Lipat House

1.4K 87 20
                                    

Abby's POV

Pagdating namin nakabukas na agad ang gate kaya naman pinasok ko na don ang sasakyan diretsong garange. Nakabukas na din ang malaking pinto ng bahay at may ilang maids na ang nakaabang.

Aaackkk. Eto na naman ako sa harap ng malacañanggg!! Kumalma ka Abby, dyan ka na titira may kasama ka pang dyosa oh san ka pa?

"Abby, Wala ka nga sa malacañang or sa white house, its our house." ha?nabasa na naman nya utak ko? Psychic talaga 'tong itlog na 'to.

Ngumiti lang ako sa kanya bago lumakad sa likod ng kotse para ibaba yung mga gamit namin.

"Ate, can you help us with our luggages?" Mabait na tanong nya sa isang maid na mabilis naman kaming tinulungan.

"Inayos na po namin lahat Miss, malinis na po yung mga kwarto. Magpahinga na lang po kayo." sabi nung isang maid na nasa middle-aged na.

"Ganon po ba?How about foods po?" ang cute naman ni Sela maging magalang.

"Meron na din po Miss. Medyo marami nga po yung hinanda namin kasi sa tagal nyo pong nawala di na po namin alam ano yung mga hilig nyong kainin.." nahihiyang sabi nung isa pang maid kaya naman natawa si Sela.

"Well that's okay. Pupunta kasi ulit dito yung mga kaibigan kong pumunta nung Birthday ko. Paki-akyat na lang po ng mga gamit namin dun sa kwarto ko." nakangiting sabi nya at medyo nagtaka naman ako.

"Kwarto mo?" tanong ko at lumingon naman sya sakin habang nakataas ang isang kilay nya.

"What?You don't want to be with me on the same room?Pinaayos ko pa naman yung kwarto ko." loh. Wala naman akong sinasabi pero makakatulog kaya ako ng kasama sya? I mean, nung nag beach kasi kami non kami yung magkasalo sa higaan pero hindi ko sya actually tinabihan, kasi ang ginawa ko non pag tulog na sya nakikipagpalit ako kay Belle. Mwehe

"Hindi...Pero ayoko namang masira privacy mo." kamot ulong sagot ko at natawa naman sya ng mahina.

"My privacy is now yours too. Manang, guide her to our room, mauna ka na magbihis Mahal i'll just tour myself around." lihim naman akong kinilig dahil sa sinabi nya habang pinapanood syang lumakad sa malaking bahay hanggang sa mawala na sya sa paningin ko.

Marsela minsan na nga lang maging sweet ayaw pa ilugar, nakakahiya tuloy dito sa maids.

"Hi Miss. Pakilala lang po kami para alam nyo po itatawag nyo samin." nakangiting sagot nung isang maid.

"Wag masyadong madaldal." saway sa kanya nung matanda pero tumawa lang sya.

"Okay lang po. Tama naman sya e. Mas okay po kung makilala ko kayo." nakangiting sagot ko.

"Mula sa lupain ng magaganda at masisipag, anghel na bumaba mula sa langit at ngayo'y nasa inyong harapan, ako nga pala si Nice. Yes N I C E as in mabait, masipag, maalalahanin, Nice."

"Tama na nga. Mahiya ka ng slight halos kaedad lang natin 'yan." saway sa kanya nung isa pang mas bata na maid.

"Slight lang ba?Sure-

"Tapusin nyo na yan ng matulungan na natin sya sa mga gamit nila ni Miss Sela."

"Ako na tatapos ang ke-kj nyo e. Hi ulittt, gaya ng sabi ko ako po si Nice anak ako nitong hardinera ng mansion si Mama Emma, eto naman si Jewel pinsan ko at ang masarap na taga luto dito sa mansionnn si Manang Lilibeth the kitchen Captain!" nakatanggap sya ng palo mula kay Manang Lilibeth kaya naman natigil sya at natatawa naman akong nakatayo sa harap nila.

'Manila Girls'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon