka tumayo na dito sa sala para lapitan sya.


"Kausap sa phone si Tita Alice." sagot nya at tumango naman ako bago kunin ang bag nya.


"Akin na, lalagay natin sa sasakyan." kinuha ko din ang kamay nya at inakay sya papunta sa sasakyan na nasa tapat na ng bahay.


Inupo ko sya sa backseat at kinabitan ng seatbelt then sakto namang lumabas na din sina Sela at Yve bitbit ang gamit nila.


"Mawiii! Here!" tawag ni Avi sa kapatid nya na tumakbo naman palapit samin.


Nakangiting binuhat ko sya saka sya inupo sa tabi ni Avi at kinabitan din ng seatbelt saka ako tumingin kay Sela.


"Nauna na bumiyahe sina Alice isang van lang yung bitbit nila kasi nakamotor naman sina Lara at Gia, angkas yung mga girlfriend nil-


Halos matumba ako ng ihagis nya sakin yung mga bags na malakas namang tumama sa dibdib ko bago nya ko lagpasan at sumakay sa passenger seat kasama yung mga kambal.



"Mommy? Diba dun ka dapat sa tabi ni Mama?" rinig kong tanong ni Yve pero mahigpit na kinapitan ko lang yung mga bags dahil parang nasikmuraan yata ako sa lakas ng pagbato ni Sela bago ako lumakad sa likod ng sasakyan at ikarga yung mga gamit don.


'Manila Girls'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon