B C

1K 95 30
                                    

Brei's POV

Hay buhay. Nakakapagod maging tao, gusto ko na lang maging nuggets.

Required ba talaga yung pag-aaral? Isipin nyo naman, 6 years ka sa Elem. 6 years sa highschool. Tapos 4-7 years sa kursong kukunin mo. Grabe, 16 years ng buhay ko yung masasayang tapos mamamatay din naman tayong lahat.

"Oh tulo mo lumalaway." isang nakakaasar na boses ang bigla kong narinig kaya napabalik ako sa wisyo bigla saka tumingin sa babaeng umupo sa harap ko.


"Si Lara?" agad kong tanong pero nginisian nya lang ako.


"Miss mo agad?Relax ka lang, loyal sayo 'yon kahit ipadala pa natin sa sokor 'yon." mabilis kong binato sa kanya yung lapis na hawak ko dahil sa nakakaasar na tono ng pagsasalita nya.


"Ecka, tinatanong ka ng maayos. Wala kang lunch, kala mo ah."


"Joke lang! Di ka na mabiro, oh lapis mo. Gusto mo ba ako pa gumawa nyang ginagawa mo?-


"Si Lara lang yung kailangan ko." I gave her a straight face at napasinghap naman ako nung bigyan nya 'ko ng wacky face.


"Patay na patay kay Lara ah?Tho apaka-lowkey mo humarot, obvious pa den Ombeng." she hissed at huminga naman ako ng malalim.


"Dami mong ebas, kwento mo sa fish Ecka." mataray na sabi ko saka nagpatuloy sa ginagawa ko.


Nag-aadvance study ako para sa susunod na lesson namin oh diba, isipin nyo tamad na tamad na 'kong mag-aral pero nakukuha ko pang mag-advance study.


"Holdap 'to, akin na wallet mo." mabilis kong nilapag ang pitaka ko sa lamesa nung narinig ko yung boses na 'yon. Parang tanga, pangarap maging pulis pero nagpa-practice maging kriminal amp. Abnormal.


"Nakakamiss naman magkaroon ng sugar mommy." umiiling na sabi ni Ecka habang nakatitig saming dalawa ni Lara.


"Sugar mommy?Never ka naman nag-mukhang sanggol, mukha kan-



"Ano Lara?Sige ituloy mo papakain ko sayo ng buo 'tong gitara ko." napahinga na lang ako ng malalim sa kanilang dalawa. Araw-araw ganyan eksena naming tatlo dito sa cafeteria, bukod tangi laging mesa lang namin ang maingay.


"Di ka na mabiro, anong order mo?" malakas na nilapag ni Lara yung makapal na libro nya ng Criminology sa mesa at mukhang sinadya pa nya talagang ibagsak 'yon sa kamay ni Ecka na kaagad namang napasigaw.


"Aa-h! Punyet-bakit ba hindi ka pa nagpakuha sa diyos LaraMae!!" mabilis na tumakbo si Lara para takasan si Ecka na patayo na sana sa upuan nya.


Malakas na tawa naman ang pinakawalan ko nung mapansin ko ang bahagyang pamumula ng likod ng palad nya.



"Kamusta pala yung agency na nakakuha sayo?" tanong ko, saka para naman magkaroon kami ng maayos-ayos na topic.


Mukhang naging excited naman sya sa tanong ko at nilapit nya pa masyado yung upuan nya.


"Binigyan nila ako ng project na gumawa ng sarili kong kanta. Eto, tingnan mo, tingnan mo. Tapos pag na-perform ko daw 'yan ng ayos at nagustuhan nila, magre-recordings kami. Oh diba." nakangiti kong tiningnan yung papel kung saan nakasulat yung kanta nya at medyo na-touch naman ako nung nakita ko yung title.


"Dayang?Yung deep filipino word na ibig sabihin, tinatangi or darling. Diba?" napangiti sya bago nya kunin yung papel at itago sa bag nya.


"Tumpak, nakuha mo. Pwede din syang gamiting pang-tawag sa prinsesa or a noble lady para naman mas maramdaman nung babae na espesyal sya." tingnan mo nga naman. Napaka-hopeless romantic naman pala nito.

"Dahil narinig ko, ibig sabihin tungkol kay Belle 'yang kantang sinulat mo?Kasi sabi mo pang-prinsesa yung Dayang, eh diba nga Belle is our Beauty at ikaw ang Be-


"Sige Lara."


"Best. Beauty and Best. Di mo ko pinapatapos eh. Oh pagkain nyo." napairap ako habang natatawa dahil sa palusot na sinabi ni Lara.


"Pero next time pa 'to. Di ko pa kasi nalalagyan ng tono, sa ngayon may kinover akong kanta yun muna yung kakantahin ko sa mga gig. Tapos try ko din ia-upload sa ChooChube famous naman si Sela saka sina Coleen magpapatulong na lang ako para madaming makanood." tinapik ko yung balikat nya saka sya tinanguhan.


"You're taking good steps Ecka. Keep it up." ngumiti sya saka tumango at nagsimula ng kumain.


"Eh ikaw Obri? Maliliit pa din mga hakbang mo. Gusto mo din maging singer diba?Sumama ka kaya sa mga gig ni Ate Ecka, tapos sasamahan din kita...sa pagtanda." kamuntikan na 'kong mabulunan sa kinakain ko kaya naman binato ko sa kanya yung lapis na binato ko kay Ecka kanina.


"Ano ba Lara, alam nyo kung di ko lang kayo kilala mapagkakamalan ko kayong mag-Ate na naghaharutan." mabilis kong sinamaan ng tingin si Ecka kaya sya natahimik at nag-focus na lang sa pagkain nya.


"Pagod na ko mag-aral, itanan mo na nga ako Lara." boring na sabi ko habang pinaglalaruan na lang ang pagkain ko ngayon.


"T-Tanan?Itatanan kita?" tinaas ko ang tingin ko sa kanya at nakita ko naman ang nanlalaking mata nya kasabay ang pamumula ng cheeks nya.


"Oo, baket ayaw mo ba?Ah, baka naman si Nile ang gusto mo-


"H-Hindi ah, sige kunwari itatanan kita." nakangiting sabi nya pero tinitigan ko lang sya bago ko sabihing,


"Hindi kunwari Lara, seryoso ako."


"Ey! Ayan tayo eh. Respeto, anong tanan, tanan? Hindi pwede, hindi ka mabubuhay ni Lara kasi pumasok sa Adonis lang ang alam nyang trabaho!" malakas na hinampas ni Ecka yung lamesa para makuha yung atensyon naming dalawa at isang malakas na tawa naman ang pinakawalan ko habang pinapanood namin si Lara na nakatitig pa din sa kawalan.


"Hoy Lara, masyado ka namang kinilig!" hinampas ko yung braso nya at mabilis naman syang napunta sa sarili nya habang hinihimas ang braso nya.


"H-Ha?Pisti ka. Nakatitig ako dun sa lalaking magsasalin ng tubig sa water dispenser, wala pa din?" binunot nya yung tumbler nya sa bag nya at sinilip ko naman yung sinasabi nya.


"Yon, meron na oh!!" gigil na sabi ko.


"Ah okay, okay. BAT KA GALET?!" napatikom naman ako ng titigan nya ko bago ko sya sinagot.


"Hindi, pinapaliwanag ko lang naman.." pa-cute lang ako ng slight para umepekto.


"Akin na tumbler mo, lalagyan ko na den." cute naman Lalang ko. Mukha syang sweet and spicy pancit canton.


"Akin din lagyan mo." habol ni Ecka.


Nakakatamad talaga, buti na lang dalawang tanga yung kasama ko.

'Manila Girls'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon