Dining in the Sky

975 103 19
                                    

Marsela's POV

"Dalian nyooo kiddos! Iwan na natin Mommy nyo bagal kumilos!" I heard Gia said on the second floor habang ako nagkakanda-ugaga na sa pag-aayos since napagkasunduan nila kagabi na gumala ngayon bago yung flight ni Gabb mamaya.


"GIA INTAAYYY!" I yelled then I heard their giggles.


Buti na lang talaga responsableng kaibigan si Gia, sobrang laki ng tulong nya sa pagbabantay kala Avi habang wala pa si Abby.


"San lakad nyo?" I almost jump while putting my lipstick on nang biglang sumulpot si Ate Aya sa door way ng kwarto namin ni Abby.


"Nag-aya si Belle ng gala bago yung flight ni Gabb mamayang hapon, hindi ko pa alam kung saan. Magsasama na lang ako ng apat na bodyguards tapos iwan ko dito yung dalawa." I smiled but she's just eyeing me.


"Oh tama na 'yang kakalipstick mo. Wag ka ng magpaganda masyado, wala naman si Abby." I scoffed and chuckles bago ko sya tingnan.


"Ikaw na bahala dito 'te ah. Ingat ka sa business. Wuv uuu!" malambing na niyakap ko sya bago ko kunin yung sling bag ko sa couch sa tabi ng kama at lumabas ng kwarto kasunod sya.


"Kayo ang mag-ingat. Wag mong aalisin ang tingin mo kala Avi at Yve, tumawag ka agad pag nagkaproblema. Marunong akong lumipad." she wink so I laughed.


"I know, I know. Moon Arrow." I rolled my eyes remembering how she looks like a bat while secretly hanging on the ceiling before nung na-encounter nila sina Justin.


"Lakad na, ang ingay ni Gia sa baba." she shook her head at maigi ko naman syang tinawanan bago ako tumakbo pababa ng hagdan.


There I saw Gia with Avi and Mari na tag-isang may bitbit na back pack. Pinabaunan ko kasi sila ng snacks pati na din gatas. Hanggang ngayon kasi matakaw pa din sa gatas si Mari kahit mag-aapat na taon na sila ni Avi. No wonder kung bakit mas mukhang panganay tingnan si Mari kay Avi, like what I've said before. Malaking bata si Mari.



"Natawagan ko na sina Belle. Dating gawi, susunduin tayo nina Alice gamit yung van." Gia smiled and so do I.


Kailan nga ba yung huling biyahe namin na magkakasama gamit yung Van nina Alice? Last Trip sa Japan pa yata.


"Okay. Avi, Mari behave okay?" marahang bilin ko sa dalawa na tumango naman sakin habang nakangiti. "Cute naman ng mga baby ko, pakiss nga si Mommy."


Mari is a sweet kid, she loves hugs and kisses. She's definitely clingy but  Avi, he's the total opposite of Mari. Sweet lang sya samin ni Mama Abby nya pero sa iba, napakasuplado kalalaking tao.



"Pakiss din si Tita Ninang, come to Tita!" Gia said but Avi just stared at her.


"I still..don't like..chu Tita Ninang. No, no, no." umiiling na sagot ni Avi then Gia pouted.


"Manang-mana ka sa Mommy mo! Tara na antayin natin sina Alice sa labas ng gate." gigil na sabi nya bago nya buhatin si Mari at ako naman ang umakay kay Avi palabas ng gate.



After a few minutes dumating na din si Alice may kasabay syang isa pang van at walang humpay pa ang pag-busina nilang dalawa.



"Doc! Muka kang nagdadrive ng truck ng basura, sideline ba yan?!" biro ni Gia habang patawa-tawa namang nakasilip si Alice sa bintana ng driver seat habang bumubusina pa din.



"Oo. Wala akong pasyenteng maoperahan ngayon e, sakay na mga basura! Maliban dun sa dalawang cute na bulinggit. Hindi kayo basura, mwamwa!" she yelled back while blowing a kiss to the twins.



'Manila Girls'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon